27/08/2026
PRAYER GUIDE FOR NEPAL
Mga kapatid, samahan po natin sa panalangin ang mga tao sa Nepal na matinding naapektuhan ng malaking flash flood noong kahapon, 26 August 2026.
1) ANO ANG NANGYARI?
Isang malaking glacial/ice and rock collapse sa Himalayan area ang nag-trigger ng napakalakas na flash flood at rumaragasang putik at mga bato. Maraming bahay, kalsada, tulay, at iba pang structures ang nasira o inanod. Marami ring nasawi at marami pa ang nawawala. Patuloy pa ang search and rescue.
2) KASALUKUYANG SITUATION
Maraming pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay, bahay, kabuhayan, at basic necessities. Mahirap ang rescue dahil sa putik, sirang mga kalsada, pagkawala ng kuryente at communication, at patuloy na panganib ng muling pagbaha.
3) MGA DAPAT NATING IPANALANGIN
a. Para sa mga nawawala at survivors
Nawa ay ingatan at iligtas ng Panginoon ang mga nawawala. Magkaroon ng lakas at comfort ang mga survivors at pamilya na naghahanap ng kanilang mga mahal sa buhay.
b. Para sa rescue and relief workers
Wisdom, protection, strength, at safe access para sa mga rescuers, sundalo, medical teams, at volunteers na tumutulong sa affected areas.
c. Para sa mga nawalan ng tahanan at kabuhayan
Probisyon ng pagkain, tubig/inumin, gamot, shelter, at iba pang pangangailangan. Assistance para sila ay makabangon muli.
d. Para sa protection mula sa posibleng panganib
Protektsyon ng mga tao laban sa panibagong flash floods, landslides, at iba pang panganib. Bigyan nawa ng Panginoon ng wisdom ang mga awtoridad sa kanilang mga decision.
e. Para sa “church” at mga believers sa Nepal
Gamitin nawa ng Diyos ang mga mananampalataya upang maging instrumento ng pag-asa, tulong, at pag-ibig ni Cristo sa mga nangangailangan. Nawa ay makita at madama ang kabutihan at awa ng Diyos kahit sa gitna ng malaking pagsubok.
“God is our refuge and strength, a very present help in trouble.” Psalm 46:1
Let us pray for Nepal.