13/05/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ
MAYO 13
Ikalawang Misteryo ng Liwanag
Ang Pagpapahayag ni Jesus sa Kasalan sa Cana, Galilea
Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan (2:1-11)
Nang Ikatlong araw ay nagdaos ng isang kasalan sa Cana ng Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Inanyayahan din si Jesus at ang kanyang mga alagad sa kasalan. Ngayon nang maubos ang alak ay sinabi ng Ina ni Jesus sa Kanya, "Wala na silang alak." Winika sa kanya ni Jesus, "Babae, ano ito sa Akin at sa iyo? Hindi pa dumarating ang Aking oras." Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, "Gawin ninyo ang ano mang sabihin sa inyo."
Mayroon doong anim na tapayan, na nakalaan sa kaugaliang paghuhugas ng mga Judio, na ang bawat isa ay naglalaman ng dalawa o tatlong takal, sinabi ni Jesus sa mga naglilingkod, "Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan," aniya sa kanila ,"at dalhin sa namamahala ng pagkain." At dinala nila.
Nang matikman ng namamahala ng pagkain ang tubig na naging alak, at di niya nalalaman kung saan nanggaling, bagaman nalalaman ng mga naglilingkod na sumalok ng tubig. tinawag nรญya ang kasintahang lalaki, at sinabi sa kanya, "ang unang inihahain ng lahat ay ang mabuting alak hanggang ngayon." Ito ang unang himala na ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea at ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at nagsisampalataya sa kanya ang kanyang mga alngad.
PAGNINILAY:
- Sa ebanghelyo ni San Juan ang ministeryo ni Jesus ay nagsimula sa kasalan sa Cana, Calilea naroon sl Maria: Siya ang"Babaeng" binabanggit sa aklat ng Genesis.
- Si Maria ang dalilang halimbawa ng Simbahan at ng mga kasapi nito.
Tayo, ang Simbahan, ay dapat na mahigpit na naka-ugnay kay Jesus na Tagapagligtas.
- Ang ating kaugnayan kay Jesus ay dapat mangahulugan ng pakikiisa sa pagsasakatuparan ng dulot niyang kaligtasan ngayon at sa ating lugar at panahon.
Ipanalangin mo kami O Santa Mariang Ina ng Diyos,
Nang kamiโy maging dapat makinabang sa mga Pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
(Hinihikayat din ang lahat na makiisa sa pagdarasal ng rosaryo, pag-aalay ng bulaklak at magsimba sa inyong bisita o parokya.)
Tampok na Larawan:
Imahen ng Pambansang Naglalakbay na Imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima - Coronada mula sa Pambansang Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima, Lungsod ng Valenzuela
Sanggunian: MSGR. SABINO VENGCO, ED.
MSGR. ANDRES VALERA, FLORES DE MAYO
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/