25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ || ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐
Pinangunahan ng ating kura paroko na si Fr. Edmar "Emai" Estrella ang pagdiriwang ng banal na misa noong ika-24 ng Mayo bilang pagpupugay sa kapistahan ng Mahal na Birhen De las Flores. Sa pagtitipon, nagkaroon ng pagkakataon na kilalanin ang lahat ng mga lumahok at tumugon sa panawagan ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglahok sa tradisyonal na sagala. Ang paglahok na ito ay hindi lamang nagsilbing pagpapakita ng debosyon sa ibaโt ibang titulo at katangian ni Maria, kundi isang mas malalim na paggunita sa mahalagang papel niya sa ating pananampalataya.
โAng tagumpay ng Flores de Maria 2026 ay bunga ng pagkakaisa at masusing pag-oorganisa ng ibaโt ibang samahan at organisasyon sa ating parokya. Naging posible ang lahat ng ito sa ilalim ng pamumuno nina Sis. Anne Ducut at Bro. Jeffrey Ducut para sa Ad Hoc Committees, at ng ating Sangguniang Pastoral na kinabibilangan nina Sis. Lulu Barruel (PPC Vice-Chair) at Sis. Merz Ducut (PPC Secretary). Katuwang din sa paglilingkod ang mga pinuno ng ibaโt ibang komisyon at ministry tulad nina Bro. Boie Billoso (Head, EMHC), Sis. Sylvia Generoso (Head, Commission on Social Communications), Sis. Santa Trinidad (Head, Block Rosary Movement), at Sis. Erlinda Aguilon (Head, Music Ministry).
โSa pagtatapos ng pagdiriwang, nawa'y baunin nating lahat ang mga aral at biyayang ating natanggap. Lubos ang pasasalamat ng ating parokya sa lahat ng mga naglaan ng oras, talento, at paglilingkod upang maging makabuluhan ang ating kapistahan. Hanggang sa muling pagtatagpo sa susunod na taon, patuloy nawa tayong gabayan at ipanalangin ng Mahal na Birhen de las Flores.
๐ด๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ซ๐ ๐ณ๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
Parish of the Risen Lord - SocCom
โ๐ปKapsyon ni: Bro. ACDC
๐ทKuhang larawan ni: Bro. JDDD