27/09/2026
BUWAN NG SANTO ROSARYO 2026
Halina't sama-samang dumulog sa ating Panginoon sa pamamagitan ng Rosaryo ni Maria, na siyang ating aliw at ligaya sa pagdurusa!
Makiisa sa palagiang pagdarasal ng Rosaryo sa ating kapilya, simula ika-1 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2026.
ORAS NG PAGROROSARYO
LUNES- SABADO | 5:00 N.H.
MIYERKULES: Nobena sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo | 5:30 N.H.
LINGGO: Pagrorosaryo | 3:30 N.H.
Banal na Misa | 4:30 N.H.
Sa buong buwan ding ito ay itatanghal sa ating kapilya ang replica ng mga sumusunod na imahen:
SAN JOSE DE LAS PIÑAS | Oktubre 1-31, 2026.
(Ito ay alinsunod sa panawagan ni Papa Leon XIII na dasalin ang "Ad te Beate Ioseph" matapos ang pagrorosaryo sa buong buwan ng Oktubre, sa pamamagitan ng kanyang kalatas na "Quamquam Pluries" noong 1889).
NUESTRA SEÑORA DE LA SALUD | Oktubre 1-10, 2026.
NUESTRA SEÑORA DE FATIMA | Oktubre 11-17, 2026.
NUESTRA SEÑORA DELA MERCED | Oktubre 18- 24, 2026
NUESTRA SEÑORA DELAS FLORES DE TUGATOG | Oktubre 25-31, 2026.
"Halinang lahat at makiisa
Sa pagdasal ng Rosario ni Maria,
Aliw at ligaya sa pagdurusa!"