04/10/2026
📖Luke 10:27
"Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip; at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."
☁️
Simple lang ang verse natin today, pero napakalalim. Dito nakasalalay ang buong buhay natin: Love God, Love People.
1. Buong puso, kaluluwa, lakas, at isip
Hindi pwedeng "half-half" ang pagmamahal natin sa Diyos. Hindi lang Sunday-Sunday, hindi lang kapag may kailangan tayo. Kasama Siya sa lahat: sa pagbangon natin sa umaga, sa pag-handle ng clients, sa pressure ng target, at kahit sa mga araw na pagod na tayo. Kapag Siya ang una sa buhay natin, Siya na rin ang bahala sa lahat ng iba pa.
2. Mahalin ang kapwa gaya ng sarili
Kapwa natin ang customers natin, ang kasama sa team, ang boss, at pati yung mahirap pakisamahan. Paano ba natin gustong tratuhin? May respeto, may malasakit, may pang-unawa, at may second chance. Ganun din dapat ang ibigay natin sa iba.
• Tapat sa pagbebenta, walang halong pandaraya. Mahal natin ang client kaya totoo ang sinasabi natin.
• Mabait sa kasamahan. Tulungan ang bumabagsak, i-celebrate ang nananalo.
• Magaling na work ethic, kasi ginagawa natin ito para sa Diyos, hindi lang para sa quota. (Colossians 3:23)
• Mapagpakumbaba sa pagtanggap ng correction, at may grace din sa pagbibigay nito.
✨
Sino ang kailangan kong mahalin nang mas mabuti today? May tao ba akong dapat patawarin o kamustahin?
🙏
Lord, salamat po sa panibagong araw. Turuan Mo kaming mahalin Ka nang buong puso at mahalin ang bawat taong makakasalamuha namin ngayon. Gawin Mo kaming blessing sa mga kliyente, sa team, at sa pamilya namin. Sa Iyo po ang lahat ng papuri. In Jesus' name, Amen. 🙏