11/05/2025
Mommy, Inay, Inang, Mie, Mom, Mama...
Aming Mama, naging kasama ka sa
bawat luha, bawat tuwa
naging saksi maging sa aming pagkadapa,
At nagpapasalamat sa ‘yo
dahil ni minsan hindi ka nawala.
Salamat sa inyo aming mga mahal na Ina,
Sa pagpapa-alala ng Kaniyang pag-ibig,
na kahit sino’y walang makaka-daig.
Salamat dahil ikaw ang naging tinig,
noong mga oras na sa aki’y
walang nais makinig,
salamat mama, sa pakikiisa sa aming himig.
"Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan."
Kawikaan 31:30
Maligayang Araw sa mga Ilaw ng Tahanan! Dalangin namin na hindi lumalam ang inyong mga ilawan.
Song: "Awit Ng Pasasalamat Sa Ama’t Ina" by Musikatha Kids
Copyright © Praise Music, Inc.
No copyright infringement intended. All rights belong to the rightful owner.
Send a message to learn more