Camareros y Recamaderos de la Nuestra Señora de Fatima

Camareros y Recamaderos de la Nuestra Señora de Fatima Samahan ng mga Nangangalaga ng mga Banal na Imahen ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐤𝐚-𝟐𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨Ngayong ika-22 ng Hulyo, ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni Santa Maria...
22/07/2026

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐤𝐚-𝟐𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨

Ngayong ika-22 ng Hulyo, ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni Santa Maria Magdalena. Siya ang unang saksi sa muling pagkabuhay ng Panginoon at tinaguriang "Apostol ng mga Apostol."

Ayon sa Ebanghelyo ni San Lucas, si Maria Magdalena ay isang babaeng pinagaling ni Hesus, matapos palayasin mula sa kaniya ang pitong demonyo. Mula noon, naging tapat siyang tagasunod ni Kristo at nanatili sa Kaniya hanggang sa paanan ng krus. Itinataas ng Simbahan ang kanyang halimbawa bilang larawan ng awa ng Diyos at halimbawa ng pagbabagong-buhay.

Noong 2016, itinalaga ni Papa Francisco ang pag-aalaala sa kanya bilang isang Kapistahan upang bigyang-diin ang kanyang mahalagang papel sa pananampalataya.

Nawa'y ang kanyang halimbawa ay maging inspirasyon sa atin upang manatiling matatag sa pananampalataya, mapagpakumbaba sa puso, at tapat sa paglilingkod sa Diyos.

Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.

--

Ang imahen ni Sta. Maria Magdalena sa mga larawan ay bahagi ng mga Prusisyon sa mga Mahal na Araw sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima at nasa pangangalaga ng Pamilya Veron. Mga kuha ni Andrei Marcelino.

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐕𝐄𝐑𝐎𝐍𝐈𝐂𝐀 | 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨Ngayong ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon, ating inaalala ang  tradisyunal na pagdiriw...
12/07/2026

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐕𝐄𝐑𝐎𝐍𝐈𝐂𝐀 | 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨

Ngayong ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon, ating inaalala ang tradisyunal na pagdiriwang ng Paggunita kay Santa Veronica.

Ayon sa matandang tradisyon ng simbahan, si Santa Veronica ay isa sa mga taga-sunod ni Hesus, na nakilala dahil sa kanyang pagpupunas sa nagdurugong mukha ni Hesus noong Siya ay nasa daan patungong kalbaryo. Dala ng kahabagan at kagandahang-loob, nang makita niya ang maamong mukha ni Kristo na duguan sa hampas, pinagluluraan, at puno ng alikabok, kinuha niya ang kanyang birang at buong tapang na nakipagsiksikan sa pulutong ng mga tao upang punasan ang mukha ng Panginoon.

Maging huwaran nawa natin si Santa Veronica sa kanyang habag, katapangan, at tapad na pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo.

Santa Veronica, ipanalangin mo kami.

--

Ang imahen ni Sta. Veronica sa mga larawan ay bahagi ng mga Prusisyon sa mga Mahal na Araw sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima. Mga kuha ni Andrei Marcelino.

Halina’t makiisa sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima!
12/05/2026

Halina’t makiisa sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima!

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐎𝐌𝐄   |   𝐈𝐤𝐚-𝟐𝟒 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥Ngayon ay ating inaalala si Santa Maria Salome, isa sa mga tapat na disipulo ng ...
24/04/2026

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐎𝐌𝐄 | 𝐈𝐤𝐚-𝟐𝟒 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥

Ngayon ay ating inaalala si Santa Maria Salome, isa sa mga tapat na disipulo ng ating Panginoong Hesukristo at ina nina Apostol Santiago at San Juan. Kakaunti ang nasusulat patungkol kay Salome ngunit ayon sa Banal na Kasulatan, isa siya sa 'Tres Marias' na nanatili sa paanan ng krus sa ni Hesus. Kasama sina Maria Cleofas/Jacobe at Maria Magdalena, isa siya sa mga unang pinapakitaan ng Panginoong Muling Nabuhay.

Ang buhay ni Salome ay nagpapaalaala sa ating na ang tunay na pagsunod kay Hesuskristo ay ang pananatili—sa oras ng tuwa, hapis, at katahimikan. Tulad niya, sa kabila ng mga sakit sa buhay, manatili nawa tayong matatag sa ating pananampalataya at huwag talikuran ng walang hanggang pag-ibig ng Panginoong Muling Nabuhay,

Sta. Maria Salome, ipanalangin mo kami.

Kasalukuyang nasa altar ang imahen ni Sta. Maria Salome na bahagi ng mga Prusisyon sa mga Mahal na Araw. Ito ay na nasa pangangalaga ni G. Jun Carlo Griengo.

PASKO NG MULING PAGKABUHAY | Prusisyon ng SalubongAbril 5, 2026
06/04/2026

PASKO NG MULING PAGKABUHAY | Prusisyon ng Salubong
Abril 5, 2026

BIYERNES SANTO | Prusisyon ng PaglilibingAbril 3, 2026
06/04/2026

BIYERNES SANTO | Prusisyon ng Paglilibing
Abril 3, 2026

MIYERKULES SANTO | Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoong HesukristoAbril 1, 2026
06/04/2026

MIYERKULES SANTO | Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo
Abril 1, 2026

Ngayong Miyerkules Santo, ating samahan ang ating Panginoong Hesukristo at pagnilayan ang sakit na kanyang tinamo para s...
01/04/2026

Ngayong Miyerkules Santo, ating samahan ang ating Panginoong Hesukristo at pagnilayan ang sakit na kanyang tinamo para sa kaligtasan ng mundo.

Inaaanyayahan ang lahat ng mga deboto at mananampalataya na makiisa sa 'Procesion de la Pasion de Jesucristo' matapos ang Banal na Misa at Rito ng Tenebrae sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima. Tampok rito ang mga imaheng pang-Semana Santa na kasapi ng samahan.

Ngayong Lunes Santo, tayo na’t makiisa sa pag-aalaala sa buhay, pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng atin...
30/03/2026

Ngayong Lunes Santo, tayo na’t makiisa sa pag-aalaala sa buhay, pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Paningoong Hesukristo sa Pabasa ng Pasyong Mahal sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima. Bukas ito sa lahat ng mga deboto at mananampalataya na nais bumasa.

Tampok sa Pabasa sa Dambana ang mga kasaping imaheng pang-mga Mahal na Araw ng Camareros y Recamadores de la Nuestra Señora de Fatima.

Kahapon ay ating ginunita ang Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen...
30/03/2026

Kahapon ay ating ginunita ang Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Tampok ang imahen ng ‘La Jumenta’ o ‘Ang Matagumpay na Pagpasok ng Panginoon sa Herusalem,’ nagsimula ang pagbabasbas ng mga palaspas sa Fatima Avenue patungo sa Pambansang Dambana. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rdo. P. Elmer Ignacio, rektor at kura paroko.

Hosanna sa Anak ni David!



Ang mga imagen ng La Jumenta ay nasa pangangalaga ni G. Rye Lumague at pamilya.

Address

2 Fatima Avenue, Marulas
Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camareros y Recamaderos de la Nuestra Señora de Fatima posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share