19/02/2022
Ika-20 ng Pebrero: PAGGUNITA KAY SAN. FRANCISCO AT STA. JACINTA MARTO NG FATIMA.
Si San. Francisco at Sta. Jacinta Marto ay ang mga batang pastol na pinagpakitaan ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima noong 1917. Sila ang mga kasama ni Lucia Dos Santos na naging saksi sa pahayag at milagro ng Birhen.
Pumanaw sila dahil sa sakit dala ng Pandemyang Influenza mula 1919 hanggang 1920.
Sila ay Kinilalang Santo at Santa ng Simbahang Katolika noong ika-13 ng Mayo, 2017, sa pangunguna ni Papa Francisco na ginanap sa Basillica ng Mahal na Birhen ng Fatima, sa Bansang Portugal. kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 taon o Sentenaryo ng Aparisyon ng Birheng Maria.
PANALANGIN KAY SAN. FRANCISCO AT STA. JACINTA MARTO SA PANAHON NG PANDEMYA.
Sta. Jacinta at San. Francisco Marto, mga munting pastol ng Fatima, pinili kayo ng langit upang makita ang Mahal na Birheng Maria at ihatid ang kanyang mensahe ng pagbabalik-loob ng mga makasalanan.
Kayong naghirap ng lubos at namatay mula sa sakit na Influenza, ang pandemya ng inyong panahon, ipanalangin ninyo kaming nagdurusa sa pandemyang aming kinakaharap sa panahong ito, upang kaawaan kami ng Diyos.
Ipanalangin ninyo ang mga bata sa buong mundo.
Ipanalangin ninyo, na kami ay ingatan at bigyang lunas ang bunga na dulot ng pandemya sa aming pangagatawan, isipan at kaluluwa.
Ipanalangin ninyo ang lahat ng mga nasa unang hanay na tumutulong na pigilan at puksain ang Pandemyang aming kinakaharap.
Ipanalangin ninyo ang buong mundo, ang lahat ng bansa, ang Simbahan at ang mga pinakaaba sa lipunan na naghihirap at nangangailangan ng kagalingan.
Mga munting pastol ng Fatima, tulungan ninyo kami na lumapit sa kanlungan ng Kalinislinisang Puso ni Maria, upang matanggap namin ang biyaya na aming kinakailangan sa oras na ito, at matagpuan namin ang kagandahan ng buhay na parating.
Tulad ninyo, nagtitiwala kami sa mga salita ng Mahal na Birheng Maria na nagturo sa inyo na "magdasal ng Rosaryo araw-araw sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosaryo, sapagkat tanging siya ang makakatulong sa inyo na mapalapit kay Hesus na ating Panginoon at tagapagligtas." Amen.
Mahal na Ina ng Fatima, Birhen ng Sto. Rosaryo..
Ipanalangin mo kami!
San Jose, Esposo ni Maria...
Ipanalangin mo kam!!
Santa Jacinta at Santo Francisco Marto, mga munting pastol ng Fatima.
Ipanalangin ninyo kami!