04/08/2026
Bawat lingkod ng Diyos ay may kwento ng pananampalataya.
Sa episode na ito ng 🎙 USAP PODCAST Usapang Simula at Pagbabago, makakasama natin sa isang makabuluhan at inspirasyonal na pag-uusap ang ating espesyal na panauhin:
🎙 JessieRyn Gacutan - (Coach Yhen)
Life Class Director – God's Kingdom
Tunghayan natin ang kanyang faith journey bilang isang asawa, Life Class Director, at lingkod ng Diyos. Alamin natin kung paano siya tinawag ng Panginoon, ang mga karanasang humubog sa kanyang pananampalataya, at kung paano niya tinutulungan ang iba na lumago sa kanilang paglakad kasama si Cristo.
Kasama rin nating pag-uusapan ang isang napakahalagang paksa:
💐 ANG CALLING NG DIYOS SA BUHAY NG ISANG BABAE
❓ Paano mo natuklasan ang calling ng Diyos sa iyong buhay, at paano ka nito binago bilang isang babae, asawa, at lingkod ng Panginoon?
❓ Ano ang mga pagsubok na iyong hinarap habang tinutupad ang calling ng Diyos, at paano ka pinalakas ng Panginoon sa mga panahong iyon?
❓ Ano ang mensahe mo sa mga kababaihang naghahanap ng direksyon at nais mamuhay ayon sa layunin ng Diyos?
📖 Ang buhay ng isang babaeng tinawag ng Diyos ay hindi lamang nasusukat sa kanyang mga ginagawa, kundi sa kanyang pananampalataya, katapatan, at pagsunod sa Kanyang kalooban.
🗓 Thursday
🕗 8:00 PM
🎙 USAP PODCAST Usapang Simula at Pagbabago
Hosted by: Kuya Jim & Kuya Jay
✨ Huwag palampasin ang gabing puno ng mga patotoo, inspirasyon, at makabuluhang usapan tungkol sa pananampalataya, calling, pamilya, discipleship, at paglilingkod sa Diyos.
Dahil bawat buhay ay may kwento… at bawat kwento ay may ginagawa ang Diyos.