21/05/2026
โPangarap ko talaga makasakay ng eroplano" yung tipong parang abot-kamay mo na ang mga ulap.โ
โUy, airplane!โ sigaw ng isang bata sa 'di kalayuan.
Napatingin ako sa itaas at nakita ang isang eroplanong dumadaan sa langit. Mababa ang lipad nito kaya tila ba napakalapit sa amin. Sa sandaling iyon, biglang sumagi sa aking isipan ang guhit ng isa pang bata, isang simpleng drowing ng mga asul na ulap at isang eroplano. Naalala ko ang sinabi niya sa akin: โAlam mo ba ate, gusto kong makasakay sa eroplano para mas malapit na ako kay Papa God, tapos abot-kamay ko na 'yung mga ulap para doon, mas maririnig Niya na 'yung mga hiling ko.โ Napangiti na lang ako dahil tulad niya noong kabataan ko, tuwing may dadaan na eroplano ay awtomatiko rin akong tumitingala. Nagbabakasaling balang araw ay makasasakay din ako roon, iniisip na kapag mas mataas ang aking kinalalagyan, mas malapit ako sa Panginoon.
Ngunit habang nakatitig ako sa eroplano kanina, doon ko sumagi sa aking ang isang reyalisasyon. Hindi pala eroplano ang daan palapit sa Diyos, dahil lagi na pala natin Siyang kasama simula pa lang noong una. Sa katunayan, para pala tayong nasa isang patuloy na biyahe kung saan ang Panginoon ang ating Piloto, at tayo ang Kaniyang mga Pasahero.
Sa mundong ito, isang malaking pribilehiyo ang makasakay sa totoong eroplano. Madalas nating isipin na ang mga mayayaman at may kakayahan lamang ang nagkakaroon ng tiket para makalipad sa himpapawid. Ngunit sa eroplanong pinatatakbo ng Diyos, mas lalong walang kapantay ang pribilehiyo, at maswerte tayo dahil hindi mo kailangang maging marangya sa materyal na bagay para makasakay. Ang paglipad mo kasama Niya ay patunay na mayaman ka sa Kaniyang biyaya at pagmamahal. Lahat tayo, anuman ang estado sa buhay, ay may libreng tiket sa biyaheng ito.
Gayunpaman, ang paglipad kasama ang Diyos ay hindi nangangahulugang laging maayos ang panahon. Minsan, tulad ng eroplanong nakita ko kanina, mababa rin ang lipad ng ating buhay. May mga araw na pakiramdam natin ay nasa pinakamababang dako tayo, mabigat ang pakiramdam, usad-pagong ang mga plano, at tila ba napakalayo natin sa rurok ng tagumpay.
Ngunit hindi dahil mababa ang lipad ng eroplano ay nangangahulugang hindi na ito makararating sa ating paroroonan. Bababa man ang lipad dahil sa bigat ng bagyo, tiyak na muliโt muli itong lulutang patungo sa destinasyon. Ang mga ulap na nais nating madampian ay ang mga pangarap na kay tagal na nating gustong maabot-kamay, at ang Siya bilang ating Piloto ang gumagawa ng paraan upang unti-unti natin itong mahawakan.
Kaya naman, bilang mga pasahero, ang tanging tungkulin lang natin ay magtiwala. Sa totoong flight, kapag lumiliglig ang eroplano dahil sa turbulence, hindi naman tayo tumatakbo sa harap para agawin ang manibela sa piloto. Nananatili lang tayong nakaupo at nagtitiwala na itatawid tayo ng kapitan sa kabila ng unos. Si Hesus ang piloto ng ating buhay, at kung sino ang ating Piloto, Siya rin ang ating Mapa. Hinding hindi tayo maliligaw dahil alam n'ya ang tamang daan para sa atin
Bukod pa doon, madalas nawawalan ng signal ang ating mga telepono kaya napipilitan tayong mag-airplane mode. Ngunit sa Diyos, walang "No Signal." Kahit nasaan ka, kahit nasa pinakamababang punto ka ng iyong buhay, 24/7 na konektado ang puso mo sa Langit. Maaaring maputol ang koneksyon natin sa mundo, ngunit ang linya natin sa Kaniya ay kailanman hindi maaantala.
Sa susunod na tumingala ka sa langit at makakita ng eroplanong mababa ang lipad, huwag kang mangamba. Paalala iyon na anuman ang taas o baba ng pinagdaraanan mo ngayon, may isang matapat na Pilotong may hawak ng manibela ng iyong buhay. At kasama Niya, tiyak na aabutin mo ang ulap ng iyong mga pangarap.
๐๐ฎ๐ก๐ข๐ญ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Sulat ni: Ashly Regir at Azeleah Nicole Rasco
Kuha ni: Ashly Regir