SPPC San Isidro Labrador - Malinta

Call Directions Contact the place of worship

SPPC San Isidro Labrador - Malinta Official FB Page of Sub Parish Pastoral Council San Isidro Labrador - Malinta, Valenzuela City, San Isidro Labrador Parish, Diocese of Malolos (8)-244-1140

04/10/2026

Oktubre 4, 2026 | Banal na Misa | Ika-4:00 ng Hapon

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/SanIsidroLabradorParishMalintaOfficial

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
www.youtube.com/-SanIsidroLabrador





Disclaimer: No copyright infringement intended. Gintong Butil - Parish of San Isidro Labrador, Malinta Valenzuela does not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owner.

04/10/2026

Oktubre 4, 2026 | Banal na Misa | Ika-8:30 ng Umaga

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/SanIsidroLabradorParishMalintaOfficial

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
www.youtube.com/-SanIsidroLabrador





Disclaimer: No copyright infringement intended. Gintong Butil - Parish of San Isidro Labrador, Malinta Valenzuela does not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owner.

 #๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐ˆSi San Francisco ng Assisi ay isinilang noong 1181/1182 sa Assisi, Italya. Iniwan...
03/10/2026

#๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐ˆ

Si San Francisco ng Assisi ay isinilang noong 1181/1182 sa Assisi, Italya. Iniwan niya ang marangyang buhay upang lubos na italaga ang sarili sa Diyos at sa paglilingkod sa mahihirap. Itinatag niya ang Orden ng mga Prayle Menor (Franciscano) at namuhay nang may matinding kababaang-loob, kahirapan, at pagmamahal sa lahat ng nilalang. Kilala rin siya sa kanyang malalim na pagmamahal sa kalikasan at sa kapayapaan. Namatay siya noong 1226 at idineklarang santo noong 1228.

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™„๐™‰ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™๐™๐˜ผ๐™‰๐˜พ๐™„๐™Ž๐˜พ๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™Ž๐™Ž๐™„๐™Ž๐™„

O mahal na San Francisco ng Assisi,

ikaw na naging huwaran ng kababaang-loob, kapayapaan, at pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga nilikha, ipanalangin mo kami sa Panginoon.

Turuan mo kaming mamuhay nang simple, maging mapagbigay sa mga nangangailangan, at magkaroon ng pusong puno ng pagmamahal.

Tulungan mo kaming maging mga instrumento ng kapayapaan, lalo na sa aming pamilya, paaralan, pamayanan, at Simbahan.

Nawa'y matutuhan naming pahalagahan at pangalagaan ang magandang nilikha ng Diyos.

San Francisco ng Assisi, tagapagtatag ng Orden ng mga Franciscano, ipanalangin mo kami.

Amen.


โ€Ž
------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter/ X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Œโ€Ž------------------------------------------------

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐Sa Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon, tinuturuan tayo ni Hesus tungkol sa kapangyar...
03/10/2026

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐

Sa Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon, tinuturuan tayo ni Hesus tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya. Kahit maliit ang ating pananampalataya, maaari itong maging makapangyarihan kapag ito ay sinamahan ng tunay na pagtitiwala at pagsunod sa Diyos.

Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa Diyos, kundi isang buhay na pagtitiwala sa Kanya sa gitna ng mga pagsubok at kawalan ng katiyakan. Inaanyayahan tayong manatiling tapat sa ating mga tungkulin at patuloy na gumawa ng mabuti, kahit hindi agad natin nakikita ang bunga nito.

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™„๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™„๐™†๐˜ผ-27 ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™Š ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‰๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™ƒ๐™Š๐™‰

Ama naming Makapangyarihan, dagdagan Mo ang aming pananampalataya upang sa bawat pagsubok ay patuloy kaming magtiwala sa Iyong pagmamahal at paggabay. Tulungan Mo kaming maging tapat sa aming mga tungkulin at maglingkod nang may mapagpakumbabang puso. Nawa'y hindi kami panghinaan ng loob kapag hindi namin agad nakikita ang bunga ng aming mga ginagawa, bagkus ay manatili kaming umaasa at nagtitiwala sa Iyong kalooban. Amen.


โ€Ž
------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter/ X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Œโ€Ž------------------------------------------------

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | Oktubre 04, 2026Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Isaias 5: 1-7Pagbasa mula sa aklat ni ...
03/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | Oktubre 04, 2026
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Isaias 5: 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ako ay aawit sa sinta kong mahal
tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan:
mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupaโ€™y mataba;
hinukayan niyaโ€™t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako;
mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar;
sa gitnaโ€™y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsimpamunga.
Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw.
Kayaโ€™t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa aming dalawa:
Ako, at ang aking ubasan.
Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang akoโ€™y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw?
Kayaโ€™t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan:
Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito.
Wawasakin ko ang bakod nito.
Hahayaan kong itoโ€™y mapasok at sirain ng mga ilap na hayop.
Pababayaan ko itong lumubog sa sukal, mabalot ng tinik at dawag;
di ko babawasin ang sangaโ€™t dahong labis, di ko pagyayamanin ang mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
Ang ubasang itoโ€™y ang bayang Israel, at ang Panginoon naman ang siyang nagtanim; ang mga Judiong kanyang inaruga ang mga puno ng ubas.
At kanyang hinintay na itoโ€™y gumawa ng mabuti ngunit naging mamamatay-tao,
inaasahang magpapairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang ginawa.

Ang Salita ng Diyos.

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—š๐—จ๐—ก๐—”๐—ก | Salmo 79: 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Mula sa Egipto,
ikaw ang naglabas ng puno ng ubas, saka itinanim
sa lupang dayuhan, matapos ang tao moโ€™y palayasin.
Hanggang sa ibayo,
sa ibayong dagat, ang sangang
malabay nitoโ€™y nakaabot,
pati mga ugat humabang mabutiโ€™t umabot sa ilog.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Bakit mo sinira?
Sinira ang pader, kung kaya napasok nitong dumaraan,
pinipitas tuloy yaong bunga nitong tanim na naturan.
Mga baboy damong
nagmula sa gubat, niluluray itong walang pakundangan,
kinakain ito ng lahat ng hayop pawang nasa parang.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Ikaโ€™y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong itoโ€™y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago moโ€™t iyong pinalakas!

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

At kung magkagayon,
magbabalik kamiโ€™t di na magtataksil sa โ€˜yo kailanman,
kamiโ€™y pasiglahiโ€™t aming pupurihin ang iyong pangalan.
Kami ay ibalik,
Panginoong Diyos, at ipadama mo ang โ€˜yong pagmamahal,
iligtas mo kami at sa iyong sinag kami ay tanglawan.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Filipos 4: 6-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos.

๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—” | Juan 15: 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Mateo 21: 33-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: โ€œPakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at itoโ€™y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siyaโ€™y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-hulihaโ€™y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. โ€˜Igagalang nila ang aking anak,โ€™ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, silaโ€™y nag-usap-usap: โ€˜Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kayaโ€™t siyaโ€™y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

โ€œPagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?โ€ Sumagot sila, โ€œLilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.โ€ Tinanong sila ni Hesus, โ€œHindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

โ€˜Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at itoโ€™y kahanga-hanga!โ€™

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter / X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Žโ€Ž--------------------------------------------------

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜๐ŽAma naming Makapangyarihan, sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Santo Ros...
03/10/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜๐Ž

Ama naming Makapangyarihan, sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, akayin Mo kami tungo sa mas malalim na buhay-pananalangin. Tulungan Mo kaming maging tapat sa pagdarasal ng Santo Rosaryo upang sa bawat misteryo ay higit naming mapagnilayan ang buhay, pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen.




------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter / X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Žโ€Ž--------------------------------------------------

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ | 04 Oktubre 2026Ama naming Makapangyarihan, pagkalooban Mo kami ng pananampalatayang matatag at buhay na pag...
03/10/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ | 04 Oktubre 2026

Ama naming Makapangyarihan, pagkalooban Mo kami ng pananampalatayang matatag at buhay na pag-asa. Tulungan Mo kaming sundin ang Iyong kalooban at maging tapat na mga alagad ni Kristo sa lahat ng aming ginagawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen.




------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter / X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Žโ€Ž--------------------------------------------------

02/10/2026

Oktubre 3, 2026 | Banal na Misa | Ika-6:30 ng Umaga

Paggunita kay San Francisco ng Assisi

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/SanIsidroLabradorParishMalintaOfficial

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
www.youtube.com/-SanIsidroLabrador





Disclaimer: No copyright infringement intended. Gintong Butil - Parish of San Isidro Labrador, Malinta Valenzuela does not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owner.

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | Oktubre 03, 2026Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Job 42: 1-3. 5-6. 12-16Pag...
02/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | Oktubre 03, 2026
Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Job 42: 1-3. 5-6. 12-16

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Ang sagot ni Job sa Panginoon:
โ€œAlam kong magagawa mo ang lahat ng bagay,
anumang balakin moโ€™y walang makahahadlang.
โ€˜Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?โ€™
Kaya ako ay humatol nang walang katuturan,
na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay.
Nakilala kita sa balita lamang,
ngunit ngayoโ€™y akin nang namasdan.
Kaya akoโ€™y nagsisisi nang buong taimtim.
At ang sarili koโ€™y aking itinatakwil.โ€

Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing a**o. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangalaโ€™y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaaโ€™t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi bago siya namatay.

Ang Salita ng Diyos.

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—š๐—จ๐—ก๐—”๐—ก | Salmo 118: 66. 71. 75. 91. 125. 130

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Akoโ€™y bigyan mo ng dunong, ng tunay na karunungan,
yamang akoโ€™y nagtiwala sa utos mong ibinigay.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,
pagkat aking naunawang mahalaga ang โ€˜yong utos.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Nababatid ko, O P**n, matuwid ang iyong batas,
kahit akoโ€™y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,
alipin mo silang lahat sa iyoโ€™y naglilingkod.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Bigyan mo ng pang-unawa itong iyong abang lingkod,
upang aking maunawa ang aral moโ€™t mga utos.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo moโ€™y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—” | Mateo 11: 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag nโ€™ya
Hari sโ€™ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!

๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Lucas 10: 17-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpuโ€™t dalawa. โ€œPanginoon,โ€ sabi nila, โ€œkahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œNakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit โ€“ parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.โ€

Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, โ€œPinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kaloobaโ€™y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.โ€

โ€œIbinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.โ€

Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: โ€œMapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter / X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Žโ€Ž--------------------------------------------------

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜๐ŽAma naming Makapangyarihan, sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay ipinagk...
02/10/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜๐Ž

Ama naming Makapangyarihan, sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay ipinagkaloob Mo sa amin ang isang Ina na patuloy na gumagabay sa Iyong mga anak. Sa kanyang halimbawa, turuan Mo kaming maging mapagmahal, mahabagin, at mapagkumbaba sa aming pakikitungo sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen.




------------------------------------------------
โ€ŽSPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
โ€ŽFacebook:
โ€Žhttps://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
โ€ŽInstagram:
โ€Žhttps://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
โ€ŽThreads:
โ€Žhttps://www.threads.net/
Twitter / X:
https://x.com/SPPCSIL
โ€ŽTiktok:
โ€Žhttps://www.tiktok.com/.san.isidro.l?_r=1...
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UCzt0fnD2CyMq87tfzzGmxog
โ€Žโ€Ž--------------------------------------------------

Address

Malinta
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm
Saturday 5am - 6pm
Sunday 9am - 12am

Telephone

+639665566323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPPC San Isidro Labrador - Malinta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to SPPC San Isidro Labrador - Malinta:

Shortcuts

Share