15/07/2022
Alam mo ba‼️
Ang Pelikulang The PASSION Of CHRIST ni Mel Gibson, ay isa sa pinakakontrobersyal na pelikula ng buhay ng ating Panginoong HESU-KRISTO.
Ito ang istorya👀.
Ang The PASSION OF CHRIST, ay ang may pinakamalapit na depiksyon ng nangyare sa ating Panginoong HESU-KRISTO. Umani ito ng napakadaming puna sa kadahilanang malubha ang pagsasapelikula lalo ang tagpo ng pagpapahirap, paghampas, pagbuhat ng krus, pagkapako at pagkamatay sa krus ng ating Panginoon. Ang Direktor na si Mel Gibson, ay sumangguni sa simbahang katoliko sa mga nilalaman ng banal na kasulatan at sumangguni din ang direktor sa mga historian na kung ano ang pamumuhay ng sinaunang hudyo at romano. Ang pinakamalapit na depiksyon ng pelikulang ito, ay kung paano pahirapan at patayin ng mga sundalong romano ang ating Panginoon maligtas lamang tayong mga tao. ❤️🙏. At ang pagkabuhay niya ay tanda ng Pag-asa na tayo din ay magkakamit ng buhay dahil sa kanyang pagliligtas.
Ngunit sa kabila ng mga puna ng pelikulang ito, Alam mo bang madaming nagbago ang buhay, Ang mga gumanap sa pelikula, maging ang mga extra, ay tumistigo na may hindi sila maipaliwanag sa mga nangyayari sa set maging ang mga taong nakakakita. May mga Cast na Atheist at iba pang mga dominasyon ang umanib sa simbahang katoliko dahil sa pelikulang ito. At magpahanggang ngayon, hindi nila malimutan ang karanasang ito.
Kaya kapatid, ito'y pagganap pa lamang sa pelikula. Paano pa kaya kung ang KRISTO HESUS ay tanggapin mo sa iyong puso ng walang halong pag balatkayo❓Isang katotohanan na tanging DIYOS lamang at ang mga naniniwala sa kanya ang makakapagpapabago ng buhay at puso ng isang tao. Dahil tayo ay nabuhay para sa DIYOS lamang. 🙏❤️☺️