Parish Commission on Youth ‐ St. Joseph the Worker Parish

Parish Commission on Youth ‐ St. Joseph the Worker Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Parish Commission on Youth ‐ St. Joseph the Worker Parish, Religious organisation, St. Joseph the Worker Parish Church, San Baraquiel Street Punturin, Valenzuela City, Valenzuela.

Empowering youth to grow in faith, serve with heart, and lead with courage—building a spirited community rooted in Christ’s love. ✨

The official page of PCY-SJTWP

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Block Rosary (Agosto 22, 2026)Matapos ang ilang buwang pananatili at pagpapala sa mga tahanan sa SPPC...
22/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Block Rosary (Agosto 22, 2026)

Matapos ang ilang buwang pananatili at pagpapala sa mga tahanan sa SPPC Langka, opisyal nang nailipat kanina ang banal na imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima at ni San Pedro Calungsod patungo sa SPPC Punturin.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga pamilya at mananampalataya ng SPPC Langka na bukas-palad na tumanggap, nagpatuloy, at nakiisa sa pagdarasal ng Santo Rosario sa loob ng maraming buwan. Ang inyong debosyon ay tunay na nag-iwan ng liwanag at pag-asa sa inyong pamayanan.

Sa ating mga kapatid sa SPPC Punturin, nawa'y maging masigla at puno ng kagalakan ang inyong pagtanggap sa ating Mahal na Ina at kay San Pedro Calungsod. Nawa’y patuloy na magbuklod ang ating mga pamilya sa pamamagitan ng panalangin.



𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| ONE SEED-Dance MinistryMas naging masigla at buhay ang naganap na pagtitipon ng Commission on Evangel...
22/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| ONE SEED-Dance Ministry

Mas naging masigla at buhay ang naganap na pagtitipon ng Commission on Evangelization mula sa Parokya ni San Jose ang Manggagawa at sa Inihahandang-Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Bignay. Ito ay sa pamamagitan ng inihandang energizer at intermission number ng 𝐏𝐂𝐘 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 para sa programang 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐄𝐄𝐃: 𝑂𝑛𝑤𝑎𝑟𝑑 𝑡𝑜 𝑁𝑒𝑤 𝐸𝑣𝑎𝑛𝑔𝑒𝑙𝑖𝑧𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 - 𝑆𝑜𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑑 𝐸𝑚𝑝𝑜𝑤𝑒𝑟𝑖𝑛𝑔 𝐸𝑣𝑎𝑛𝑔𝑒𝑙𝑖𝑧𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝐷𝑖𝑜𝑐𝑒𝑠𝑒💃✨

Isang malaking kagalakan para sa ating mga kabataan ang maging bahagi ng mahalagang gawaing ito. Sa pamamagitan ng galaw, sayaw, at masayang papuri, naiparamdam ng ating Dance Ministry ang buhay na presensya ng Panginoon sa puso ng bawat dumalo. Ang bawat hakbang at ngiti ay patunay na ang pagpapahayag ng Magandang Balita ay pwedeng isabuhay nang may sigla, pagkakaisa, at malalim na pananampalataya.




𝙂𝙚𝙩𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝙨𝙤𝙢𝙚𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙚𝙭𝙘𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜... 👀
21/08/2026

𝙂𝙚𝙩𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝙨𝙤𝙢𝙚𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙚𝙭𝙘𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜... 👀



𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Works of Mercy - Free Lugaw🍲Halos kalahating buwan na ang nakalipas simula nang bumuhos ang masamang ...
20/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Works of Mercy - Free Lugaw🍲

Halos kalahating buwan na ang nakalipas simula nang bumuhos ang masamang panahon na naging dahilan ng pagkaantala ng mga klase at pagkasuspinde ng pasok sa mga ahensya ng gobyerno. Sa kabila ng panganib na dala ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, ang ating mga manggagawa sa pribadong sektor, mga tindero’t tindera, at iba pang mga kababayan ay kailangan pa ring kumayod para sa pamilya.

Dahil dito, ang Komisyon ng Kabataan ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa, sa pangunguna ng mga Lider-Kabataan, ang Parish Youth Coordinating Council 2025–2027 ay nagsagawa ng isang munting proyekto upang maghatid ng ngiti at mainit na pagkain sa ating mga mananampalataya. Kanina, sa ganap na ika-6:30 ng umaga, nagpamahagi ang ating mga kabataan ng 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝘄 para sa mga mamamayang papasok sa trabaho at mga nagtitinda sa paligid ng Kapilya ng Punturin.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa mga fundraising projects ng ating kabataan. Kayo po ang dahilan kung bakit nagiging posible ang mga ganitong gawain na nakatutulong sa ating kapwa.

Patuloy po tayong manalangin para sa pagbuti ng panahon at sa kaligtasan ng lahat.



𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| PYCC Monthly MeetingMuling nagtipon-tipon kahapon ang 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐏𝐘𝐂𝐂 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎...
17/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| PYCC Monthly Meeting

Muling nagtipon-tipon kahapon ang 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐏𝐘𝐂𝐂 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟕) para sa kanilang regular na Monthly Meeting. Ang lupon ng mga lider-kabataan mula sa iba't ibang kapilya at ministri ng parokya ay nagkaisa upang talakayin ang mga nakahanay na programa at aktibidad para sa natitirang mga araw ng Agosto at sa buong buwan ng Setyembre.

Sa patuloy na awa at biyaya ng Panginoon ay patuloy ang mga lider kabataan sa pagbuo ng mga gawaing mas magpapatatag sa pananampalataya at pagkakaisa ng mga kabataan sa ating parokya.



𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Youth OrientationLubos ang kagalakan ng buong Pamparokyang Komisyon ng Kabataan sa matagumpay na Orie...
17/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Youth Orientation

Lubos ang kagalakan ng buong Pamparokyang Komisyon ng Kabataan sa matagumpay na Orientation para sa mga Bagong Kabataan na nais maglingkod sa Panginoon na naganap kahapon sa ating PCY Room, pagkatapos ng ating Youth Mass!

Isang malaking biyaya ang makita ang sigla at bukas-palad na pagtugon sa tawag ng paglilingkod. Sa ating mga bagong kabataang Lingkod ng Panginoon, WELCOME HOME🤍

Ito na ang simula ng isang makabuluhang paglalakbay ng paglago sa pananampalataya, pagdiskubre ng inyong mga talento, at pagbuo ng bagong pamilya at samahan sa Simbahan.

Maraming salamat sa pagdalo at sa pusong handang maglingkod kay Kristo. Kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay!



𝑵𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒐.PCY Music Ministry🎼AGOSTO 16, 2026 l 5:00 N.H‎Ika-20 Linggo sa Karaniwang Pana...
17/08/2026

𝑵𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐
𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒐.

PCY Music Ministry🎼

AGOSTO 16, 2026 l 5:00 N.H
‎Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
‎‎


𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Youth MassMuling pinagbuklod at pinagpala ang mga kabataan ng Panginoon sa naganap na Youth Mass kaha...
17/08/2026

𝑪𝒂𝒓𝒊𝒕𝒂𝒔 𝒆𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓🔨| Youth Mass

Muling pinagbuklod at pinagpala ang mga kabataan ng Panginoon sa naganap na Youth Mass kahapon sa ganap na ika-5 ng hapon sa ating Parokya.

Ang ating kabataan ay hindi lamang ang kinabukasan ng Simbahan, sila ang Kanyang Simbahan ngayon. Nawa'y ang biyayang ating natanggap at ang aral na ating napakinggan ay maging natatanging gabay at lakas natin sa buong linggong ito.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Kita-kits muli tayo sa ating mga susunod na kaganapan, mga Kabataan ni San Jose!



𝙃𝘼𝙋𝙋𝙔 𝘽𝙄𝙍𝙏𝙃𝘿𝘼𝙔 𝙏𝙊 𝙊𝙐𝙍 𝘼𝙐𝙂𝙐𝙎𝙏 𝘾𝙀𝙇𝙀𝘽𝙍𝘼𝙉𝙏𝙎! ✨💛‎‎As we celebrate Youth Month, we thank God for the gift of your life and you...
17/08/2026

𝙃𝘼𝙋𝙋𝙔 𝘽𝙄𝙍𝙏𝙃𝘿𝘼𝙔 𝙏𝙊 𝙊𝙐𝙍 𝘼𝙐𝙂𝙐𝙎𝙏 𝘾𝙀𝙇𝙀𝘽𝙍𝘼𝙉𝙏𝙎! ✨💛

‎As we celebrate Youth Month, we thank God for the gift of your life and your yes to serve. You inspire the youth of our parish to live with faith, joy, and purpose. May the Lord bless you abundantly, guide your mission, and fill your hearts with more love for Him and for others. Continue to shine as youth of our Church!

‎With love from the PCY family💕

Address

St. Joseph The Worker Parish Church, San Baraquiel Street Punturin, Valenzuela City
Valenzuela
1447

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 9am - 12pm
2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth ‐ St. Joseph the Worker Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share