13/05/2026
Kuwaderno ni Pedro | 💐💐Flores de Maria 2026💐💐
Noong ika-9 ng Mayo 2026, matagumpay na ginanap ang Flores de Maria sa Quasi Parish of Our Lady of Lourdes. Nagsimula ang Banal na pagdiriwang sa pamamagitan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-4 ng hapon na pinangunahan ni Rev. Fr. Julius Faa.
Matapos ang misa ay sinundan ito ng makabuluhang prusisyon na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon — mga Senior Citizen, mga Mag-asawa, mga Kabataan, at mga Bata — bilang pagpapakita ng kanilang debosyon at pagmamahal kay Mahal na Birheng Maria.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay at makahulugan ang pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Mahal na Ina. 💙🌹