Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City

Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City Page for the Parish of San Diego de Alcala, in Polo, Valenzuela City Ito ay ang Page ng San Diego de Alcala Parish sa Polo, Lungsod ng Valenzuela.

Narito po ang Kasaysayan ng Parokya, at Talambuhay ni San Diego de Alcala. Talambuhay ni San Diego de Alcala
Si San Diego de Alcala ay Anak ng isang mahirap na Pamilya na ipinanganak noong taong 1400 sa maliit na bayan ng San Nicholas del Puerto. Binigay sa Kanya ang Pangalang "Diego" na hinalaw kay Apostol Santiago na Patron ng Espanya. Noong siya ay nasa Sapat ng Gulang, siya ay Pumasok sa Orden

g Franciscano at naging Hermano (Conventual Brother). Nakita sa kanyang buhay ang labis na Kabanalan. Naging Portero (Alalay sa Kumbento) rin siya. Ito naman ang Dahilan kung bakit may Dala-dala siyang Basket ng Bulaklak, minsang may humihingi sa kanya ng Tinapay, kumuha siya ng labis na TInapay sa kumbento upang maipamahagi ito sa mga nanghihingi ng Pagkain, nahuli siya ng kanyang Superyor, at tinanong,"Diego, ano iyan at saan mo dadalhin?" Pinaisip ng Diyos si Diego na ang sabihin ay "Mga Bulaklak po", at ng buksan ang basket ay hindi tinapay ang nakita kundi mga Bulaklak!. Si San Diego ay madalas na tumutulong sa kapwa nangangailangan. Noong Kanonisasyon ni San Bernardino de Siena, Nagkasakit ang maraming mga Paring Franciscano,silang lahat ay ginamot ni San Diego at silang lahat ay Gumaling. Sinasabing Hinalimbawa ni San Pascual Baylon si San Diego pagdating sa Kabanalan, dahilan sa malaki nilang debosyon sa Santisimo Sakramento at Mahal na Birheng Maria. Noong Nobyembre 12, 1463, hiniling niya na isuot muli ang kanyang lumang abito at samantalang siya ay nakatingin sa Krus, kanyang pinupuri ang Panginoon sa kanyang paglilitas sa Sangkatauhan. Matapos nito, siya ay namatay sa Araw rin iyon. Nanatiling buo ang kanyang katawan at imbis na mabahong amoy ang masamyo, ay napakabango ang naamoy mula sa kanyang bangkay. Itinanghal na Santo si San Diego de Alcala noong Hulyo 1588.

Sa Araw po ng Kapistahan, Magkakaroon ng Misa ng Pasasalamat, at susundan ng Pagbibigay ng Tinapay sa Karangalan ni San ...
08/06/2016

Sa Araw po ng Kapistahan, Magkakaroon ng Misa ng Pasasalamat, at susundan ng Pagbibigay ng Tinapay sa Karangalan ni San Antonio. Lahat po ay Inaanyayahan.

Paanyaya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua(Nasa Larawan ang Imahen ni San Antonio de Padua na ginagamit sa Prus...
03/06/2016

Paanyaya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua
(Nasa Larawan ang Imahen ni San Antonio de Padua na ginagamit sa Prusisyon)

Paanyaya po sa lahat. Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.Para sa Novena Prayers, bisitahin ang Account na: San...
26/05/2016

Paanyaya po sa lahat. Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.
Para sa Novena Prayers, bisitahin ang Account na: San Diego de Alcala.
Maraming Salamat po!

Ngayon po ay ang Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepción de Polo Y Reyna ...
24/05/2016

Ngayon po ay ang Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepción de Polo Y Reyna delas Flores.

24/05/2016

Panoorin po ninyo Itong Katekismo Para sa ,
Please Like and Share

Nasa Ikaapat Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Polo Y Reyna dela...
23/05/2016

Nasa Ikaapat Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Polo Y Reyna delas Flores.

Nasa Ikatlong Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Polo Y Reyna del...
22/05/2016

Nasa Ikatlong Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Polo Y Reyna delas Flores.

Ngayon po ay nasa Ikalawang Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Po...
21/05/2016

Ngayon po ay nasa Ikalawang Araw na po tayo ng Nobenaryo sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Polo Y Reyna delas Flores

Ngayon po ay ang Unang Araw ng Nobenaryo sa karangalan ni Mariang Kalinislinisan at Reyna ng mga Bulaklak. (Check the Ac...
20/05/2016

Ngayon po ay ang Unang Araw ng Nobenaryo sa karangalan ni Mariang Kalinislinisan at Reyna ng mga Bulaklak. (Check the Account: San Diego de Alcala for the Prayers of and the Novena in honor of Our Lady)
Muli narito po ang Schedule natin sa

16/05/2016

Happy 100 likes, Sa lahat po ng Nag-like ng Page, Maraming Salamat po!
Please Share this Page. Thank you and God Bless!

Ayon sa talambuhay ni San Pascual Baylon, Hinuwaran niya sa kanyang Buhay si San Diego de Alcala, pagdating sa Kabanalan...
16/05/2016

Ayon sa talambuhay ni San Pascual Baylon, Hinuwaran niya sa kanyang Buhay si San Diego de Alcala, pagdating sa Kabanalan. Now you Know!

Sa mga Taga-Obando, isang Pagbati ng Maligayang Kapistahan sa Anak na Parokya ng Polo, Sa Kanilang Pagdiriwang ng Kapist...
16/05/2016

Sa mga Taga-Obando, isang Pagbati ng Maligayang Kapistahan sa Anak na Parokya ng Polo, Sa Kanilang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Pascual Baylon.
San Pascual Baylon, Ipanalangin mo kami!

Address

Valenzuela
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share