16/06/2023
ππππππππ ππππππππππ ππ πππππππ-ππππππππ ππππ ππ πππππ
-Ang unang Kapistahan ng Banal na Puso ay ginanap noong Agosto 31, 1670 sa Rennes France sa pamamagitan ni San Juan Eudes.
-Nagkaroon ng aparisyon noong Hunyo 16, 1675 kay Sta. Margarita Maria Alacoque ang Banal na Puso ni Hesus at hiniling dito na ang Kapistahan ng Banal na Puso ay ipagdiwang sa araw ng Biyernes matapos ang Oktaba ng Kapistahan ng Corpus Christi, para sa ikapagpapatawad ng kawalang pagpapahalaga ng tao sa sakripisyo na inialay ni Cristo.
-Matapos ang 100 taon, noong 1856, sa hiling ng mga Obispo ng Pransya kay Papa Pio IX, ang kapistahan ay ginawa nang unibersal na pagdiriwang ng buong Simbahan. Itinakda ang pagdiriwang ayon sa kalooban ng Aparisyon ng Banal na Puso, tuwing Biyernes, matapos ang Corpus Christi (Octaba ng Corpus Cristi) o 19 na araw matapos ang Pentecostes.
Ipinahayag ng Panginoong Hesus kay Sta. Margaret Maria Alacoque (1647-1690), miyembro ng Visitation monastery sa France, ang labindalawang pangakong ito sa isa niyang pagpapakita sa mongha. Dahil kay Sta. Margaret Maria, naging higit na laganap ang dati nang debosyon sa Mahal na Puso ni Hesus sa buong simbahan. Sa pagtutulungan ng santa at ng kanyang spiritual director na si San Claude de la Colombiere na isang paring Heswita (1641-1682), lubhang naging tanyag ang debosyon sa paraang natutunghayan natin sa ating panahon ngayon.
1. Pagkakalooban ko sila ng lahat ng biyayang kailangan nila sa kanilang kalagayan sa buhay. (Ang kalagayan o estado sa buhay na binabanggit ay tumutukoy ito sa tanging bokasyon ng isang tao kung saan isinasabuhay niya ang kanyang pagsunod kay Kristo, halimbawa: bilang may-asawa, binata o dalaga, at pari, madre o relihyoso).
2. Pagkakalooban ko ng kapayapaan ang kanilang mga tahanan at muling pag-uugnayin ang mga wasak na pamilya.
3. Aaliwin ko sila sa lahat ng hinaharap nilang hilahil o paghihirap sa buhay.
4. Ako ang magiging matibay na takbuhan nila sa buhay, at lalo na, sa oras ng kamatayan.
5. Igagawad ko ang masagang pagpapala sa kanilang mga gawain.
6. Makakatagpo sa aking puso ang mga makasalanan ng bukal at malawak na karagatan ng awa.
7. Ang mga kaluluwang nanlalamig na ay magiging muling maalab.
8. Ang mga kaluluwang taimtim ay mas madaling makararating sa mataas na antas ng kabanalan.
9. Babasbasan ko ang lahat ng lugar kung saan ang imahen o larawan ng aking puso ay nakatanghal at pinararangalan.
10. Bibigyan ko ang mga paring may matimyas na debosyon sa aking Banal na Puso ng biyaya na magpalambot maging ng mga pinakamatigas na puso.
11. Isusulat ko sa aking puso ang pangalan ng mga magpapalaganap ng debosyong ito.
12. Ipinangangako ko, sa nag-uumapaw na awa ng aking Puso, na ang aking makapangyarihang pag-ibig ay magkakaloob ng biyaya ng pagpupunyagi hanggang sa dulo ng buhay, sa mga tatanggap ng Banal na Komunyon sa siyam na sunud-sunod na Unang Biyernes. Hindi sila mamamatay na walang grasya, o na hindi nakatatanggap ng mga huling sakramento. ang aking Banal na Puso ang magiging ligtas na takbuhan nila sa kanilang huling sandali.
Sanggunian:
AlmuSalita
Spirit, Fire of Love Catholic blogspot