Ang Busilig - Kapilya ni Sta. Lucia

Ang Busilig - Kapilya ni Sta. Lucia The Official page of Sta. Lucia Chapel in Phase 4 Punturin, Valenzuela City

MAY 17, 2026 | Flores de MariaTingnan | Matapos ang Prusisyon ng Mahal na Birhen kasama ang kanyang mga sagala, Nagkaroo...
18/05/2026

MAY 17, 2026 | Flores de Maria

Tingnan | Matapos ang Prusisyon ng Mahal na Birhen kasama ang kanyang mga sagala, Nagkaroon din ng pag aalay ng bulaklak ang lahat ng mga mananampalatayang nakiisa

Virgen dela Medalla Milagrosa Y Delas Flores, Ipanalangin mo kami!

MAY 17, 2026 | Flores de MariaTingnan | Mga kuhang larawan sa naganap na Sagalahan sa ating Kapilya. Matapos ang Prusisy...
18/05/2026

MAY 17, 2026 | Flores de Maria

Tingnan | Mga kuhang larawan sa naganap na Sagalahan sa ating Kapilya. Matapos ang Prusisyon na umikot sa pangunahing lansangan ng Sta. Lucia Village Phase 3,4, at 6 ay isinagawa ang pagpaparangal sa Mahal na Birhen.

Ang mga anghel at sagala ay naghandog ng bulaklak samantalang ang Reina delas Flores ngayong taon ang siyang nag alay ng Koronang Sampaguita sa Mahal na Birheng Maria, ang pinaka marikit na bulaklak sa hardin ng Panginoon.

Virgen dela Medalla Milagrosa Y Delas Flores, Ipanalangin mo kami!

MAY 17, 2026 | Flores de MariaTingnan: Nitong nagdaang linggo isinagawa ang Sagalahan sa ating Kapilya, ito ay nilahukan...
18/05/2026

MAY 17, 2026 | Flores de Maria

Tingnan: Nitong nagdaang linggo isinagawa ang Sagalahan sa ating Kapilya, ito ay nilahukan ng mga bata at kabataang babae na nakatira sa nasasakupan ng ating SPPC.

Nagsimula ang Programa sa pagdarasal ng Rosaryo na pinangunahan ng mga kabataan at matapos nito ay ang Prusisyon ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhen ng Flores, kasama ang mga anghel at ang kanyang mga sagala

Virgen dela Medalla Milagrosa Y Delas Flores, Ipanalangin mo kami!

TINGNAN | Ikawalong araw ng Pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa bilang Birhen ng...
15/05/2026

TINGNAN | Ikawalong araw ng Pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa bilang Birhen ng Flores.

Bukas po, Sabado, Ika-16 ng Mayo, ang pagdarasal ng rosaryo at pag aalay ng bulaklak ay isasagawa sa ganap na Ika-4 ng hapon at ito ay susundan ng Banal na Misa sa ganap na Ika-5 ng hapon para sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa langit ng Panginoong Hesukristo

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

May 13, 2026 | Ikapitong araw ng pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhe...
15/05/2026

May 13, 2026 | Ikapitong araw ng pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhen ng Flores

Matapos ang pagdarasal ng Rosaryo at pag aalay ng bulaklak ay isinagawa ang orientation sa mga sagala sa pangunguna ng ating mga kabataan

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

May 13, 2026 | Ika anim na araw ng pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Bir...
13/05/2026

May 13, 2026 | Ika anim na araw ng pagsisiyam at pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhen ng Flores

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

HAPPY 26TH SACERDOTAL ANNIVERSARY FR. LITO! Isang pagbati sa ating minamahal na Paring Tagapangasiwa, Rdo. P. Joselito L...
13/05/2026

HAPPY 26TH SACERDOTAL ANNIVERSARY FR. LITO!

Isang pagbati sa ating minamahal na Paring Tagapangasiwa, Rdo. P. Joselito L. Rodriguez na nagdiriwang ngayon ng Ika-26 na taong anibersaryo ng pagka pari

Dalangin namin nawa'y patuloy kang pagpalain ng Diyos sa pamamagitan ni Sta. Lucia sa iyong paglilingkod at pagpapastol sa mananampalataya ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa .

𝙏𝙐 π™€π™Ž π™Žπ˜Όπ˜Ύπ™€π™π˜Ώπ™Šπ™Ž 𝙄𝙉 π˜Όπ™€π™π™€π™π™‰π™π™ˆ!

TINGNAN | Ikalimang araw ng pagsisiyam sa Birhen ng Medalya Milagrosa bilang Birhen ng FloresAng Pagdarasal ng Rosaryo a...
12/05/2026

TINGNAN | Ikalimang araw ng pagsisiyam sa Birhen ng Medalya Milagrosa bilang Birhen ng Flores

Ang Pagdarasal ng Rosaryo at Pag-aalay ng bulaklak ay isinagawa sa ganap na Ika-5:30 ng Hapon.

Patuloy pa rin po ang ginagawang pagsisiyam kung kaya't inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa gawaing ito

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

TINGNAN | Ika-apat na araw ng pagsisiyam sa Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhen ng FloresKahapon, Lunes, Ika-11 ng ...
12/05/2026

TINGNAN | Ika-apat na araw ng pagsisiyam sa Birhen ng Medalya Milagrosa - Ang Birhen ng Flores

Kahapon, Lunes, Ika-11 ng Mayo ang pagdarasal ng Rosaryo at pag aalay bg bulaklak ay isinagawa sa ganap na Ika-4 ng Hapon. Ito ay pinangunahan ng mga officers ng ating SPPC at dinaluhan rin ng mga kabataan at iba pang mananampalataya

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

TINGNAN | kahapon araw ng linggo, Ika-10 ng Mayo, sa ganap na Ika-4 ng hapon ay isinagawa amg Ikatlong araw ng Pagsisiya...
10/05/2026

TINGNAN | kahapon araw ng linggo, Ika-10 ng Mayo, sa ganap na Ika-4 ng hapon ay isinagawa amg Ikatlong araw ng Pagsisiyam sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa - Birhen ng Flores. Ito ay pinangunahan ng ating mga kabataan at dinaluhan ng iba pang mga mananampalataya na nagsipag alay rin ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen.

Virgen dela Medalya Milagrosa Y delas Flores, Ipanalangin mo kami!

Address

Sta. Lucia Village Phase 4 Punturin
Valenzuela
1440

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Busilig - Kapilya ni Sta. Lucia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Busilig - Kapilya ni Sta. Lucia:

Share