Gintong Butil- Parokya ni San Isidro Labrador, Malinta, Valenzuela

Gintong Butil- Parokya ni San Isidro Labrador, Malinta, Valenzuela The Official page of San Isidro Labrador Parish, Malinta, Valenzuela City

Date of Solemn Dedication: April 26, 1992
Feast Day: May 15

Rev. Msgr. Fr.
(1)

Adalberto G. Vergara
Parish Priest

Rev. Francis Joel P. Cruz
Parochial Vicar

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—กIka-26 ng Agosto 2026Ama, dinggin mo ang aming pang-umagang panalangin. Igawad sa amin ang alab ng iyong pag-i...
25/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก
Ika-26 ng Agosto 2026

Ama, dinggin mo ang aming pang-umagang panalangin. Igawad sa amin ang alab ng iyong pag-ibig at pakalatin ang mga panimdim ng aming puso Pinanumbalik mo kami sa buhay ng iyong makalangit na pagmamahal: ilayo mo kami sa mga pagnanasang mula sa kadiliman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN



๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐๐ˆ๐๐‹๐„ ๐’๐„๐Œ๐ˆ๐๐€๐‘ | ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ & ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌAng Basic Bible Seminar 1 ay dalawang araw na pagaaral ng Bibliy...
25/08/2026

๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐๐ˆ๐๐‹๐„ ๐’๐„๐Œ๐ˆ๐๐€๐‘ | ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ & ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ

Ang Basic Bible Seminar 1 ay dalawang araw na pagaaral ng Bibliya noong nag daang Aug 21-22, 2025, para sa mga lingkod ng simbahan na tagapagpahayag ng Salita ng Diyos.

Ang nasabing gawaing ito ay sa pangunguna ng samahan ng Lectors and Commentators at kasama ang mga kasapi ng Religious of the Divine Word, naisakatuparan ang layong mas mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa Bibliya.

Nagkaroon din ng personal at group sharing ang mga participants sa tuwing matatapos ang isang yugto ng paksa na kanilang pinag-aralan. Natapos ang seminar sa isang maikling Graduation Rights kung saan ang mga nakisapi sa seminar ay isa-isang lumuhod at hinalikan ang kanilang mga Bibliya sa harap ng altar.

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ | ๐’๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ'๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญLubos ang pasasalamat ng samahan na Legion of Mary ng San Isidro Labrador ...
25/08/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ | ๐’๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ'๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ

Lubos ang pasasalamat ng samahan na Legion of Mary ng San Isidro Labrador sa pagdalo ng ating minamahal na kura paroko Rev. Msgr. Adalberto G. Vergara (Spiritual Director of Legion of Mary-Malinta Curia Council) , Legion of Mary - Regia of Malolos, Spiritual Director's Night, naganap noong nagdaang August 20, 2026 sa 8 Waves Water Park and Resorts, San Rafael Bulacan.

Sino si San Jose de Calasanz?Si San Jose de Calasanz (1557โ€“1648) ay isang paring Espanyol at tagapagtatag ng Orden ng mg...
25/08/2026

Sino si San Jose de Calasanz?

Si San Jose de Calasanz (1557โ€“1648) ay isang paring Espanyol at tagapagtatag ng Orden ng mga Piarista (Order of the Pious Schools). Nakita niya ang kalagayan ng mga mahihirap na bata na walang pagkakataong makapag-aral, kaya't itinatag niya ang isa sa mga kauna-unahang libreng paaralan sa Europa upang mabigyan sila ng edukasyon at mabuting paghubog sa pananampalataya.

Naniniwala si San Jose de Calasanz na ang edukasyon ay isang mabisang paraan upang mabago ang buhay ng tao at mailapit siya sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa mga bata at dedikasyon sa pagtuturo, naging huwaran siya ng mga g**o, mag-aaral, at lahat ng naglilingkod sa larangan ng edukasyon.

Aral mula kay San Jose de Calasanz: Ang pagtuturo ay isang dakilang paglilingkod. Kapag ibinabahagi natin ang kaalaman, pananampalataya, at mabubuting pagpapahalaga, nakatutulong tayo sa paghubog ng mga taong magiging biyaya sa Simbahan at sa lipunan.

San Jose de Calasanz, ipanalangin mo kami.

24/08/2026

August 25, 2026 | Banal na Misa | Ika-6:30 ng Umaga

Araw ng Debosyon kay San Isidro Labrador

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/SanIsidroLabradorParishMalintaOfficial

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
www.youtube.com/-SanIsidroLabrador






Disclaimer: No copyright infringement intended. Gintong Butil - Parish of San Isidro Labrador, Malinta Valenzuela does not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owner.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—กIka-25 ng Agosto 2026Ama naming makapangyarihan, tulungan kaming hanapin ang mga pagpapahalagang tunay na aaka...
24/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก
Ika-25 ng Agosto 2026

Ama naming makapangyarihan, tulungan kaming hanapin ang mga pagpapahalagang tunay na aakay sa amin sa walang katapusang kaligayahan sa gitna nitong mundo na nagbabago at napaparam. Sa pagnanasa namin sa iyong pangako, pag-isahin mo ang aming isipan at puso.Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN



Sino si San Luis IX?Si San Luis IX (1214โ€“1270) ay hari ng Pransiya na namuno nang may katarungan, karunungan, at malalim...
24/08/2026

Sino si San Luis IX?

Si San Luis IX (1214โ€“1270) ay hari ng Pransiya na namuno nang may katarungan, karunungan, at malalim na pananampalataya sa Diyos. Sa kabila ng kanyang mataas na katungkulan, namuhay siya nang may kababaang-loob at ginamit ang kanyang kapangyarihan upang pangalagaan ang mga mahihirap, ipagtanggol ang katarungan, at itaguyod ang kapayapaan.

Kilala rin siya sa kanyang pagmamahal sa panalangin at sa Banal na Eukaristiya. Itinuring niyang ang pagiging mabuting Kristiyano ay higit na mahalaga kaysa sa pagiging isang makapangyarihang hari. Dahil sa kanyang banal na pamumuhay, kinikilala siya bilang huwaran ng mga pinuno at mga taong may pananagutan sa lipunan.

Aral mula kay San Luis IX: Ang tunay na pamumuno ay nakikita sa paglilingkod, kababaang-loob, at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Anuman ang ating katayuan sa buhay, tinatawag tayong gamitin ang ating mga biyaya at kakayahan para sa kabutihan ng kapwa at sa kaluwalhatian ng Diyos.

San Luis IX, ipanalangin mo kami.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—กIka-24 ng Agosto 2026Ama naming makapangyarihan, tulungan kaming hanapin ang mga pagpapahalagang tunay na aaka...
23/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก
Ika-24 ng Agosto 2026

Ama naming makapangyarihan, tulungan kaming hanapin ang mga pagpapahalagang tunay na aakay sa amin sa walang katapusang kaligayahan sa gitna nitong mundo na nagbabago at napaparam. Sa pagnanasa namin sa iyong pangako, pag-isahin mo ang aming isipan at puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN



Sino si Apostol San Bartolome?Si Apostol San Bartolome, na kinikilala rin bilang Natanael sa Ebanghelyo ni San Juan, ay ...
23/08/2026

Sino si Apostol San Bartolome?

Si Apostol San Bartolome, na kinikilala rin bilang Natanael sa Ebanghelyo ni San Juan, ay isa sa Labindalawang Apostol ni Hesukristo. Tinawag siya ni Hesus bilang isang taong tapat at walang pandaraya. Matapos ang muling pagkabuhay ni Kristo, buong tapang niyang ipinangaral ang Ebanghelyo sa iba't ibang lupain, na nag-akay sa marami sa pananampalataya.

Dahil sa kanyang katapatan kay Kristo, tiniis niya ang matinding pag-uusig at sa huli ay nag-alay ng kanyang buhay bilang martir. Hanggang sa wakas, nanatili siyang tapat sa misyong ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoon.

Aral mula kay Apostol San Bartolome: Ang pagiging tunay na alagad ni Kristo ay nangangailangan ng katapatan, tapang, at kahandaang sundin ang Kanyang kalooban. Kapag ang ating puso ay tapat sa Diyos, magagamit Niya tayo upang maging daan ng Kanyang pagmamahal at katotohanan sa iba.

Apostol San Bartolome, ipanalangin mo kami.

23/08/2026

Minsan, ang susi ay hindi para magbukas ng pintoโ€”kundi para ipaalala kung kanino tayo dapat magtiwala.

Ipinagkatiwala kay Pedro ang susi ng langit upang pangalagaan ang pananampalataya. At tulad ni Pedro, tinatawag din tayong manatiling matatag sa gitna ng takot, pagsubok, at pag-aalinlangan.

Kapag dumating ang sandaling gusto nating tumakas, nawaโ€™y maalala natin ang tanong: โ€œPanginoon, saan Ka papunta?โ€

Sapagkat minsan, ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang bumalik, humarap, at muling magtiwala.

โ€” Rev. Msgr. Adalberto Vergara

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/share/1A4RSv2wxh/

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
https://www.youtube.com/.../playlists



Address

KM 14, Mc Arthur Hi-way, Malinta, Valenzuela City
Valenzuela
1443

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 4pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 4pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 4pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 4pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Sunday 8am - 11:30am
2pm - 5pm

Telephone

+632926303

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gintong Butil- Parokya ni San Isidro Labrador, Malinta, Valenzuela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share