Bread From Heaven Christian Church - Urbiztondo, Pangasinan

Bread From Heaven Christian Church - Urbiztondo, Pangasinan MINISTRY VISION: "PARTNERS INTENTIONALLY EXPANDING GOSPEL TRANSFORMATION"

25/01/2026

JANUARY 25, 2026 || SUNDAY WORSHIP SERVICE
Preacher: Elder Mark Jayson Ellasos

Bible Passage: Romans 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba[a] ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.

9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[b] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”[c] 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

ONELIFE Ministry International, Inc.

18/01/2026

JANUARY 18, 2026 || SUNDAY WORSHIP SERVICE
Preacher: Rev. Eric Delos Reyes

Bible Passage: Lucas 2:41-45
Ang Batang si Jesus ay Naiwan sa Loob ng Templo
41 Taun-taon ay pumupunta ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem para sa pista ng Paglagpas.

42 Nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay umahon sa Jerusalem ayon sa kaugalian ng kapistahan. 43 Sila ay bumalik nang mabuo na nila ang mga araw ng kapistahan. Sa kanilang pagbabalik, ang batang si Jesus ay nanatili sa Jerusalem na hindi nalalaman ni Jose at ng ina ng bata. 44 Sa pag-aakala nilang siya ay nasa kasamahan nila, sila ay yumaon at naglakbay ng isang araw. Pagkatapos nito, hinanap nila siya sa mga kamag-anak at mga kakilala. 45 Nang hindi nila siya natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at hinanap siya. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, natagpuan nila siya sa templo. Siya ay nakaupo sa kalagitnaan ng mga g**o, nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 Ang lahat ng mga nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at mga sagot. 48 Nanggilalas ng labis ang kaniyang mga magulang nang makita siya. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina: Anak, bakit mo ginawa sa amin ang ganiyan? Ako at ang iyong ama ay naghanap sa iyo ng may hapis.

49 Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako hinanap? Hindi ba ninyo alam na kinakailangan kong gawin ang mga bagay na may kinalaman sa aking Ama? 50 Hindi nila naunawaan ang mga salitang sinabi niya sa kanila.

51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret. Siya ay nagpasakop sa kanila. At iningatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga bagay na ito. 52 At si Jesus ay lumago sa karunungan, at pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Diyos, at sa mga tao.

ONELIFE Ministry International, Inc.

11/11/2025

Leonard Ravenhill

12/10/2025

OCTOBER 12, 2025 || SUNDAY WORSHIP SERVICE
Preacher: Bro. Chris Eucapor

Bible Passage: 2 Timoteo 2:1-13
Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus
2 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ng kagandahang-loob ni Cristo Jesus. 2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga taong may katapatan at may kakayahang magturo naman sa iba.

3 Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4 Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. 5 Hindi maaaring gantimpalaan ang isang manlalaro kung hindi siya naglalaro ayon sa mga alituntunin. 6 Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat unang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan. 7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.

8 Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa Magandang Balitang ipinapangaral ko. 9 Ito ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkagapos na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maigagapos ang salita ng Diyos. 10 Tinitiis ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang kaluwalhatian mula kay Cristo Jesus. 11 Totoo ang kasabihang ito:

“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,
mabubuhay din tayong kasama niya.
12 Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari din tayong kapiling niya.
Kapag itinakwil natin siya,
itatakwil rin niya tayo.
13 Kung tayo man ay hindi tapat,
siya'y nananatiling tapat pa rin
sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”

ONELIFE Ministry International, Inc.

29/09/2025

🚫WHY THE CHURCH HIGHLY DISCOURAGE YOUNG PEOPLE TO HAVE BOYFRIEND'S AND GIRLFRIENDS AT YOUNG AGE

📌 1. Not Yet Ready for Marriage

> Relationships should lead to marriage, not just for fun or emotions.

🔹 Ecclesiastes 3:1
“To everything there is a season, and a time to every purpose under the heaven.

> There is a right time for love and marriage—not during early youth.

📌 2. Focus on God and Growth First

> Youth is a time to grow in the Lord, not be distracted by romance.

🔹 Lamentations 3:27
“It is good for a man that he bear the yoke in his youth.

> Youth is the best time to learn discipline and grow spiritually.

🔹 Matthew 6:33
“But seek ye first the kingdom of God.

> Put God first, not romance.

📌 3. To Avoid Temptation and Sin

> Early romantic relationships can lead to lust, impurity, or immorality.

🔹 2 Timothy 2:22
“Flee also youthful lusts: but follow righteousness.

>Avoid temptations common to young people.

🔹 1 Thessalonians 4:3-4
“For this is the will of God, even your sanctification, that ye should abstain from fornication.

📌 4. Emotional Maturity Takes Time

> Feelings can be strong but unstable at a young age.

🔹 Proverbs 4:23
“Keep thy heart with all diligence; for out of it are the issues of life.

> Guard your heart—don’t give it away too early.

📌 5. Protecting Testimony and Reputation

> A broken relationship can hurt a young person’s witness and influence.

🔹 1 Timothy 4:12
“Let no man despise thy youth; but be thou an example in word, in conversation, in charity

> Young people must set a good example, not be caught in drama.

📌 6. Obeying Parents and Godly Leaders

> God gave parents and leaders to protect and guide youth.

🔹 Ephesians 6:1-2
“Children, obey your parents in the Lord: for this is right.

📌 7. Waiting for God’s Perfect Time

> God’s plan for love and marriage is better than rushing into romance.

🔹 Proverbs 3:5-6
“Trust in the Lord with all thine heart and he shall direct thy paths.

> Let God lead you to the right person at the right time.

📌8. Be faithful faithful in the season that you are in ( ministry, study, or work )

Luke 16:10
"He that is faithful in that which is least is faithful also in much: and he that is unjust in the least is unjust also in much.

Young people are discouraged from entering into romantic relationships early not because love is wrong, but because it should be done at the right time, with the right purpose, and under God's guidance.

- Shanarra Joy Hawayan

✨ Celebrating 28 Years of God’s Faithfulness ✨Today we give thanks for 28 years of grace, growth, and Gospel mission. Th...
21/09/2025

✨ Celebrating 28 Years of God’s Faithfulness ✨
Today we give thanks for 28 years of grace, growth, and Gospel mission. Through every trial and triumph, the Lord has been our strength and guide. As we look back with gratitude, we also look ahead with hope—believing that greater things are yet to come! 💒❤️

"Let us not grow weary in doing good, for in due season we will reap, if we do not give up." – Galatians 6:9

21/08/2025
15/07/2025

Our hearts are heavy, yet rejoicing, as we share the news that our beloved pastor and teacher John MacArthur has entered into the presence of the Savior. This evening, his faith became sight. He faithfully endured until his race was run. More information will be available soon.

I solemnly charge you in the presence of God and of Christ Jesus, who is to judge the living and the dead, and by His appearing and His kingdom: preach the word; be ready in season and out of season; reprove, rebuke, exhort, with great patience and teaching. For the time will come when they will not endure sound doctrine, but wanting to have their ears tickled, they will accumulate for themselves teachers in accordance to their own desires, and will turn away their ears from the truth and will turn aside to myths. But you, be sober in all things, endure hardship, do the work of an evangelist, fulfill your ministry. For I am already being poured out as a drink offering, and the time of my departure has come. I have fought the good fight, I have finished the course, I have kept the faith; in the future there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day; and not only to me, but also to all who have loved His appearing.

2 Timothy 4:1-8

25/06/2025
15/06/2025
MAY 4, 2025 || LORD'S SUPPER - SUNDAY WORSHIP SERVICEPreacher: Rev. Eric Delos Reyes Bible Passsage: Colosas 1:24 - 2924...
04/05/2025

MAY 4, 2025 || LORD'S SUPPER - SUNDAY WORSHIP SERVICE
Preacher: Rev. Eric Delos Reyes

Bible Passsage: Colosas 1:24 - 29
24 Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito'y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan. 25 Ako'y naging lingkod nito nang piliin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita, 26 ang hiwaga na sa mahabang panahon ay inilihim sa maraming sali't saling lahi, ngunit ngayo'y inihayag na sa kanyang mga hinirang. 27 Niloob ng Diyos na ihayag sa kanila kung gaano kadakila ang kamangha-manghang hiwagang ito para sa mga Hentil na walang iba kundi si Cristo na nasa inyo. Siya ang ating pag-asa na tayo'y makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos. 28 Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming binabalaan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo. 29 Ito ang aking pinagsisikapang matupad sa pamamagitan ng kalakasang kaloob sa akin ni Cristo.

ONELIFE Ministry International, Inc.

Address

M. H Del Pilar Street
Urbiztondo
2414

Opening Hours

9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bread From Heaven Christian Church - Urbiztondo, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Bread From Heaven Christian Church - Urbiztondo, Pangasinan:

Share