Duyog Ramadhan Reminders

Duyog Ramadhan Reminders DXUP DUYOG RAMADAN
Programang mapapakinggan sa DXUP 105.5Mhz sa UPI, Maguindanao.

16/09/2024

The envier is the en*my of blessings, and this evil stems from the heart and nature of the envier. It is not something that he has acquired from elsewhere; Rather it is because his nafs is evil, in contrast to witchcraft, which happens by acquiring certain knowledge and seeking help from devilish spirits." (Badaa’i‘ al-Fawaa’id 2/458).

𝙏𝙝𝙚 𝙚𝙫𝙞𝙡 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙚𝙣𝙫𝙞𝙚𝙧 𝙢𝙖𝙮 𝙗𝙚 𝙬𝙖𝙧𝙙𝙚𝙙 𝙤𝙛𝙛 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙩𝙝𝙚 𝙤𝙣𝙚 𝙬𝙝𝙤 𝙞𝙨 𝙚𝙣𝙫𝙞𝙚𝙙 𝙞𝙣 𝙩𝙚𝙣 𝙬𝙖𝙮𝙨:

1. Seeking refuge with Allah, may He be exalted, from his evil.

2. Fearing Allah and adhering to His commands and prohibitions. For whoever fears Allah, Allah will take care of him and will not let others harm him.

3. Showing patience towards his enemy and not fighting him, complaining about him or thinking of harming him at all. There is no better victory against an envier an enemy than showing patience in putting up with him and putting one’s trust in Allah.

4. Putting one’s trust in Allah: whoever puts his trust in Allah, He will suffice him. Putting one’s trust in Allah is the strongest means by which a person may ward off what he cannot bear of the harm, transgression and enmity of other people. It is one of the strongest means of achieving that.

5. Not being distracted by the envier or thinking of him, so that you do not pay any attention to him or fear him, and your heart is not filled with thoughts of him. This is one of the most beneficial remedies and most effective means of warding off his evil.

6. Turning to Allah with sincerity.

7. Turning to Allah in repentance from sins because of which Allah allowed the individual’s enemies to harm him.

8. Giving charity and doing acts of kindness as much as you can, for that will have an amazing effect in warding off calamity, the evil eye and the evil of the envier.

9. This is the most difficult and hardest of means for the individual, and no one is able to do it except one whom Allah blesses greatly. It is extinguishing the fire of the envier, hater and one who causes harm by showing kindness to him. The greater the harm and evil, the more kindness you should show to him, show sincerity towards him and feel compassion for him.

10. The main thing, to which all the others are connected, is thinking of Allah’s oneness and attributing means and causes to the One Who is the Creator of the causes, namely the Almighty, the Most Wise, and realizing that these means and measures are like the movements of the wind: they are in the Hand of the One Who moves them, Who created them, and nothing can cause harm or bring benefit except by His leave."(Badaa’i‘ al-Fawaa’id 2/463-469).

13/07/2024

MAAARI BANG TUMANGGI ANG BABAE SA SINUMANG NAG-AALOK SA KANYA NG KASAL?

Kapag may nag-alok sa isang babae ng kasal kahit pa man siya ay relihiyoso at may magandang pag-uugali ngunit hindi niya ito gusto ay walang pagkakasala na ito ay kanyang tanggihan!!

Alalahanin na nakasalalay ang kanyang pag-aasawa na may pagpipili at pagkaroon ng katiwasayan ng sarili sa lalaking makakapiling niya!

Nang hiwalayan ng asawa niya si Fatimah Bint Qays ay inalok siya ng kasal ng tatlong magigiting at relihiysong mga Sahaba tulad nila Muawiyya, Abu Jahm at Usama.

Nagbigay ng Suhestiyon sa kanya ang mahal na Prooeta na kanyang piliin si Usama dahil si Muawiyya isang mahirap na tao at si Abu Jahm naman ay namamalo ng asawa (sa ibang paliwanag siya ay madalas maglakbay).

Pinili ni Fatimah si Usama alinsunod sa Suhestiyon ng Propeta at sinabi ng Propeta sa kanya: " Ang pagsunod kay Allah at sa Kanyang Sugo ang higit na mainam para sa iyo.
Sinabi ni Fatimah: "Tinanggap ko ang kasal mula kay Usama at di naglaon ay kina-iinggitan ako ng maraming kababaihan"

Ayon kay Shaikh Uthaimeen:
"Ito ay malaking tanda (Daleel) na ang babae ay may karapatan na tanggihan ang lalaking mahirap, Ngunit kapag ang lalaki ay relihiyoso at mabuti ang asal, pinaka mainam na tanggapin niya ito at magpakasal sa kanya"

Paalaala:
-Huwag pilitin ang babae na ikasal sa lalaking ayaw niya kahit pa ito ay relihiyoso at may mainam na asal.

-Hindi maaaring gamiting batayan na obligado kang tanggapin ng babae dahil ikaw ay relihiyoso at maganda ang ugali.

-Kunin mo muna ang pagpapasya nito na hindi napipilitan

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

ولما خطب معاوية بن أبي سفيان فاطمة بنت قيس رضي الله عنهما (وكان معاوية فقيراً) ، أشار عليها النبي صلى الله عليه وسلم برفضه ، لأنه فقير لا مال له . رواه مسلم (1480

وقال الشيخ ابن عثيمن في "لقاءات الباب المفتوح" (14/231) الشاملة .
"وهذا دليل على أن للمرأة أن ترد الخاطب إذا كان فقيراً، ولكن الأفضل إذا كان ذا خلق ودين أن تتزوج به " انتهى

✍️ Zulameen Sarento Puti

13/07/2024
14/04/2024

KHALIFA LAPU "DATU LAPU-LAPU" NAKIPAGBUNO SA MANANAKOP NA MGA DAYUHAN

Sino si Datu Lapu-Lapu ng isla ng Mactan? Si Datu Lapu-Lapu na kilala rin bilang si Khalifa Lapu na asawa ni Reyna Bulakna ay isang Muslim na nagmula sa tribong Tausug sa Jolo, Sulu na nanirahan at namuno sa isla ng Mactan. Sya ang kauna-unahang bayaning Muslim sa Pilipinas na lumaban noon sa mga dayuhang mananakop noong taong 1521. Sya at si Rajah Humabon ay ang nagtatag ng Kasultanan ng Cebu (Sultanate of Cebu).

Si Datu Lapu-Lapu ay kilalang matapang na Datu ng isla ng Mactan. Sa pagdating ng mga dayuhan sa kanyang kaharian sa Mactan sya ay inalok ng isang dayuhan na may pangalang Ferdinand Magellan ngunit tinanggihan nya ito. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Datu Lapu-Lapu, subalit kapalit nito ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa bansa, pagpapalit nila ng relihiyon, at pagtatag ng Spanish Government sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong bansa at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga Muslim at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Datu Lapu-Lapu.

Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ng Datu sa kanyang alok. Samantala, isang Anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Datu Lapu-Lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril (April 26) taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang isla ng Mactan. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Datu Lapu-Lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat.

Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan ng kung saan iyon ang kauna-unahang labanan sa pagitan ng mga Muslim at Kristyano sa bansa. Sa bandang huli ay nagapi ni Datu Lapu-Lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Datu Lapu-Lapu gamit ang kanyang tradisyonal na espadang pandigma ng mga Moro na kung tawagin ay Kampilan.

Patrol 138 DRB
MNL CORRESPONDENT

CTTO:

💜ANG SALATUL KUSUF/KHUSUF🌹1. Ano ang kahulugan nito?Ang kusuf ay ang eklipse ng araw o sa wikang Ingles ay solar eclipse...
06/04/2024

💜ANG SALATUL KUSUF/KHUSUF🌹

1. Ano ang kahulugan nito?

Ang kusuf ay ang eklipse ng araw o sa wikang Ingles ay solar eclipse samantalang ang khusuf ay ang eklipse ng buwan o sa wikang Ingles ay lunar eclipse.

2. Ano ang hatol nito sa Islam? At ano ang mga katangian nito?

Ang salatul kusuf/khusuf ay isang uri ng salah na sunnah muakkadah at hindi wajib, na binubuo ng dalawang rak’ah kung saan sa bawat rak’ah ay mayroon itong dalawang qiyam (pagtayo)/qiraah (pagbasa), dalawang ruku’ (pagyuko), at dalawang sujud (pagpapatirapa) na taliwas sa ibang mga karaniwang dalawang rak’ah na mga sunnah na salah na may isang qiyam/qiraah at isang ruku’ lamang sa bawat rak’ah nito. Samakatuwid ang salatul kusuf/khusuf ay may kabuuang apat na qiyam/qiraah, apat na ruku’ at apat na sujud sa loob lamang ng dalawang rak’ah.

Ang pagbasa ng imam ng Quran ay sa paraang hayag o malakas.

Ito ay mas mainam na isinasagawa ng kongregasyon (grupo ng mga ma’mum na pinangungunahan ng imam) subalit maaari rin naman itong isagawa na ikaw ay mag-isa lamang.

Kapag isasagawa ito ng jama’ah ay itinatawag ng malakas ang mga katagang “As-Salatu Jami’ah” na ang ibig-sabihin ay “Magsasagawa tayo ng salah sa paraang kongregasyon” upang marinig ng mga tao at magtungo sila sa masjid o musalla na pagdarausan nito. Ang salatul kusuf/khusuf ay walang adhan at iqamah. At mainam din naman na kung may prediksyon na alam ang pagdating ng isang eklipse ay ipaalam ito ng maaga sa mga tao na sa ganitong oras ay magkakaroon insha Allah ng eklipse upang sila ay makapaghanda. Ang mga babae ay maaaring sumama sa kongregasyon subalit sila ay sa likod ng mga lalake.

3. Kailan ito isinasagawa?

Ang oras ng pagsasagawa nito ay sa panahon kung kailan magkakaroon ng eklipse. Nagsisimula ito kapag nagsimula ang eklipse at hanggang sa matapos ito. Kung minsan ay tumatagal ang eklipse ng mga isang oras lalo na kung ito ay buong eklipse. Kung minsan naman ay mas maiksi rito kapag ang eklipse ay bahagya lamang na natatakpan ang araw o buwan.

Kahit sa oras mismo na bawal isagawa ang mga salah naganap ang eklipse ay sunnah pa rin na isagawa ito habang nagaganap ang eklipse hanggang sa matapos ito.

4. Mayroon ba itong khutbah?

Pagkatapos ng salatul kusuf/khusuf ay sunnah rin na tumayo ang imam upang magbigay ng khutbah hanggang sa tuluyan nang maglaho ang eklipse. Mainam na ipaalala ng khatib/imam sa mga tao ang pagpaparami ng paggawa ng ibadah at paggunita kay Allah, paghingi ng kapatawan at pagbabalik loob, at pagbibigay-kawanggawa.

5. Narito ang bai-baitang na pagsasagawa nito.

a. Takbiratul Ihram.
b. Basahin ang Suratul Fatihah.
c. Magbasa ng anumang surah o mga ayah sa Quran. Higit na mainam at sunnah kung mahabang surah ang babasahin.
d. Magtakbir at magruku’. Sunnah na mahabang ruku’ ang isasagawa. Kaya’t maraming beses na basahin dito ang mga tasbih at mga dua na binabasa para sa ruku’.
e. Umangat mula sa ruku’ habang binibigkas ang “sami ‘allahu liman hamidah rabbana wa lakal hamd”. At basahin ulit ang Suratul Fatihah.
f. Pagkatapos basahin ang Suratul Fatihah ay magbasa ng anumang surah o mga ayah sa Quran. Sunnah na mas maiksi ang babasahin dito kumpara sa nauna.
g. Magtakbir at magruku’ ulit at sunnah rin na mahabang ruku’ subalit mas maiksi kumpara sa nauna.
h. Umangat mula sa ruku’ habang binibigkas ang “sami ‘allahu liman hamidah rabbana wa lakal hamd”.
i. Magtakbir at magsujud. Sunnah na mahabang sujud ang isasagawa. Kaya’t maraming beses na basahin dito ang mga tasbih at mga dua na binabasa para sa sujud.
j. Magtakbir at umupo. Dito ay hindi mahabang pag-upo at huwag kakalimutang basahin ang mga dua na binibigkas dito.
k. Magtakbir at magsujud ulit at sunnah rin na mahabang sujud subalit mas maiksi kumpara sa nauna.
l. Pagkatapos ay magtakbir ulit upang tumayo at ulitin ang prosesong katulad sa unang rak’ah.
m. Kapag umabot na sa ikalawang sujud ay magtakbir para umupo at isagawa ang tahiyyat/tashahhud at pagkatapos ay magsagawa ng taslim.
n. Pagkatapos ng taslim ay magbibigay ng khutbah ang imam ng isang tayuan lamang. Hindi ito katulad ng khutbah sa Salatul Jumu’ah o Salatul Eid na dalawang beses tatayo ang imam/khatib kung saan sa pagitan nila ay may panandaliang pag-upo.

6. Mga Ilang Paalala.

a. Maaaring basahin ang anumang surah subalit mas mainam na ito ay mahaba.
b. Mas mainam na ang pinakamahabang bahagi ng qiraah, ruku’ at sujud ay sa unang bahagi at paiksi ng paiksi hanggang sa ikaapat na qiraah, ruku’ at sujud.
c. Hindi pahahabain ang bahagi ng i’tidal o pag-angat mula sa ruku’ at sa julus o pag-upo sa pagitan ng dalawang sujud. Normal lamang na haba ang dapat dito.
d. Sunnah na magbigay ng sadaqah.
e. Ang eklipse ay hindi nagaganap dahil may namatay at hindi rin dahil may ipinanganak na tanyag o dakilang tao. Ang araw at buwan ay kabilang sa mga tanda ni Allah subhanahu wa ta’ala.

06/04/2024
05/04/2024

❝HISTORY NG ISLAM SA PILIPINAS❞

“Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon”.

Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.

Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.

Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.

Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon.

Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.

Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.

Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).

Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata.

Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.

Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Manila at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon ng mga Kastila.

Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanao, Iranon, Maranaw, Tausog, Yakan at Sama, nilabanan nila at pinahinto ang pangarap ng mga Kastila.

At doon nagsimula ang tumanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila.

Dalawang bagay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan :

1) Gusto ng mga Kastila na siyang maghari at sakupin ang mga Muslim pero mahal ng mga Muslim ang kanilang kalayaan at mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa maging alipin ng mga Kastila.

1) Nagpahayag ang mga Kastila ng mensahe ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng espada kaya't nag-alsa ang mga Muslim at ginamit ang kanilang kris at bolo para ipagtanggol ang Islam hangang sa huling sandali.

Ang mga Datus na nagtangol sa lupain ng Mindanao laban sa kasakiman ng mga manlulupig na Kastila ay ang mga sumusunod :

1) Si Sultan Pangiran na isang Tausog, ipinagtanggol niya ang lugar ng Zamboanga at Sulu.

1) Pinatay nila Datu Sirugan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng Maguindanao si Kapitan Figueroa na isang Kastilang mananakop.

1) Sa ginawang paglusob ng mga Kastila sa Mindanao, naghiganti sina Datu Sirugan ng Maguindanao at si Datu Buisan ng Lanao ng isa ring maingat na paglusob. Nilusob nila ang Cebu, Negros at Panay at nabihag nila ang maraming Kristiyano at sila ay kanilang ginawang alipin.

1) Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila.

1) Si Sultan Kudarat ng Cotabato, ipinagtanggol niya ang Lamitan hanggang siya'y napilitang lumipat sa Iligan dahil sa napakalakas na puwersa ng mga Kastila.

1) Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay nakipaglaban sa mga mananakop ng buong giting. Nang ang kanyang asawa na si Pangian Tuan Baloca ay nahuli ng mga Kastila, sinikap niyang maging maganda ang kanyang pakikidigma hanggang sa makuha niya ang Jolo noong taong 1645 sa mga kamay ng mga Kastila at iniutos niyang sirain ang kanilang garison na itinayo sa Zamboanga.

1) Si Sultan Jamaluddin Al Alam at si Sultan Badruddin II ang siyang nagpatuloy ng pakikidigma para protektahan ang Mindanao hanggang sa dumating ang mga taga-Britanya. Sa dahilang hindi malupig ng mga Kastila ang mga Muslim, sila ay napilitang lumagda ng kapayapaan at nagbayad ng buwis kay Jamaluddin at Badruddin.

1) Si Datu Udtog ng Cotabato ang siyang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero na isang Kastila.

1) Si Datu Ali ng Baloi, Lanao, napatay niya ang Gobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler.

1) Pinatay ng mga magigiting na Maranaw si Heneral Ramon Blanco sa huling pagsubok ng mga Kastila na sakupin ang Mindanao.

Ang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagwakas noong taong 1898 at ang mga Amerikano ang siyang pumalit sa mga Kastila.

Sa mahigit na tatlong daang taon na sinubukan ng mga Kastila na sakupin ang mga Muslim, ang Espanya ay bumagsak at napahiya dahil ang mga Muslim sa Mindanao ay nagtagumpay na maipagtangol ang Islam sa Mindanao. Ganoon din ang nangyari sa mga Amerikano at Hapon na walang nagawa para sakupin ang mga Muslim. Dito natin makikita ang kapangyarihan at kadakilaan ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) na kapag ginusto Niya, walang makapipigil lalo na't ipinaglalaban ng mga Muslim ang relihiyon ng ALLAH, ang Islam.

Kaya't masugid naming mambabasa, buksan ang kaisipan at damdamin para ang ganap na gabay at liwanag tungo sa Kanya at makamtan.

Manumbalik loob tayo sa dati nating relihiyon, ang Islam, at ang kapayapaan at kapanatagan ay mapapasaatin.

Nawa'y gabayan tayo ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) para makamtan natin ang kaligtasan at kaligayahan tungo sa buhay na walang hanggan - ang PARAISO.

References :

1) Muslim In The Philippines by Prof. Muhammad Kurais

2) Philippine Islamic History by Ustadz Ismael Iljas

3) The Land Of Promise " MINDANAO " by Senator Santanina Tillah Rasul (Al Hadja)

4) Salsila by Ustadz Habib Zain

Minamahal naming mga kapatid, mambabasa at mga naghahanap ng katotohanan,

" PANAHON NA UPANG GUMISING KAYO SA PAGKAKATULOG. (Roma 13:11). MAKIKILALA NINYO ANG KATOTOHANAN, AT ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA INYO." (Juan 8:32). Kayo mismo ang dapat umalam kung ano ang ISLAM, Ang Relihiyon Ng Katotohanan, ang tanging relihiyon na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan mula pa sa simula ng panahon.

jajakomollah khair s pagbasa at naway ndi nyo makakalimtan ang history n to at maikwento nyo nawa sa susunod n henerasyon/mga ank...
(ctto)

05/04/2024

Address

Nuro, Upi, Maguindanao
Upi Nuro
9602

Telephone

+639558435788

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Duyog Ramadhan Reminders posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Duyog Ramadhan Reminders:

Share