30/08/2026
Walang ‘short-cut’ sa pagiging tunay na Kristiyano. Palaging may krus at pagsubok subalit higit dito ay ang biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos sa sinumang makilahati sa Kanyang dinanas na pagdurusa. Mahirap itong tanggapin, pero dapat nating mabatid na palaging may pabuyang sa hinaharap. Ang sinumang maging tapat hanggang sa dulo ay magkakamit ng buhay kasama si Jesus.