07/08/2026
OPISYAL NA PAHAYAG NG CENTRAL LUZON CONFERENCE
CHRISTIAN YOUTH FELLOWSHIP HINGGIL SA PAX SILICA
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa kamakailang State of the Nation Address (SONA), opisyal na inindorso ni Pangulong Marcos Jr. ang Pax Silica hub na pinamumunuan ng US. Ayon sa Pangulo, ang proyektong ito ay โmagdadala ng mga de-kalidad na trabaho at magpapasigla sa ating ekonomiya." Gayunpaman, ang mga pangakong ito ng pag-unlad ay may negatibong epekto hindi lamang sa ating kapaligiran, kundi pati sa ating mga komunidad, at ang ating bansa.
๐๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฑ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐?
Noong Disyembre 2025, itinatag ng United States ang Pax Silica initiative, isang partnership sa mga bansang tulad ng Pilipinas sa pagsisikap na makipagkumpitensya sa lumalaking dominasyon ng China sa pandaigdigang sektor ng teknolohiya. Sa ilalim ng Pax Silica initiative, plano ng gobyerno ng Pilipinas na magtayo ng AI industrial hub sa isang 1618-ektaryang property sa New Clark City sa Tarlac.
๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ, ๐๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ญ๐จ?
Ayon kay Dr. Teodoro Mendoza, isang retired na propesor ng UPLB, tinatayang 130 milyong litro ng tubig at 3 gigawatts ng kuryente ang kakailanganin ng Pax Silica bawat araw. Katumbas ito ng araw-araw na pagkonsumo ng tubig ng humigit-kumulang 600,000 kabahayan at halos 16% ng kasalukuyang grid capacity ng buong Luzon. Isa sa mga nakababahalang epekto nito ay ang kakulangan sa tubig, lalo na sa panahon ng El Niรฑo at sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.
Bukod pa rito, ayon kay Propesor Mendoza, maglalabas ang mga pasilidad ng Pax Silica ng maruming tubig na naglalaman ng mga nakalalasong kemikal na maaaring makaapekto sa kalusugan at kapaligiran ng komunidad. Dagdag pa rito, ayon kay Agham spokespersonโpropesor Giovanni Tapangโang pagtatayo ng Pax Silica ay magreresulta sa pagsasamantala sa mga agricultural and indigenous lands ng Central Luzon. Ang mga magsasaka at indigenous communities ay mapipilitang lumayas sa kanilang mga lupain sanhi ng malawakang pagpapatayo ng imprasktraturang Pax Silica.
๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ข๐ญ๐จ?
Sa panahon ng kaguluhang pangkapaligiran at sosyo-politikal, dapat tayong maging kritikal at mapanuri bilang mga tagapag-alaga sa likha ng Diyos na Maykapal. Tinatawag tayo ngayon upang magmuni at kumilos. Dahil bilang mga Kristiyano, tayo ay nilikha at tinawag upang pangalagaan at protektahan ang kabuuan ng nilikha ng Diyos (Genesis 2:15). Anumang proyekto na nagbabanta sa kalikasan, kapakanan ng masa, o pagtrato sa sangnilikha para sa pansariling interes lamang ay salungat sa ating tungkulin bilang mga mananampalataya.
Bilang mga kabataang Kristyano, ating gamitin ang ating boses at magkaisang manindigan sa pagtatanggol ng ating kalikasan, komunidad, at ang buong sangnilikha ng Diyos. Manindigan tayo para sa kaunlarang nagbibigay buhay, hindi sumisira; naglilingkod sa mga mamamayan at mga anawim, hindi sa interes ng iilan lamang; at nangangalaga sa sangnilikhang ipinagkaloob ng Diyos.
Kaya naman, ang panawagan ng mga kabataan sa Central Luzon,
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!