18/10/2025
NBSC 2025 IS COMING
Sana may pupunta na representative ng lapogan๐ฉท
110 canopy tents, inihahanda na para sa NBSC 2025
ni: Leomar Damaso
Central-Baguio Archdiocese
San Fabian, Pangasinan โ Sa patuloy na paghahanda para sa nalalapit na National Bible Study and Camporal 2025 na gaganapin sa buwan ng Disyembre 2025, puspusan na ang ginagawang pagsasaayos ng mga kagamitan upang matiyak ang maayos at komportableng karanasan ng mga kalahok, lalo na ng mga kabataan, Central-Baguio Archdiocese, ika-13 ng Oktubre.
Isa sa mga pangunahing proyekto ay ang paghahanda ng 110 canopy tents na may sukat na 450x6 na metro na magsisilbing pansamantalang tahanan ng mga kabataang lalahok sa nasabing pagtitipon. Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa ilalim ng โMula sa Puso Program,โ isang inisyatibong naglalayong ipakita ang tunay na diwa ng paglilingkod at pagkakaisa sa loob ng pamayanan.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa inisiatibo ni Office Manager, Prince Wilfredo V. Magliba, at sa paggabay ng Punong Administrador, Prince Dr. Estrellito V. Magliba, bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa mga kabataan.
Sa pangunguna ng mga boluntaryong miyembro, unti-unti nang nabubuo ang mga canopy tents na siyang magiging bahagi ng malaking selebrasyon ng pananampalataya at pagkakaisa.
Ang National Bible Study and Camporal 2025 ay inaasahang dadaluhan ng libo-libong kabataan mula sa ibaโt ibang bahagi ng Pilipinas, maging sa ibayong dagat, mula sa Crusaders of the Divine Church of Christ, kung saan muling pagtitibayin ang kanilang pananampalataya, pagkakapatiran, at pagsunod sa mga aral ng Diyos sa pangunguna ni Mons. Dr. Rufino S. Magliba.