15/05/2026
ITโS A WRAP!
Punong-puno ng saya, aral, tawanan, at pagpapala ang ating Kids Camp 2026! Tunay ngang naging matagumpay ang bawat araw dahil sa kabutihan at katapatan ng Panginoon.
Nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng camp na ito. Sa aming mga pastors, maraming salamat po sa inyong gabay, panalangin, suporta, at pagbibigay inspirasyon upang maisakatuparan ang programang ito para sa mga bata. Ang inyong pagmamahal at malasakit sa ministry ay tunay na pagpapala sa bawat isa.
Special thanks din po kay Ate Easter Garcillan sa walang sawang pagtulong, pag-aasikaso, at pagbibigay ng oras upang maging maayos at memorable ang camp na ito. Napakalaking bahagi po ninyo sa tagumpay ng programang ito.
At syempre, maraming maraming salamat din sa lahat ng volunteers, teachers, youth, parents, sponsors, at sa bawat taong tumulong sa anumang paraanโsa paghahanda, pag-aayos, pagtuturo, pagluluto, pag-aalaga sa mga bata, at higit sa lahat sa pananalangin. Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung wala kayo.
Sa bawat batang dumalo, dalangin namin na ang mga aral, memories, at experiences na kanilang natutunan dito ay manatili sa kanilang puso habang sila ay lumalaking may takot at pagmamahal sa Panginoon.
Pagod man ang katawan, masaya naman ang puso dahil nakita namin kung paano kumilos ang Diyos sa bawat activity, worship, games, at bonding moments. Tunay ngang worth it ang lahat ng effort kapag para sa Panginoon at para sa mga bata.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat! To God be all the glory!