23/05/2026
Church tayo bukas Kapatid ๐๐ปโ๐ป
๐๐๐๐๐: ๐๐ผ๐๐๐๐๐ฝ๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ฝ๐ผ
Nasusulat:
1 Pedro 3:3-4
[3]Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit.
[4]Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
(LABAHIN ANG RASON BAKIT MARAMING HINDI NAKAKAPAGSIMBA)
Kapatid,
UNAHIN muna natin ang panloob bago ang panlabas.
-Gaano man kaganda ang panlabas na kasuotan hindi parin nito maitatago ang pangit sa puso ng tao.
-Gaano man kabango ang Panlabas ng kasuotan hindi parin nito maitatago ang baho sa buhay ng tao.
-Gaano man kalinis ang Panlabas na kasuotan hindi nito kayang linisin ang kasalanan ng isang tao.
Alam mo bakit lumalala ng lumalala ang kapangyarihan ng kasalanan sa Buhay mo?
Kasi hindi kana NAGSISIMBA.
Iba parin ang buhay ng taong nagsisimba. Iba parin ang buhay kapag nakikihalubilo ka sa Kapwa mo Cristiano, may natututunan at may nangyayaring palakasan.
Mga Hebreo 10:25
[25]Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
SA PAGSISIMBA, may nangyayari Himala. Basta Totoong Puso at tunay na pagsuko ang gawin sa harapan ng Diyos.
Kaya kaysa magfocus ka sa Panlabas na Kasuotan, magfocus sa pagpapaganda ng Bagay na hindi nakikita. Magfocus sa pagpapaayos ng Buhay sa Diyos.
Kaya unahin muna ang Magsimba bago maglaba.
ang daming ng Damit ang Nilinis mo pero ikaw kamusta? Naliligo ka nga araw-araw pero iyong Spiritual mo ang Dumi-dumi na (Masakit ito)
Pero kailangan mo ito!
KAILANGAN MO ANG DIYOS kaya Magsimba kana! Inaantay ka ng Diyos.
Mga Awit 119:9
[9]Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.
Pwede namang magsimba muna bago maglaba, Hindi naman maghapon ang simba, Pwedeng ibabad muna ang labahin tapos pag-uwi galing church magpahinga ng Kunti bago maglaba, Oh diba Nalinis kana Spiritual, Nakapaglaba ka pa ng Damit.
HABANG binababad mo ang Damit, MAGBABAD karin muna sa Presensya ng Diyos.
Ang damit na Panlabas ay mawawala din at maiiwan din Kaya huwag masyadong magfocus sa Panlabas na kasuotan, Magfocus sa panloob.
1 Samuel 16:7b
Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.
Sa mga oras na ito, nakikita ng Diyos na Madumi kana, nakikita ng Diyos na hindi kana okey, nakikita ng Diyos na wasak kana, nakikita ng Diyos na durog kana. Kaya IWANAN mo na ang Labada, at magdecide na magsimba at sumamba sa Diyos na
lilinisin ka at kayang baguhin ka.
Magfocus sa paglilinis ng panloob na Kasuotan, pagandahin ang Spiritual Life.
Pahayag 22:14
[14]Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
Ang labahin walang kaluluwa, ikaw mayroon. Ang labahin makakapag-antay iyan pero ang Pagdating ng Diyos hindi natin alam.
Kaya kapatid, Magsimba muna bago maglaba.
God bless kapatid.
๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
Ama naming Banal Sa Langit,
Salamat po sa Buhay at sa Mensahe mo, ikaw ang aking Diyos at tagapagligtas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan simula noong ako'y bata pa hanggang sa mga oras na ito, Pinagsisisihan ko itong lahat, pinapatawad ko rin ang lahat ng nagkakasala sa akin. Tinatanggap ko po ang iyong Anak na si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas ang pinaku sa Krus, Namatay, inilibing at ikatlong araw ay muling nabuhay. Isulat mo po ang aking Pangalan sa Libro ng Buhay sa Langit.
Simula ngayon ikaw na po ang aking Ama at ako na po ang iyong Anak.
๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐! ๐ ๐๐๐ผ๐, ๐ผ๐๐๐!