01/01/2026
BANYUHAY: Bagong Anyo ng Buhay ๐ฆ
Sa pagpapatuloy ng ating Pagsibol, nawaโy patuloy ding mamukadkad ang ating mga pakpakโgaya ng isang paru-parong dumaan sa mahabang proseso, humarap sa mga pagsubok, at sa huliโy lumipad nang may kulay, direksiyon, at malinaw na layunin.
Ngayong matagumpay na natapos ang Christmas Institute 2025, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Maraming salamat sa ating mga pastors, workers, church members, at district officers na buong pusong tinanggap ang hamonโnaghandog ng kanilang oras, lakas, at kaalaman sa maingat na paghahanda at masinop na implementasyon ng bawat gawain. Ang inyong paglilingkod ay naging daan upang maging makabuluhan, makulay, at tunay na makalangit ang CI 2025.
Para sa ating mga kabataan, hangad namin na inyong naranasan ang tunay na banyuhayโisang pagbabagong-buhay na sumasalamin sa kabutihan, pag-ibig, at biyaya ng Panginoon. Mula sa UMYF Officers ng Northern Philippines Annual Conference, aming ikinagagalak at ipinagmamalaki ang masaya, makulay, at makahulugang CI na aming nasaksihan sa bawat distrito. Ang inyong sigla, pakikiisa, at pananampalataya ang patunay na buhay ang diwa ng paglilingkod sa kabataan. Maraming salamat sa ๐ญ,๐ฎ๐ฌ๐ฑ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ข na dumalo mula sa apat na distrito!
Panalangin namin ang pagpapatuloy ng inyong nasimulan. Huwag sanang bumitaw sa gitna ng mga hamon na ating kakaharapin, bagkus ay patuloy na manindigan at lumakad sa liwanag ng Panginoon. Nawaโy isabuhay at isapuso natin ang bawat aral na ating narinig, natunghayan, at naramdamanโhindi lamang sa CI, kundi sa araw-araw nating pamumuhay.
Hanggang sa muli. Lagiโt lagi, Si Kristo Higit sa Lahat! ๐ฆโจ