12/07/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐ญ๐ฒ๐๐ต ๐๐ต๐๐ฟ๐ฐ๐ต ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐
Sa pagpapatuloy ng ating makabuluhang pagdiriwang, ang ika-16 na Anibersaryo ng CDCC Padul Chapter ay nasaksihan sa isang programang puno ng kagalakan, pagkakaisa, at pasasalamat.
Bahagi ng pagdiriwang ang mga gawaing nagbigay-daan upang muling balikan at pahalagahan ang ating mayamang kasaysayan bilang isang kapatiran. Sa pamamagitan ng Question and Answer tungkol sa kasaysayan ng ating simbahan, muling nabigyang-pugay ang mga alaala, aral, at biyayang humubog sa ating iglesia sa paglipas ng mga taon.
Sinundan ito ng masayang Bring Me at ng pinakahihintay na Raffle Draw, na naghatid ng saya, pananabik, at mas malalim na pagkakaisa sa bawat isa na nakiisa sa espesyal na okasyong ito.
Taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng mga kapatid, panauhin, at mga dumalo na naglaan ng kanilang oras upang makibahagi sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Ang inyong presensya at pakikiisa ay nagbigay ng higit na saya at kabuluhan sa ating anibersaryo.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming mga minamahal na sponsors:
Mark Lawrence Paguirigan
Diane Tangonan
Cherry Elchico
Anabel Tangonan
Marisa Sanut
Armando Constantino
Alvaro Tangonan Sr.
Dexter Tangonan Sr.
Gayundin, taos-puso naming pinasasalamatan ang lahat ng mga taong naglaan ng kanilang panahon, lakas, at talento upang maging matagumpay ang pagdiriwang na itoโang mga nagplano, naghanda, naglingkod, at patuloy na sumuporta sa ating gawain. Ang inyong pagmamahal at dedikasyon ay tunay na pagpapala sa ating kapatiran.
Nawaโy patuloy tayong pagpalain at gabayan ng ating Ama upang manatiling matatag sa pananampalataya, nagkakaisa sa paglilingkod, at tapat sa misyong ipinagkatiwala sa atin.
Sa Espiritu Santo ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kaluwalhatian.