Love, Faith.

Love, Faith. This is my personal blog. I'll be posting my literary pieces here to share. Enjoy reading!

Limang taon na pala simula noong huli tayong nagkausap 'no? Simula noong huli nating kamustahan at huling paalam. Simula...
08/12/2024

Limang taon na pala simula noong huli tayong nagkausap 'no? Simula noong huli nating kamustahan at huling paalam. Simula noong huli nating plinano ang kinabukasan ng magkasama. Akalain mo 'yun? Limang taon na?

Ngunit sa hindi inaasahan, nakasalubong ulit kita. Iiwas sana ako kaso tinawag mo ako at niyayang mag-usap saglit. Sa konting oras na nagkausap tayo, may isang tanong ka na hirap akong sagutin. "Bakit ka bumitaw?" tanong mo sakin. Tinitigan lang kita. Di makapa ang tamang salitang sasabihin. Nabigla ata ako sa tanong hindi dahil hindi ko alam ang isasagot, kundi dahil alam ko na pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Kung paano ko ipapaliwanag sa paraang maiintindihan mo. Kung kaya't nginitian lang kita at sinabing "Napagod lang ako". Hindi na kita inantay sumagot. Nagpaalam na ako at umalis.

Napagod naman talaga ako. Napagod akong ipanalo ka sa mga labang ikaw mismo ang nagpapatalo. Napagod akong mag sagwan sa bangka natin ng mag-isa. Napagod akong iahon ka habang lubog ako. Pinilit kong magpakatatag kaso ikaw mismo ang gumigiba sakin. Ikaw mismo ang tumitibag sa tahanang pilit kong itinatayo. Inilaban kita. Inilaban ko ang 'tayo'. Pero minsan, mas masakit pa ang pananatili kaysa ang pag-alis.

Hanggang sa umabot na ako sa punto kung saan tinanong ko ang sarili ko kung ganitong pagmamahal ba ang gusto kong maranasan?

Yun ang dahilan kung bakit ako bumitaw.

*photo from Pinterest

When no one believed in you,I was there.When everyone turned their back at you,I stayed.When the world inside you crumbl...
16/04/2024

When no one believed in you,
I was there.
When everyone turned their back at you,
I stayed.
When the world inside you crumbled,
I shed hope.
I taught you how to breathe under the ocean of chaos.
I helped you see colors,
When all you can see was gray.
I fixed you when you were broken.
I fixed you because you told me
You cannot love when you're a mess.
But what I did not foresee
Is
I fixed you just for you to break me.

*photo from pinterest

You asked me once, what is one thing I saw in you that made me trust you? I told you, it's because we've known each othe...
28/03/2024

You asked me once, what is one thing I saw in you that made me trust you? I told you, it's because we've known each other for years and that I just felt comfortable sharing my worries with you. But deep in my thoughts, I wanted to say;

You are one of the rarest colours my eyes have ever laid on. You're my midnight sun. The calm amidst the chaos. The peace amidst the troubled mind. You are my solace. The jacket in my cold weather. You are like a secret box. My human diary. My keeper. With you, I can be vulnerable. I can show the side of me that no one gets to see. With you, I can be who I want to be. I can show my brokenness because I am confident that you will hold me together. With you, I can share every bit of my life without worrying about how you will react because I know that you will listen without judgment. And you know I'll do the same for you. Trusting you is a choice. And I will always choose to trust you. I will keep trusting you, until you give me a reason not to.

I hope you feel the same:)

*photo from pinterest*

Hindi ka na tahananSa isang tahanang ang haligi ay matibay paNgunit ang ilaw ay pundido na.Gugustuhin mo pa bang tumira?...
09/02/2024

Hindi ka na tahanan

Sa isang tahanang ang haligi ay matibay pa
Ngunit ang ilaw ay pundido na.
Gugustuhin mo pa bang tumira?
Kung ang ilaw ay hindi na liwanag ang dala
Kundi masasakit na alaala ng nakaraang pilit mong tinatakasan.
Mga alaalang bumabangungot sa gabi,
Na kahit anong pilit talikuran ay nakatatak na't di na mabubura.
Paulit-ulit na lang. Nakakasawa na.
Pagod na ang mga matang lumuha nang lumuha.
Paano magpapatawad kung palagi na lang ginagawa ang mga bagay na pinangakong hindi na uulitin?

Gusto ko lang namang mabuhay na malaya na sa sakit ng nakaraan.

Isang araw, sinubukan kong kausapin ka. Nalilito na kasi ako sa nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam kung aayusin ko pa, ...
06/02/2024

Isang araw, sinubukan kong kausapin ka. Nalilito na kasi ako sa nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam kung aayusin ko pa, o mas maayos kung wag na. Kung itutuloy pa ba, o ititigil na. Kasi wala na. Malabo na.

Pero nung akma kitang kakausapin, nakita kong muli ang matamis mong ngiti. Biglang nanlambot ang puso ko at tila ba'y bumalik ako sa umpisa kung kelan kita unang nakita. Napaatras ako. Hindi na natuloy ang sasabihin. Natawa na lang ako sa sarili ko.

Pwede pa rin pala.
Pwede pa rin pa lang manatili kahit wala nang nararamdaman.

Sa ngayon, pipiliin ko munang piliin ka.
Hangga't kaya ko pang kumapit.
Hanggang sa kaya ko nang bumitaw.

Malamig Na Ang KapeNaaalala ko pa yung mga panahong gustong gusto mo kapag ipinagtitimpla kita ng kape.Ayaw mo sa sobran...
05/02/2024

Malamig Na Ang Kape

Naaalala ko pa yung mga panahong gustong gusto mo kapag ipinagtitimpla kita ng kape.
Ayaw mo sa sobrang tamis,
Ayaw mo rin sa sobrang tapang.
Dapat yung sakto lang.
Yung sakto lang sa panlasa mo.

Gusto mo dati yung mainit na mainit.
Kagaya ng kung gaano kainit ang bawat yapos mo sa akin.
Inaamoy mo pa nga ang aroma ng kape bago mo inumin.
Tapos sabi mo sakin, kung magiging kape man ako,
Ako ang magiging paborito mo.

Kung kaya't sinubukan kong maging kape.
Hindi masyadong matamis,
Hindi rin masyadong matapang.
Yung sakto lang sa panlasa mo.

Nakagawian ko na ang timplahan ka ng kape sa umaga.
Naging libangan ko na rin ang panoorin ka habang nagkakape.
Kung kaya't pinanood kita.

Pinanood ko ang paghawak mo sa tasa,
Na kasing higpit ng paghawak mo sa mga kamay ko sa tuwing magkasama tayong dalawa.
Pinanood ko kung paano ka ngumiti pagkatapos mo itong tikman,
Kagaya ng kung paano ka ngumiti pagkatapos mo akong halikan.
At ang iyong pagsimangot kapag naubos mo na ito.

Pinanood kita.
Pinanood lang kita.

Pinanood ko kung paano mo inubos ang isang tasa ng kape,
Gaya ng kung paano unti-unting naubos ang pagmamahal mo sakin.
Kung paanong ang dating mainit na yapos at mahigpit na hawak,
Ay nagmistulang isang akbay na lamang.
Ang dating matamis na halik sa labi,
Ay naging bangayan ng mga bagay na hindi natin pinagkakaintindihan.
Wala na ang dating init ng pagmamahalan.
Ngayo'y isang malamig na kape na lang.

Kung may natutunan man ako, sa naging pagsasama nating dalawa,
Yun ay dapat wag mong iiwan ang kape mo ng matagal,
Tapos magugulat ka na lang pagbalik mo,
Malamig na ito.

Isang araw, sinubukan pa rin kitang timplahan.
Yung hindi masyadong matamis,
Hindi rin masyadong matapang.
Yung sakto lang.
Sakto lang sa panlasa mo.

Pero nagising na lang ako isang umaga,
Hindi na kita kayang ipagtimpla.
Kasi iba na pala ang timpla ng kape mo.
Hindi na ako.

*photo from pinterest

Back in the days when we're still starting. I remember you, not missing a single day to give me flowers. Red tulips to b...
10/07/2022

Back in the days when we're still starting. I remember you, not missing a single day to give me flowers. Red tulips to be exact. And the songs you wrote for me which made me fall inlove with you even harder. How the lyrics of your song fits me perfectly. And the way you told me that i am your favorite subject. That you will always write a song for me. The way we tried to escape reality just to unwind and have a rest but realizing that we only need each other's solace.

I am here, standing in front of your desk while holding and looking on a polaroid picture of us. It is a picture of our first date. How I love reminiscing those days. It brings me nostalgia. As i put down our photo, you entered the room with a guitar on your shoulder and a white tulips on your hand. You just got home from your gig, i see.

"thank you." i said as you hand me the flowers without mouthing any word. Confused on why you gave me white instead of red.

"can we talk?" the first words you utter as you sat down on your bed side.

"sure. About what?" I asked with curiosity. Maybe you got an offer from a recording studio again which you always decline.

"i got an offer from a studio" you said. I guess I'm not wrong. I smiled brightly because i know you dreamed of this.

"and? You did not decline again, did you?" i replied as i jokingly glare at him.

"i accepted the offer." you said happily. But why do I see sadness in your eyes?

"wow, that's great! Your dreams are now coming true." i replied with excitement. This is your big dream. I remember us, talking one summer night, about the possibilities of you receiving invitations and offers from well-known recording studios. How you dreamt of performing in front of a thousand people, in a wide room. Perhaps, an arena. And now you almost have a grasp of it.

"I'm gonna meet them tomorrow to talk about the music i want to release. Actually, i am planning to record this song. Do you want to here it?" i just nod and gave you a sweet smile. Who wouldn't love to here your songs? Plus, i am your number one fan, right? And your number one critic *wink*

You started strumming to an unfamiliar music. The melody sounds very different from your other songs. And then, you start singing. At first, i am in full smile while listening to you. This is very different from your sweet love songs. You strummed harder on the chorus part and i don't know why the lyrics and the way you sing it hits me. You are singing like you've gone through so much pain. The way your voice cracks, and the way you deliver the lines. It's just so beautiful like a craft that is perfectly made. Until i heard that specific one line;

"you're my favorite subject but i guess it's time to explore and discover another"

Then, i realized what this song is all about. My full smile faded. I looked at you as you strummed for the last time. You accepted my gazed.

"are you breaking up with me?"i asked as my heart felt heavy.

"you know how much i love you that is why this is so hard for me, but i want to master my craft even more. I want to grow as an individual and as an artist. But it does not mean that you are a hindrance to my growth. I just want to be the best version of myself. And i want you to do the same too. This break up is not an end but a good start for us to know ourselves more, and to grow separately. You are still my favorite subject and i won't stop writing songs about you. About how you made me feel special. About how much you love me and how much i feel the same way too. But i also want to discover and explore more. More subjects, more genres, wider music. I love you. I love you so much that it hurts me saying these words to you. I love you, but i'm breaking up with you. Thank you for everything you've done for me. I will treasure the memories. And who knows, maybe one day our path will meet again. If that ever happens, i will not miss the chance to get you back. To get my muse back."

I am out of words. I don't know what to say. Then, i noticed the white tulips that i was holding. White can mean purity of your love, but they say, white tulips are a great way of saying "i'm sorry". And this is your way of saying sorry. As if it's a cue, you mouthed "i'm sorry". Tears run down to my face. I never felt a feeling like this before. I want to cry out loud but i hold my tears. Holding my emotions back, i replied.

"i will try to understand. I will let you grow. I will let you be the best version of yourself. It pains me so much to let you go too. To let our love go. But if letting you go will make a fresh start and will let you fulfill your biggest dream, then i will set you free. Always remember, i love you. And i will always be your number one fan. For now, i will support you from afar. But, if one day, your pen and paper finds their way to me again, it would be a great pleasure to be your subject, again. I love you." we shared a long hug and cried silently in pain. And then, we let go.

"do you want me to play it ones more?" you asked as a tear from your eye fell. I smiled and just nodded.

You played the song one more time. Even though, it's more painful to hear it for the second time, i can't help myself but to be in awe and listen to your masterpiece. How can sadness and misery sound so beautiful?

"Hey, is there something wrong?" he asked me while we were sitting on a park bench. I stared at him for a moment."You st...
27/08/2021

"Hey, is there something wrong?" he asked me while we were sitting on a park bench. I stared at him for a moment.

"You still love her." I uttered, trying hard not to crack my voice. He just stared at me in confusion.

"I know, you still love her. I can sense it. I am not that naive to not feel it. You're bringing me to places where you two loved to hang out. You're telling me stories you once told her. You're letting me listen to the playlist you created together. You don't really love me because I am me. You love me because I remind you of her. When we are at your place, you always ask me to cook. Is it because she always cooked for you? When you hold my hands, is it me that you're thinking? Or is it her you're imagining? Tell me, am I just a mere substitute?"

"I don't know." You whispered, just enough for me to hear. And as if it were a cue, I stood up and started pacing away from you.

I was right all along. I'm just an echo of her. You don't really love me. You're just using me to bring her memories to life.

🙃🙃🙃

07/07/2020

I'm in the dark.
No one is here to save me.
No one.
I'm calling for help.
I'm calling for company.
Oh wait,
Nevermind,
The darkness comforts me.
In the dark, I found solace.
Peace. Beauty. Serenity.
Let me live here.....
In the dark.🖤

🙃🙃🙃

"Ang Nakalimutang Ala-Ala"By: Yours Truly💜Natagpuan kita sa pagitan ng lungkot at saya.Ikaw ang sa aki'y nagbigay ng kul...
06/07/2020

"Ang Nakalimutang Ala-Ala"
By: Yours Truly💜

Natagpuan kita sa pagitan ng lungkot at saya.
Ikaw ang sa aki'y nagbigay ng kulay, at nagsilbing medisina.
Muling tumibok ang puso kong sawi.
Sana sa pagpili ko sa pag-ibig mo, di ako nagkamali.

Nung una, hindi naman talaga kita trip,
Ikaw yung tipo ng taong sobrang nakakainis, nakakabadtrip.
Nung una, puro kayabangan mo lang ang napapansin ko,
Hindi ko napansin ang nakakubli sa likod ng pagkatao mo.

Pero nang tumagal ay mas nakilala kita,
Hindi ka lang pala puro yabang, masarap ka ding kasama.
Sayo ko naramdaman ang tunay na saya,
Hindi ko namalayan, ako'y nahuhulog na pala.

Ang bilis, hindi ko inaasahan,
Bigla bigla mo na lang ipinagtapat ang iyong nararamdaman.
Ako'y iyong niligawan, sinagot naman kita.
At doon nag umpisa ang pagmamahalan nating dalawa.

Ang saya. Ang saya saya na nating dalawa,
Na tila ba'y wala nang makakapaghiwalay pa.
Sus, ano ba tong puso ko parang gustong tumili,
Sana hindi na tumakbo ang oras at ikaw ay manatili.

Masasabi kong napaka swerte ko sayo.
Lagi mong ipinaparamdam sakin ang pagmamahal mo.
Noon, wala akong maipagmamayabang kahit isa hanggang sa dumating ka.
Kaya ipagmamayabang kita dahil meron akong isang "ikaw" na wala sa iba.

Pero dumating yung araw na nagpabago sa lahat.
Grad ball natin noon, at susunduin mo ako dapat.
Ako'y mistulang isang prinsesa na naghihintay sa kanyang prinsipe.
Pero hindi ka dumating, ano bang nangyare?

Namalayan ko na lang ang sariling tumatakbo patungo sa'yo.
Ang bilis. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit? Mahal bakit naman to nangyari sayo?
Wag kang bibitaw, please, hintayin mo ako.

Naaksidente ka raw nung gabing dapat ay susunduin mo ako.
Ang bilis daw ng takbo mo pero nawalan ka ng preno.
Ang sakit na makitang kang nakahiga at sabi pa ng doctor, "Sorry but he's in coma".
Pero mas masakit mahal, mas doble yung sakit, dahil nung nagising ka, hindi mo na ako maalala.

Bakit? Bakit di mo ako maalala pero naaalala mo siya?
Nakalimutan mo ang memorya natin at ang natira ay ang memorya ninyong dalawa.
Sinubukan kong kausapin ka, pero itinanong mo sakin, "Sino ka?".
Andaya naman! Paano na yung 'tayo' mahal? Tuluyan na bang nabura?

Sa pangalawang pagkakataon, natagpuan muli kita.
Nagtagpuan kita, ngunit sa pagitan ng 'ako' at 'siya'.
Wala na. Ilang taon na ang lumipas, hindi mo na talaga ako naaalala.
Kaya sa aming dalawa, ako na lang ang magpaparaya.

You are a chaos in my life and I'm a poison in your heart.
I thought we're forever, but now we're apart.
But I can see that you're happy with the girl you chose to love.
I think it's time for me to accept that i had lost what i have.

Ngunit nung tangkain kong lumayo, muli tayong pinagtagpo.
Sabi mo, may nagsabi sa iyo na ako ang tunay na mahal mo.
Hinawakan mo ang kamay ko at niyakap ng sobrang higpit.
Napaiyak ako. Bumalik lahat ng sakit.

Hiling ko sa araw na yun, na sana ang oras ay hindi na tumakbo pa.
At tayo'y manatili, tangan ang isa't isa.
Sana nga ganun na lang at hindi na natapos pa.
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana, at tayo ang napili niya.

Siguro habang binabasa mo ang tulang ito, malayo na ako sayo.
Hindi mo ata nahubad yung wedding ring niyo nung araw na pinuntahan mo ako.
Ang daya mo mahal! Sabi mo noon, ako lang ang babaeng papakasalan mo.
Pero bakit ngayon, siya ang nasa tabi mo?

Siguro nga may mga tao talagang pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Nakakalungkot isipin na hindi na tungkol sa atin ang susunod na kabanata.
Pero ayos lang, magiging ok din ako.
Mahal na mahal kita, ngunit paalam na, mahal ko.

I wrote this spoken poetry during my shs yr. Got the chance to upload it finally!!!!🥰 Hope you like it!❤ (Play "Hanggang Dito Na Lang" by TJ Monterde👌)

*photo from pinterest, credits to its rightful owner*

01/07/2020

"Tagu-taguan”
By: Yours Truly💜

“Pito, walo, siyam, sampu! Andiyan na ako!!”

Takbo. Binilisan ko ang pagtakbo at naghanap ng matataguan. Hinihingal. Basa na ng pawis ang aking damit. Hapon na at palubog na ang araw. Hindi na ata niya ako mahahanap.

“Huli!” may biglang humawak sa balikat ko na aking ikinagulat. Mali ang aking hinuha. Nahanap niya pa rin ako.

“Ang sama! Nahanap mo na naman ako.” Nakabusangot kong wika.

Matagal ko ng bestfriend si Hell. Magkababata kasi kami at gaya namin, mag bestfriends din ang mama ko at mama niya, kaya pati sa pangalan may connection. Nasanay na din ako na lagi ko siyang kasama, at heto nga ang paborito naming laruin, taguan.

“Arte mo. Ikaw na ang taya!”
Nakakainis tong lalaking to! Wait..... Ako taya? Nakakapanibago. Lagi kasing siya ang taya at never, as in NEVER pa ako naging taya kasi ayaw niya. Magmumukha lang daw kasi akong kawawa sa paghahanap. Bait no? *with sarcasm*

“Woi! Tignan mo to! Ngayon ka lang magiging taya, ayaw mo pa?” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

“Aray! Oo na! sige na. magtago ka na!." sinimulan ko na ang pagbibilang hanggang sa naabot ko ang sampu. "Nandiyan na ako!!!"

“Huli ka!” Kaso wala siya. Asan na ba siya. Takbo. Lakad. Tuluyan ng lumubog ang araw pero hindi ko pa rin siya mahanap.

“Hell! Asan ka na ba?!” nalibot ko na ata lahat ng pwede niyang pag taguan.

“Woi! Hell?! Magpakita ka na! ang daya mo naman eh! Nakakainis na!” Naiiyak kong sigaw. Nakakainis! Madilim na. Alam niya namang takot akong mag isa sa dilim eh.

“Ayoko na nga! Balakajan! Pagod na ako!” sigaw ko ulit at umupo na sa damuhan. Nakakainis talaga. Bakit ba ang galing niyang magtago. Kaya ba ayaw niya akong maging taya kasi alam niyang hindi ko siya mahahanap? Bwisit na yon!

“Woi! Para kang bata diyan!” natatawa niyang sabi habang tumatakbo palapit sa akin. Hindi ko siya pinansin, nabu-bwisit parin ako sa kanya.

“Woi! Heaven? Naiinis ka parin ba?” mahinahon niyang tanong sabay upo sa aking tabi.

“Oo! Nakakainis ka eh! Ang galing galing mong magtago! Samantalang ako, napakadali mo lang akong hanapin! Ayoko na nga! Kakapagod!" sigaw ko sa kanya.

"Kasi alam ko kung saan ka hahanapin." nangingiti at mahina niyang usal.

"Anong sabi mo?" kunyari'y hindi ko narinig.

“Wala! Sabi ko, pagod ka na agad? Ako nga kahit saan ka pa magtago, hahanapin at hahanapin pa rin kita. Hindi ako mapapagod. Hinding hindi ako aayaw. Eh ikaw, ilang minuto lang ang inilaan mo sa pag hahanap sakin umayaw ka na agad.” Seryoso niyang wika.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ko at hinarap siya.

“Tss! Pwede bang sumabay ka na lang sa trip ko? Lagi na lang kasi ako ang naghahanap sayo. Kaya sana naman, kahit sa laro lang na ito…ako naman ang hanapin mo. Para kahit papaano, maramdaman ko naman yung feeling nang hinahanap-hanap.” Malungkot na wika niya habang nakatingin sa malayo. Nakangiti siya ngunit nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nawala bigla ang inis ko sa kanya. Seryoso siya.

“Pinagsasabi neto? Woi! Tigilan mo nga yang kadramahan mo!" nag kunwari na lang akong natatawa para mapagaan yung athmosphere. Natawa na rin naman siya.

"Pero seryoso Heaven, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Matagal ko nang tinatago kasi hindi ako sigurado kung ano ba talaga 'to. Pero ngayon alam ko na at sigurado na ako." hinarap niya na rin ako at tinitigan sa mata.

"A-ano bang sinasabi mo?" Nauutal kong tanong. Naguguluhan.

"I like you. Ang manhid mo kasi." pabulong niyang wika at ibinaling na ang tingin sa madilim na kalangitan.

Hindi agad ako nakapag salita. Bakit? Sa tagal naming nagkasama bakit ngayon lang? Bakit hindi noon? Oo, siguro nga naging manhid ako, na hindi ko man lang naramdaman na may gusto siya sa'kin. Pero kasalanan ko ba kung mas pinili kong hindi umasa, lalo pa't alam kong may nagugustuhan siyang iba?

Sa tagal naming nagkasama at sa daming beses na din akong nadulas sa mga sinasabi ko sa kanya, hindi man lang ba niya naramdaman na gusto ko din siya? Oo gusto ko siya. Noon. Matagal na. Kaso...

"Ano? Halika na nga! Gabi na oh baka hinahanap na ako nila mama." pag dadahilan ko at binalewala ang sinabi niya. Dali dali akong tumayo at nauna nang maglakad. Nakaka ilang hakbang palang ay tinawag niya ako.

"Heaven! I like you! No, I love you!" Namamaos niyang sigaw.

Kung noon pa niya sinabi, siguro sobrang saya ko. Baka nga napatalon pa ako sa tuwa eh. Noon. Eh kaso, Ngayon na to eh. Nagbago na ang lahat.

Tinapangan ko ang aking sarili bago sumagot. Pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak.

"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa? I'm sorry pero hindi pwede. Hindi na pwede Hell!"
Traydor ang aking mga mata dahil ngayo'y nag uunahan na ang mga luha kong bumagsak sa lupa.

Gusto kong sabihing "Gusto din kita, Hell". Pero ayokong guluhin ang isip ko, lalo pa't alam kong hindi na ganon ang nararamdaman ko. Ayokong maging unfair. Masaya na ako.

Ang tagal kong hinintay na sabihin niya sakin na gusto din niya ako. Matagal ko na ding tinatago ang nararamdaman ko sa kanya. Sayang. Sayang dahil hindi ko man lang sinubukang sabihin. Dahil hindi ko sinabi. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Akmang maglalakad na naman ako nang magsalita ulit siya.

"B-bakit?" sa tono ng boses niya'y mararamdaman mo ang lungkot at panghihinayang.

"K-kami na ni Cloud. Kami na ng kaibigan mo." Ayoko siyang lingunin. Ayokong makita siyang nasasaktan.

Yes, I loved him. Before. But it's a different story now.🙂

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, at naglakad na ako palayo. Papalayo sa taong una kong minahal.💔

Serving you another story! Hope you like it!❤ Play "Lifetime" by Ben & Ben. It fits the story.😉👌

PS: My first draft of this story have a happy ending. Pero may kung anong sumapi sa'kin at naisipan kong gawing sad ending.🤷‍♀😂

Address

Allacapan, Cagayan
Tuguegarao City
3523

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Love, Faith. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Love, Faith.:

Share