17/01/2026
Tara, Simba Tayo Bukas
Tara, simba tayo bukas, kapatid kong mahal,
Ialay sa Diyos ang pusong sugatan at napapagod na rin minsan sa paglalakbay ng buhay na puno ng pagsubok at hadlang.
Tara, iwan muna ang bigat ng mundo,
At sa Kanyang presensya, hanapin ang liwanag na tunay at totoo.
Tara, simba tayo bukas, sabay-sabay tayong lumuhod,
Sa panalangin at papuri, sa Kanya tayo magtungo nang buong-loob.
Tara, ipagkatiwala ang luha, pangarap, at takot,
Sapagkat ang Diyos ang kanlungan sa bawat unos at bagyong dumarating sa ating landas at bukod.
Tara, simba tayo bukas, punuin ang puso ng pag-asa,
Sa Salita Niya, may buhay na muling sumisibol, may sugat na gumagaling, may kaluluwang nagkakaroon ng pahinga.
Tara, magmahal, magpatawad, at magtiwala,
Dahil sa Kanya, ang bukas ay may liwanag at ang dilim ay nawawala.
“Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit Siya sa inyo.” – Santiago 4:8 🙏✨