10/07/2026
Good evening everyone. Ako po si Zhaira Joy Mamauag from Cabbo, Peñablanca. Lumaki akong mahirap. Pito kaming magkakapatid, ako ang bunso. May isa akong ate na may down syndrome. Ang iba kong mga kapatid, nag-asawa ng maaga, sa makatwid, walang nakatapos ng college. Sa isip ko, ayaw ko matulad sa kanila. Mataas ang gusto kong marating. Gusto kong maging successful, may trabaho at mabibili ko ang mga gusto ko. Ayaw ko ng buhay na kinalakihan ko. Gusto ko maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Gusto ko maging mayaman.
Nung bata ako, wala akong ibang alam gawin kundi pumasok sa school at makipaglaro. Ganun ang araw-araw kong buhay. Pero Unti unting nagbago ang routine ng buhay namin. Nung 2014, grade 6 ako, nagsimulang pumunta sila Pastora Sandra at lolo Carlos Sangab sa barrio namin. Nung una, nagtataka ako, ano’ng ginagawa nila? May dalang libro si Lola Sandra at ang pinakainaabangan namin ay yung dala nyang biscuit at zest-o. Everytime na pupunta sila dun, excited kaming mga bata dahil sa dala dala nila. Wala akong idea na ang tunay na dala nila ay ang Salita ng Diyos. Nag-umpisa kaming makinig sa ilalim ng puno, sa bahay ng tita ko at kung saan-saan may pwede kaming pagpwestuhan. At first, wala kaming maintindihan sa mga sinasabi ng aming Pastor. Personally, ako, inaabangan ko talaga ay kung ano ang dadalhin nilang meryenda. Ilang taon ang lumipas, unti unti kong naiintindihan na ang shineshare nila ay hindi meryenda, kundi ang kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay. Gumagalaw na pala ang Diyos sa buhay ko. Nung pinatayo na ang aming maliit na kapilya sa Cabbo, lalo akong naging excited. Inaabangan ko ang Sunday service dahil nagkaroon ng malaking pagbabago sa routine ng mga buhay namin doon. Lahat ng inuutos ni Lola, maglinis, magtanim, magdrawing ng bible based coloring books, magmemorize ng verses at kung anu ano pa. Pinapakanta rin kami ng praise songs na never ko pa narinig sa radyo o tv, tanging si Pastora Sandra lang ang nagtuturo. Hindi ko lubos maisip na ako pala ay bliness ni Lord ng talent sa pagkanta. Pinaglilead ako ng praise and worship kahit wala kaming sound system. Masaya kaming mga bata tuwing andun sila, ang hindi namin namalayan na may mas malaking purpose pala ang Diyos sa amin sa Cabbo.
Nabaptize ako nung 1st year highschool ako, naalala ko pa si Pastor Jojo Julian ang nagbaptize sa akin after ng Youth Con 2015.
Mas naexcite ako nung nakakasama ko na sila tita Jings and family, hindi lang dahil may kasama na akong maglead ng worship, kundi dahil may dala syang sinanta o sopas at softdrinks
Ako, bilang estudyante, ginawa ko ang lahat para makapagtapos, pero salat na salat kami. Kaya namasukan ako bilang tagaalaga ng bata habang nag oonlie class nung pandemic. Nagside line din ako bilang burger stand attendant, sumali sa pageant, singing contest, nagbenta ako ng gulay sa mga teachers ko at mga kaklase upang may pang baon ako.. Nung 2021, kahit nahihirapan ako, naggraduate parin ako sa Senior High ng with honors. Akala ko hindi na din ako makakapagcollege dahil walang pangsupport ang aking parents. Sabi pa nga nila, tapusin ko lang ang highschool ko at mamasukan na sa Manila bilang katulong. Napakabuti ng Diyos dahil binigyan ako ng chance makapagcollege. Si Lola Sandra ang naging inspirasyon ko para mag-aral ng Midwifery. Malaki ang influence nya sa akin bilang isang church leader at bilang isang lola. Nangarap ako ng mas mataas sa inaasahan sa akin. Ngunit hindi naging madali dahil hindi ako nakapasok para sa scholarship program ng CSU, kaya sa MCNP na ako nag-enroll na walang scholarship. Namasukan ako sa bahay ng isang abugada upang may pambayad sa tuition fee. Ako ay Naging all-around care taker, caregiver at personal assistant nya. Nagpatuloy ako sa pagserve kay Lord bilang praise & worship leader kahit tight ang schedule ko bilang working student. Madalas hindi sapat ang aking kinkita, pati online selling pinasok ko din matustusan lang ang aking pag aaral. May time na gusto ko nang magstop nalang sa pag aaral. Pero dahil si Lord ang nagbigay ng paraan upang masimulan ko ang college, naniniwala akong iproprovide nya ang mga pangangailangan ko. Naalala ko nung internship ko, si tita Jingle pa ang bumili ng uniform ko. Si tita Celine, si Lola Sandra, at may iba pa, sila po ang bigay ng Diyos na naging daan upang makapagtapos ako ng Midwifery hanggang sa magreview ako.
October 2023, in-house review namin, madaming gastos, gusto ko nang maggive up. May time na inisip ko baka hindi nalang ako mag exam dahil kulang ang pangbayad ko sa review costs. But praise God, natapos ko ang review. After one month, nipasa ko ang exam, at isa na akong ganap na Midwife.
Now, I am currently working as a Midwife at Clinica De Leon Incorporated Hospital. Ako ngayon ay hindi lamang isang midwife, kundi isa rin akong servant ni Lord na nagbahagi ng Kanyang salita sa aking mga pasyente. Alam kong ginagamit ako ng Panginoon upang maging inspirasyon sa aking mga katrabaho. Nung natanggap ako sa De Leon
Ang aking life verse ay matatagpuan sa Jer:29:11, "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not harm you, plans to give hope and a future" May nakalaan na plano ang Diyos sa bawat isa. Mas maganda at mas purposeful ang ating kinabukasan kung isusuko natin sa kanya ang lahat ng sakit, paghihirap at pagsubok. Lahat ng paghihirap sa buhay natin ay panandalian lamang. Ang pag-ibig ng Diyos ang magpakailanman. Ang success ay hindi kung ano ang naabot natin sa buhay, ang true success ay ang pamumuhay ng Panginoon sa bawat isa. Ang pinagdaanan ko ay pagpapatotoo na ang Diyos ay tapat at napakabuti.