07/11/2024
bansang pilipinas na ngunguna daw!?
HIV/AIDS: Ang S***ma at Gomorra sa ating panahon
By Pastor Joey Umali(Pang-Masa) - April 28, 2018 - 12:00am
SA pinakahuling report ng DOH at ng UN, ang Pilipinas ang nakapagtala ng “fastest-growing HIV/AIDS” sa Asia-Pacific sa nakaraang anim na taon, 140% increase sa bilang ng mga bagong infections. Noon lamang nakaraang taon, 1,098 ang naitalang bagong kaso, kung kaya’t umaabot na sa 10,500 ang bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS. 83% ng kaso ay bunga ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki at ng mga transgender women sa mga lalaki. Karamihan sa mga ito ay nasa edad 15 hanggang 24. Wala itong pinipiling estado ng buhay —mayaman man o mahirap; may pinag-aralan man o wala.
Ang Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) ay isang pabalik-balik at nakakamatay na kondisyon na dulot ng Human Immunodeficiency Virus (HIV). Sinisira ng HIV ang natural na kakayahan ng katawan na labanan ang mga mikrobyo na pinagmumulan ng mga sakit. Ang HIV ay maaaring makuha sa pagsasalin ng dugo na kontaminado ng naturang virus, o maaa-ring maisalin ng isang ina na infected nito sa sanggol na kanyang isisilang. Gayunman, ang pinakakaraniwang pinagmumulan ay ang sekswal na pakikipagtalik. Kapag hindi naagapan, pinahihina ng HIV ang immune system ng isang tao hanggang sa magkaroon siya ng AIDS. Wala pang gamot laban sa HIV/AIDS.
Naaalala ko ang paggunaw ng Diyos sa mga siyudad ng S***ma at Gomorra dahil sa pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki at iba pang karumal-dumal na kasalanan. Ang salitang “sodomy” ay galing sa salitang S***m, na nangangahulugang “oral” o “anal s*x,” o anumang pakikipagtalik na hindi ayon sa likas na kaparaanan.
Sa Bagong Tipan ay mariin ang babala sa Roma 1:26, “Dahil dito’y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki ayon sa likas na kaparaanan, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae ayon sa likas na kaparaanan, at sa kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya’t sila’y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.”
Ang HIV/AIDS ang S***ma at Gomorra ng ating panahon. Ang pinakamabisa pa ring panlaban sa HIV/AIDS ay ang malinis na pamumuhay; ang pagtrato sa “s*x” bilang sagradong relasyon sa pagitan ng mag-asawa, sa pagitan ng magkaibang kasarian at sa pamamaraang ayon sa likas na kaparaanan.
Ibig sabihin, ang mga mag-asawa ay kailangang maging tapat sa isa’t isa, dapat panatilihing sagrado ang “matrimonial bed” at magtatalik lamang ayon sa likas na kaparaanan; at ang mga magkasintahan ay iiwas sa pre-marital s*x hanggang sa araw na maikasal.
Ang HIV/AIDS ay isang kondisyon na bunga ng tinatawag na “permissive society.” Isipin na lamang, sa ating panahon ay tinatanggap na ng maraming bansa ang “same s*x marriage,” ang pagtatalik ng mga hindi kasal ay karaniwan na lamang, at ang “gender identity” ay isang bagay na maaaring piliin ayon sa sariling kagustuhan.
Ewan ko sa iyo, pero para sa akin, ang pinakaligtas pa ring pamamaraan sa anumang uri ng kaugnayan ay ang pamamaraang itinakda ng Diyos! Labas sa pamamaraang iyan ay isang kondisyong nag-aanyaya ng panganib na tulad ng paggunaw sa S***ma at Gomorra.
SPONSORED ARTICLES
Unlock the American dream: Filipinos can now play Mega Millions online with official tickets
On the Radar November 7, 2024 - 12:00pm
Ambassador Philippe Jones Lhuillier shares remarkable stories of diplomatic life in new book
Lifestyle Features November 7, 2024 - 10:00am
PalawanPay Money Shop debuts at Ultra Mega Expo 2024, offers more revenue opportunities for MSMEs
Business As Usual November 7, 2024 - 9:30am
Landco Pacific, D.M. Wenceslao and Associates revitalize partnership
Real Estate November 7, 2024 - 8:00am
Ambassador Philippe Jones Lhuillier’s remarkable life chronicled in 'A Purposeful Journey of a Lifetime'
Lifestyle Features November 5, 2024 - 3:15pm
Optum Philippines champions continuing education as key to solving nursing crisis
Lifestyle Business November 5, 2024 - 1:20pm
Beko ushers the holidays with promo, supports St. John Bosco Parish Makati's 'Light-a-Home' project
On the Radar November 5, 2024 - 10:15am
How Maya is transforming its workplace with AI, gaining global recognition
Business As Usual November 5, 2024 - 9:50am
Filipino youth and mental health – are we listening enough? Heads Up PH advocates for awareness, support
Health And Family November 5, 2024 - 9:40am
About Us | Contact Us
Unit 909 and 910, The Infinity Tower, 26th Street, Bonifacio Global City, Taguig City
© 2018 Philstar Global Corporation.
Orihinal na teksto
I-rate ang pagsasaling ito
Gagamitin ang iyong feedback para makatulong na pahusayin ang Google Translate