16/04/2026
Moro Islamic Liberation Front Central Committee
Policy Statement
Mariing pinaninindigan ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) na ang tanging opisyal at kinikilalang partidong pampulitika nito ay ang UNITED BANGSAMORO JUSTICE PARTY (UBJP).
Alinsunod dito, ang lahat ng opisyal at kasapi ng M**F na pormal na sumapi at naging miyembro, opisyal, o kandidato ng mga partidong pampulitika maliban sa UBJP ay ituturing na nasa indefinite leave na agad magkakabisa, maliban kung sila ay magsusumite ng makatwirang nakasulat na paliwanag sa Central Committee ng M**F kung bakit hindi dapat ipataw ang nasabing kaparusahan. Matapos ang pagsusumite ng naturang paliwanag, isang pinal na desisyon ang gagawin batay sa bawat kaso, kasunod ng masusing pagtalakay ng Central Committee ng M**F.
Pinagtibay noong ika-3:14 ng hapon, ika-15 ng Abril 2026, sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, sa ginanap na regular na pagpupulong ng M**F-Central Committee.
©2026M**FChairmanOfficial