Baro A Langit Ken Baro A Daga

Baro A Langit Ken Baro A Daga “UNION ESPIRITISTA CRISTIANA DE FILIPINAS, INC.”

Salamat Centro Raya sa Paghida-it sa mainit na pagtanggap.
29/07/2023

Salamat Centro Raya sa Paghida-it sa mainit na pagtanggap.

Thank you for celebrating with us Sentro Dua a Rayos ti Bagac Iti Daya💕
11/06/2023

Thank you for celebrating with us Sentro Dua a Rayos ti Bagac Iti Daya💕

11/06/2023

Buhay na walang hanggan💕

Agusan Area officers together with the  Vice President  of District 23 Hmno. Rod Sugano.
11/06/2023

Agusan Area officers together with the Vice President of District 23 Hmno. Rod Sugano.

Sentro Baro a Langit Ken Baro a Daga celebrates its  42nd Founding Anniversary😍Thank you for celebrating with us💕
11/06/2023

Sentro Baro a Langit Ken Baro a Daga celebrates its 42nd Founding Anniversary😍
Thank you for celebrating with us💕

Happy Mother's Day Hermanas. 💕
14/05/2023

Happy Mother's Day Hermanas. 💕

14/08/2022

Sunday Service
August 14,2022

Tinapay ng Buhay: Roma 5

Mga Bunga ng Pagtanggap ng Diyos

1 Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios.

2 Sa pamamagitan ni Jesus at dahil sa ating pananampalataya, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng Dios at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asa na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

3 At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

4 Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

5 At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

6 Nang wala tayong kakayahang makaligtas sa kaparusahan, namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan sa panahong itinakda ng Dios.

7 Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao.

8 Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

9 At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo.

10 Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo.

11 Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya.

12 Dumating ang kasalanan sa mundo dahil sa paglabag ni Adan sa utos ng Dios. At dahil sa kasalanan, dumating din ang kamatayan. Kaya lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, dahil nagkasala ang lahat.

13 Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Dios ang Kautusan. Pero hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.

14 Ganoon pa man, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga taong hindi naman nagkasala nang tulad ni Adan na lumabag sa utos ng Dios.

Si Adan ay larawan ng Cristo na nooʼy inaasahang darating.

15 Pero magkaiba ang dalawang ito, dahil ang kaloob ng Dios ay hindi katulad sa kasalanan ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa maraming tao ang kasalanan ni Adan, pero mas nakakahigit ang biyaya at kaloob ng Dios na dumating sa maraming tao sa pamamagitan ng isang tao na walang iba kundi si Jesu-Cristo.

16 Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Dios sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, pero ang kaloob na ibinigay ng Dios sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran.

17 Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan, pero dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Jesu-Cristo ang mga taong tumanggap ng masaganang biyaya at kaloob ng Dios ay itinuring niyang matuwid, at maghahari sila sa buhay na walang hanggan.

18 Kaya dahil sa kasalanan ng isang tao, ang lahat ay nahatulang maparusahan. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay.

19 Kung sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao marami ang itinuring ng Dios na matuwid.

20 Ibinigay ng Dios ang Kautusan para ipakita sa mga tao na marami ang kanilang pagsuway, at nadadagdagan pa nga dahil sa Kautusan. Pero kung nadadagdagan ang pagsuway, higit na nadadagdagan ang biyaya ng Dios.

21 Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Dios at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo, itinuring tayong matuwid ng Dios.

29/10/2021

Pagsulay
Cover by Candies Casipe

11/07/2021

Sunday Service
July 11,2021

Tinapay ng Buhay: Juan 14:8-10

8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.

02/05/2021

Sunday Service
May 2, 2021

Tinapay ng Buhay:
Juan 15:1-10

1 Ako ang tunay na puno ng ubas. Ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Ang bawat sanga na nasa akin na hindi namumunga ay inaalis niya. At ang bawat sangang namumunga ay nililinis niya upang lalo pang magbunga ng marami.
3 Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng salita na sinalita ko sa inyo.
4 Manatili kayo sa akin at ako ay mananatili sa inyo. Ang sanga ay hindi makakapamunga sa kaniyang sarili malibang ito ay manatili sa puno ng ubas. Maging kayo man ay hindi makakapamunga malibang manatili kayo sa akin.
5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman.
6 Malibang ang sinuman ay manatili sa akin, siya ay itatapon tulad ng sanga at ito ay natutuyo. Kanila itong tinitipon at itinatapon sa apoy, at ito ay sinusunog.
7 Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong ibigin at ito ay mangyayari sa inyo.
8 Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama na kayo ay magbunga ng sagana at kayo aymagiging mga alagad ko.
9 Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig.
10 Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig.

Address

Purok 2, Poblacion
Trento
8505

Opening Hours

8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baro A Langit Ken Baro A Daga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share