15/02/2026
Pagpupuri at Pasasalamat sa Panginoon
Ngayong araw, kami ay pinagpala sa isang makabuluhang Divine Service na pinangunahan nina Priest Dionaldo Pajardo at Priest Timothy Gabriel. Ibinahagi nila ang napakagandang talata sa Bibliya Mula sa;
Santiago 2:15-16
Kung ang Isang Kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,
At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila,Magsiyaon kayong payapa,kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog;at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?
Na nagpapaalala sa atin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nasa salita kundi nakikita sa ating mga gawa ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa.
Pagkatapos ng Divine Service, nagkaroon naman ng masayang Sunday School para sa mga bata.
Sa temang Araw ng mga Puso, gumawa sila ng mga poster at drawings na nagpapakita ng pag-ibig—hindi lamang para sa pamilya at kaibigan, kundi higit sa lahat, ang pag-ibig na nagmumula sa Diyos.
Nakakatuwang makita ang mga batang lumalago sa pananampalataya at natututong ipakita ang pag-ibig ni Kristo sa simpleng paraan.
“Ang pananampalataya ay naihahayag sa pamamagitan ng mga gawa.”
Nawa’y maisabuhay natin ang mensaheng ito araw-araw.