GOD is our Strength

GOD is our Strength Word's Of Almighty GOD 🙏

01/07/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
🗡️“Ngayon, sa panahon ng pagsulong tungo sa tarangkahan ng kaharian, lahat ng tao ay nagsisimulang sumulong—nguni’t pagdating nila sa harap ng tarangkahan, isinasara Ko ang tarangkahan, pinagsasarhan Ko ang mga tao sa labas, at hinihinging ipakita nila ang kanilang pahintulot sa pagpasok. Ganap na salungat sa inaasahan ng mga tao ang gayong kakaibang kilos, at nagugulat silang lahat. Bakit ang tarangkahan—na lagi nang nakabukas nang malaki—ay biglang isinara na nang mahigpit ngayon? Pumapadyak at palakad-lakad ang mga tao. Iniisip nila na makalulusot sila papasok, nguni’t nang iniaabot na nila ang kanilang huwad na mga pahintulot sa pagpasok, itinatapon Ko kaagad-agad ang mga iyon sa hukay ng apoy, at nang makita na ang kanilang sariling ‘mabusising mga pagsisikap’ ay natutupok sa apoy, nawawalan sila ng pag-asa. Sinasapo nila ang kanilang mga ulo, umiiyak, pinanonood ang magagandang tanawin sa loob ng kaharian nguni’t hindi makapasok. Gayunman ay hindi Ko sila pinapapasok dahil sa kanilang kaawa-awang kalagayan—sinong maaaring sumira sa Aking plano kung gugustuhin nila? Ang mga pagpapala ba ng hinaharap ay ibinibigay kapalit ng kasigasigan ng mga tao? Ang kahulugan ba ng pag-iral ng tao ay nakasalalay sa pagpasok sa Aking kaharian ayon sa kagustuhan ng isang tao? … Matagal na Akong nawalan ng pananampalataya sa tao, at matagal na Akong nawalan ng pag-asa sa mga tao, sapagka’t wala silang ambisyon, hindi nila nagawa kailanman na bigyan Ako ng pusong nagmamahal sa Diyos, at sa halip ay laging ibinibigay sa Akin ang kanilang mga pangganyak. Napakarami Ko nang nasabi sa tao, at yamang binabalewala pa rin ng mga tao ang Aking payo ngayon, sinasabi Ko sa kanila ang Aking pananaw upang maiwasan nila ang maling pagkaunawa sa Aking puso sa hinaharap; problema na nila kung mabubuhay o mamamatay man sila sa darating na mga panahon; wala Akong kontrol dito. Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas upang manatiling buhay. Wala Akong kapangyarihan dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 46).

28/06/2025
15/06/2025

📗 Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
🔥Ang mundo ngayon ay lalong dumidilim at sumasama, at ang sangkatauhan ay lalong nagiging mas tiwali. Pabagsak ang mundo at nanghihina ang mga moralidad. Kung nais lutasin ng sangkatauhan ang mga isyung ito, dapat maniwala ang mga tao sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at makamit ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang malulutas mula sa pinakaugat ang mga problema ng kadiliman at kasamaan ng mundo at ang katiwalian ng sangkatauhan. Kaya nga kailangan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa katatagan ng lipunan at kaligayahan ng sangkatauhan. May isang paraan lamang upang makamit ng sangkatauhan ang tunay na kaligayahan at para makamit ng lipunan ang pangmatagalang kapayapaan, at iyon ay ang tanggapin ang gawain at pagliligtas ng Diyos. Wala nang ibang landas bukod dito. Hindi mo dapat asahan ang anumang bansa o partidong pampulitika na iligtas ang sangkatauhan, lalong hindi ka dapat umasa sa isang pulitiko, manunulat, o palaisip; ito ay lampas sa mga kakayahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang Lumikha lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos, ang ganap na may kakayahang iligtas ang sangkatauhan.

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian

12/06/2025

🔱🔱Ang lahat ng naghahanap sa katotohanan ay kinakailangan ding sundin ang 10 katangian ng mabuting karakter ng sinaunang mga banal. Ang mga taong regular na isinasagawa at pinapanatili ang mga ito ay tiyak na makikinabang nang husto. Sila’y labis na kapaki-pakinabang.
Ang 10 prinsipyo para tumalima nang may banal na kaangkupan:

⚜️1. Magsagawa ng espirituwal na pagbuo sa umaga sa pamamagitan ng pagdadasal-pagbabasa ng salita ng Diyos nang mga kalahating oras.

⚜️2. Hanapin ang mga hangarin ng Diyos sa lahat ng bagay sa bawat araw para matulungan na isagawa ang katotohanan nang mas katumpak-tumpak.

⚜️3. Makipag-usap sa lahat ng iyong makakatagpo, natututo sa bawat isa para parehong umunlad.

⚜️4. Magkaroon ng positibong pag-uugali tungo sa buhay, at laging kumanta ng mga himno at papuri at magpasalamat sa biyaya ng Diyos.

⚜️5. Huwag makisangkot sa sekular na mundo; mas lumapit sa Diyos sa iyong puso nang regular at huwag makialam.

⚜️6. Panatilihin ang karunungan sa iyong puso at lumayo sa masama at mapanganib na mga lugar.

⚜️7. Huwag makipagtalo sa mga tao, ipaliwanag ang katotohanan, at makisama sa iba.

⚜️8. Maging handa na gawin ang lahat na maaari mong gawin para tulungan ang iba, pagaangin ang kanilang mga alalahanin, at tulungan silang lutasin ang kanilang mga problema sa pagpasok sa paniniwala sa Diyos.

⚜️9. Matuto kung paano sumunod sa mga tao, huwag pangunahan ang mga tao at huwag silang puwersahin; hayaang makinabang ang mga tao sa lahat ng bagay.

⚜️10. Laging sambahin ang Diyos sa iyong puso, hayaan Siyang maging Panginoon at pinapasaya Siya sa lahat ng bagay.

😇Ang nasa itaas na 10 prinsipyo ng pamumuhay ng tao at ang 10 paraan para tumalima nang may banal na kaangkupan ay lahat na mga bagay na kayang gawin ng mga tao. Maaaring isagawa ng mga tao ang mga bagay na ito kung kanilang naiiintindihan ang mga ito. Kahit pa paminsan-minsan silang nagkakasala hindi ito mahirap lutasin. Hindi kailangang pag-usapan ang mga partikular na tao na masyadong masama ang pagkatao.

mula sa Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

12/06/2025

📗Ang paniniwala sa Diyos nang walang espirituwal na buhay ay hanggang salita lamang sa paniniwala sa Diyos, ngunit walang Diyos at talagang walang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Paano sila posibleng magkaroon ng pagkakahawig ng isang normal na tao?
…………
⚜️May 10 bagay na dapat pagtuunan ng pansin at isagawa pagdating sa pagkilos sa kung paano dapat maging isang normal na tao:

💦1. Sundin ang magandang kaugalian, alamin ang mga patakaran, at irespeto ang matanda at pangalagaan ang bata.

💦2. Magkaroon ng naaangkop na uri ng pamumuhay; iyan ay kapaki-pakinabang sa iyong sarili at sa iba.

💦3. Magdamit sa marangal at maayos na paraan; ipinagbabawal ang kakaiba o marangyang pananamit.

💦4. Huwag, sa anumang dahilan, humiram ng pera sa mga kapatid, at huwag basta-bastang gumamit ng mga gamit ng ibang tao.

💦5. Kinakailangang may hangganan ang pakikipag-ugnayan sa di-kaparehong kasarian; kinakailangang marangal at maayos ang mga pagkilos.

💦6. Huwag makipagtalo sa mga tao; matutong makinig sa mga tao nang may pasensiya.

💦7. Panatilihing malinis ang inyong sarili at ang inyong kapaligiran, ngunit isaalang-alang ang mga aktuwal na kalagayan.

💦8. Normal na makisalamuha at makipag-ugnayan sa mga tao, matutong gumalang at maging mapagsaalang-alang sa kanila, at mahalin ang bawat isa.

💦9. Gawin ang maaari mong gawin para matulungan iyong mga nangangailangan; huwag kumuha o tumanggap ng mga bagay mula sa ibang tao.

💦10. Huwag hayaan ang mga tao na pagsilbihan ka; huwag hayaan ang iba na gawin ang gawain na dapat mong ginagawa sa iyong sarili.

🔱Ang 10 patakaran sa itaas ay dapat maging pinakamababang susundin ng lahat ng mananampalataya sa Diyos sa kanilang pamumuhay bilang tao. Ang mga taong lalabag sa mga patakarang ito ay may mahinang karakter. Maaari mong sabihin na ito ang mga patakaran ng sambahayan ng Diyos. Ang madalas na sumusuway sa mga ito ay tiyak na maiisantabi.

mula sa Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

09/06/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
💧Ang salita ng Diyos ay hindi maaaring ituring na salita ng tao, at lalong hindi maaaring ituring ang salita ng tao na salita ng Diyos. Ang isang taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi ang taong kinakasangkapan ng Diyos. Dito, mayroong malaking pagkakaiba. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, hindi mo tinatanggap ang mga iyon bilang mga salita ng Diyos, kundi bilang kaliwanagan lamang na natamo ng tao. Kung gayon, binubulag ka ng kamangmangan. Paano magiging kapareho ng kaliwanagang natamo ng tao ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasimula ng isang bagong kapanahunan, ginagabayan ang buong sangkatauhan, naghahayag ng mga hiwaga, at ipinapakita sa tao ang direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan. Ang kaliwanagang natamo ng tao ay simpleng tagubilin lamang na isasagawa o para sa kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maihahayag ang mga hiwaga ng Diyos Mismo. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao. Kung ituturing ng tao ang mga salitang sinambit ng Diyos bilang simpleng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at propeta bilang mga salitang personal na sinambit ng Diyos, pagkakamali iyan ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

07/06/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang DIYOS,
❤️‍🔥Samakatuwid, kahit maraming salitang hindi ninyo kayang unawain, handa pa rin Akong sabihin sa inyo ang lahat ng katotohanang ito na ayaw ninyong pakinggan noon, dahil lagi Akong nag-aalala kung nagagawa ninyo, sa inyong kasalukuyang tayog, na manindigan sa inyong patotoo sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo; mababangis na hayop kayong lahat na kailangan pang sumailalim sa Aking pormal na pagsasanay, at hindi Ko talaga makita kung gaano kalaki ang kaluwalhatiang nasa inyo. Bagama’t nagpagod na Ako nang husto sa paggawa sa inyo, tila talagang walang mga positibong elementong umiiral sa inyo, at mabibilang sa daliri ang mga negatibong elemento at nagsisilbing mga patotoo lamang na naghahatid ng kahihiyan kay Satanas. Halos lahat ng iba pang nasa inyo ay lason ni Satanas. Ang tingin Ko sa inyo ay parang hindi na kayo maaaring iligtas. Sa lagay ng mga bagay-bagay, tinitingnan Ko ang iba’t ibang pagpapahayag at kilos ninyo, at sa wakas, alam Ko na ang tunay ninyong tayog. Kaya palagi Akong nag-aalala sa inyo: Mag-isang namumuhay, talaga kayang ang kalagayan ng mga tao ay mas mabuti o maikukumpara sa kalagayan nila ngayon? Hindi ba kayo nababahala sa kababaan ninyo? Talaga bang maaari kayong makatulad ng mga taong hinirang sa Israel—tapat sa Akin, at sa Akin lamang, sa lahat ng oras? Ang nakikita sa inyo ay hindi ang kapilyuhan ng mga batang napalayo sa kanilang mga magulang, kundi ang kabangisang lumalabas mula sa mga hayop na hindi abot ng mga latigo ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong likas na pagkatao, na siya ring kahinaan ninyong lahat; ito ay isang sakit na karaniwan sa inyong lahat. Sa gayon, ang payo Ko lamang sa inyo ngayon ay manindigan kayo sa inyong patotoo sa Akin. Anuman ang sitwasyon, huwag ninyong tulutang bumalik ang dati ninyong sakit. Ang pinakamahalaga ay magpatotoo—ito ang buod ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanya sa isang panaginip: sa paniniwala, at pagkatapos ay pagsunod. Ito lamang ang maituturing na pagiging malinis. Sapagkat kayo ang pinakamadalas na makarinig sa Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Volume I, Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos

26/05/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
🍒Simple man o malalim sa tingin ang mga salitang sinasambit ng Diyos, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao habang pumapasok siya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa tao ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang mga prinsipyo at doktrina para pangasiwaan ang kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas na kailangan niyang tahakin para maligtas, pati na rin ang layunin at direksyon nito; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagbibigay-kakayahan sa tao na maging malakas at manindigan. Sagana ang mga iyon sa katotohanang realidad na ginagamit ng nilikhang sangkatauhan para isabuhay ang normal na pagkatao, sagana sa katotohanang nagpapalaya sa sangkatauhan mula sa katiwalian at iniiwas sila sa mga patibong ni Satanas, sagana sa walang-pagod na pagtuturo, pangaral, paghihikayat, at pag-aliw na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na isasabuhay at tataglayin ng mga tao ang lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan lahat ng tao, kaganapan, at bagay ay sinusukat, at pananda rin sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa landas ng liwanag.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita

06/05/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
💘💘Pera ang nagpapaikot sa mundo,” ito ay pilosopiya ni Satanas at nangingibabaw sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao. Mula pa sa panimula, hindi tinanggap ng mga tao ang kasabihang ito, ngunit binigyan nila ito ng hayagang pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil hindi nauunawaan ng mga tao ang kasabihang ito sa parehas na antas, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan, tama? Gaano man karaming karanasan mayroon ang isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Paano bibigyang kahulugan ang bagay na itong nahayag? Ito’y pagsamba sa salapi. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Kaya naman matapos gamitin ni Satanas ang kalakarang ito upang gawing tiwali ang mga tao, paano ito nakikita sa kanila? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang mamuhay sa mundong ito nang walang salapi, na kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para sa salapi? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at katapatan sa paghahanap ng mas maraming salapi? Higit pa rito, hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa kapakanan ng salapi? Hindi ba ito kawalan para sa mga tao? (Oo.) Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao nang gayon? Hindi ba ito malisyosong pandaraya? Habang sumusulong ka mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito tungo sa pagtanggap dito bilang katotohanan sa huli, mahuhulog nang buo ang iyong puso sa kamay ni Satanas, at kung gayon ay hindi sinasadya kang namumuhay sa kasabihan. Gaano ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaaring alam mo ang tunay na daan, at maaari ring alam mo ang katotohanan, subalit wala kang kapangyarihang itaguyod ito. Maaari mong malaman nang malinaw na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan, ngunit hindi ka handang magbayad ng halaga, o magdusa upang makamtan ang katotohanan. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan at tadhana upang kalabanin ang Diyos hanggang sa katapus-tapusan. Anuman ang sinasabi ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaano mo man mapagtanto ang lalim at kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos para sa iyo, mananatili ka pa ring sutil sa pagsunod sa sarili mong landas at magbabayad para sa kasabihang ito. Ibig sabihin, pinapangunahan na ng kasabihang ito ang iyong pag-uugali at ang iyong mga kaisipan, at mas gugustuhin mong pangunahan nito ang iyong kapalaran kaysa isuko itong lahat. Hindi ba’t inilalarawan ng pagkilos ng mga tao sa ganitong paraan, na sila ay pinangungunahan ng kasabihang ito at namamanipula nito, na mabisa ang ginagawa ni Satanas na pagpapatiwali sa mga tao? Hindi ba ito ang pag-uugat sa iyong puso ng pilosopiya at tiwaling disposisyon ni Satanas? Kung gagawin mo ito, hindi ba natamo na ni Satanas ang kanyang layunin? (Oo.) Nakikita mo ba kung paano nagawang tiwali ni Satanas ang tao sa ganitong paraan? Mararamdaman mo ba ito? (Hindi.) Hindi mo ito nakita o naramdaman. Nakikita mo ba rito ang kasamaan ni Satanas? Ginagawang tiwali ni Satanas ang tao sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Ginagawang imposible ni Satanas para labanan ng tao ang katiwaliang ito at ginagawang walang-laban ang tao rito. Ginagawa ni Satanas na tanggapin mo ang mga kaisipan nito, mga pananaw nito, at ang mga masamang bagay na nagmumula rito sa mga sitwasyon na wala kang alam at kapag wala kang pagkilala sa kung ano ang nangyayari sa iyo. Buong tinatanggap ng mga tao ang mga bagay na ito. Minamahal nila at pinanghahawakan ang mga bagay na ito na parang isang kayamanan, hinahayaan nila ang mga bagay na ito na manipulahin sila at paglaruan sila; ito ang paraan kung paano lumalalim nang lumalalim ang pagtitiwali ni Satanas sa tao.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

27/04/2025

📗Sabi Ng Makapangyarihang Diyos,
🍇 Ang hinihingi sa inyo ngayon—ang gumawa nang magkakasama na may pagkakaisa—ay katulad ng paglilingkod na hiningi ni Jehova sa mga Israelita: Kung hindi, tumigil na lang kayo sa paglilingkod. Dahil mga tao kayong direktang naglilingkod sa Diyos, dapat man lang na mayroon kayong kakayahang maging tapat at mapagpasakop sa inyong paglilingkod, at dapat din may kakayahang matuto ng mga aral sa isang praktikal na paraan. Lalo na sa inyong gumagawa sa iglesia, mangangahas ba ang sinuman sa mga kapatid na mas mababa ang posisyon sa inyo na pakitunguhan kayo? Mangangahas ba ang sinuman na sabihin sa inyo nang harapan ang mga kamalian ninyo? Nakatayo kayo nang mas mataas kaysa sa lahat ng iba; namamahala nga kayo bilang mga hari! Ni hindi nga kayo nag-aaral o pumapasok sa ganitong mga uri ng mga praktikal na aral, subalit nagsasalita pa rin kayo tungkol sa paglilingkod sa Diyos!

🍇 Sa kasalukuyan, hinihingi sa iyo na mamuno sa ilang iglesia, ngunit hindi mo lang hindi isinusuko ang sarili mo, kumakapit ka pa sa sarili mong mga kuru-kuro at opinyon. Hindi ninyo kailanman inaako ang responsibilidad para sa maraming bagay na dapat mapakitunguhan, o sadyang hinahayaan lamang ninyo, ibinubulalas lamang ng bawat isa sa inyo ang sarili ninyong mga palagay at maingat na pinapangalagaan ang sarili ninyong katayuan, reputasyon, at kahihiyan. Wala sa inyo ang handang magpakumbaba, at alinmang panig ay hindi magkukusang isuko ang sarili at magpuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa upang mas mabilis na umunlad ang buhay.

🍇Tuwing nakakaranas kayo ng anuman, dapat kayong magbahaginan sa isa’t isa upang makinabang ang mga buhay ninyo. Dapat kayong magtipun-tipon at magbahaginan tungkol sa lahat ng isyung natutuklasan ninyo at anumang mga problemang naranasan ninyo sa inyong gawain, at saka kayo dapat mag-usap tungkol sa kaliwanagan at pagpapalinaw na inyong natanggap—ito ay isang kinakailangang pagsasagawa ng paglilingkod.

🍇 Dapat ninyong makamit ang pagtutulungan na may pagkakaisa para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa pakinabang ng iglesia, at upang udyukan pasulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, binabago ng bawat isa ang isa pa at humahantong sa mas mabuting kalalabasan ng gawain, upang pangalagaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at tanging yaong mga gumagawa nito ang magkakamit ng tunay na pagpasok. Bawat isa sa inyo, bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, ay dapat na magawang ipagtanggol ang mga interes ng iglesia sa lahat ng inyong ginagawa, sa halip na isipin lang ang mga pansarili ninyong interes. Hindi katanggap-tanggap na kumilos nang mag-isa, na pinapanghina ang bawat isa. Hindi naaangkop na maglingkod sa Diyos ang mga taong umaasal nang ganoon! Mayroon ang mga ganoong tao ng isang napakasamang disposisyon; walang natitirang ni katiting na pagkatao sa kanila. Isandaang porsiyento silang si Satanas! Mga hayop sila!
Hango sa “Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Address

Phase 2
Trece Martires
4109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GOD is our Strength posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category