Our Lady of Lourdes Parish - Hugo Perez, Trece Martires City

Our Lady of Lourdes Parish - Hugo Perez, Trece Martires City The official page of Our Lady of Lourdes Parish - Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite

23/05/2026

PENTECOST SUNDAY | MAY 24, 2026 | 7:30AM |HOLY MASS

REYNAHAN 2026 | BRGY. CABEZAS | Mαყσ 17, 2026Sa biyaya ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, buong galak at pasasalamat ...
22/05/2026

REYNAHAN 2026 | BRGY. CABEZAS
| Mαყσ 17, 2026

Sa biyaya ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, buong galak at pasasalamat naming ipinagdiriwang ang matagumpay na Reynahan 2026 sa Brgy. Cabezas. 🙏🏻✨

Nang hapon ng Mayo 17, sama-samang nasaksihan ng mga taga-Cabezas ang maringal na prusisyon ng mga Reyna bilang pagpapahayag ng pag-ibig, paggalang, at matapat na debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ang bawat bulaklak na inihandog, bawat bulaklak na isinayaw, at bawat hakbang sa daan ay naging isang buhay na dalangin at handog ng pasasalamat sa Ina na walang sawa sa paghingi ng biyaya para sa atin sa harap ng Kanyang Anak.

Sa Mahal na Ina, ang aming walang hanggang pagmamahal at debosyon.

Ave Maria Purisima 🙏🏻

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

REYNAHAN 2026 | GREEN FORBES CITY  | Mαყσ 16, 2026Sa hapon at gabing iyon, sama-sama naglakbay bilang isang pamayanan an...
19/05/2026

REYNAHAN 2026 | GREEN FORBES CITY
| Mαყσ 16, 2026

Sa hapon at gabing iyon, sama-sama naglakbay bilang isang pamayanan ang mga taga-GFC sa isang maringal na prusisyon ng mga Reyna, bilang tanda ng paggalang, pagmamahal, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria, ang Reyna ng Langit at Lupa. Ang bawat hakbang, bawat bulaklak, na inialay ay naging buhay na panalangin at handog ng pasasalamat sa Ina na hindi nagsasawang mamagitan para sa atin sa harap ng Kanyang Anak na si Hesukristo. 🤍

Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay hindi magtapos sa pagtatapos ng prusisyon. Nawa’y dalhin natin sa ating mga tahanan ang diwa ng Reynahan — ang diwa ng paglilingkod nang walang hinihinging kapalit, ng pagmamalasakit sa kapwa, at ng pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng panahon. ✨

Ave Maria Purisima 🙏🏻

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐃𝐑𝐎 𝐋𝐀𝐁𝐑𝐀𝐃𝐎𝐑𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa araw na iyon, sama-samang nagtipon ang mga taga Brg...
19/05/2026

𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐃𝐑𝐎 𝐋𝐀𝐁𝐑𝐀𝐃𝐎𝐑
𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa araw na iyon, sama-samang nagtipon ang mga taga Brgy. Cabezas bilang isang pamayanan upang magpasalamat sa Diyos para sa buhay at halimbawa ng mahal na patron, si San Isidro Labrador. Ang kanyang buhay na simple, masipag, at puno ng panalangin ay nagpapaalala sa atin na ang bawat gawa, kahit ang pagbubungkal ng lupa, ay maaaring maging banal na pag-aalay kung ginagawa nang may pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Nawa’y dalhin natin ang diwa ni San Isidro sa ating mga tahanan at bukirin — ang diwa ng kasipagan, pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng hirap, at pagmamalasakit sa kalikasan na Kanyang nilikha.

“Mapalad ang umaasa, sa Panginoon tuwina.”

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍| 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa araw na iyon, buong kababaang-loob at pasasalama...
19/05/2026

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍
| 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa araw na iyon, buong kababaang-loob at pasasalamat, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo. Ito ay hindi isang paalam, kundi isang dakilang pangako at pagsusugo. 🪽

Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay magpukaw sa atin na mamuhay nang may pag-asa, na walang kinakatakutan sa mga pagsubok ng buhay, sapagkat alam nating si Kristo ay naghahari sa langit at laging kasama natin hanggang sa wakas ng panahon. 🙏🏻

Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo! 🙌🏻

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞
-AkyatSLangitNgPanginoon

𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗜 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗡𝗜 𝗝𝗘𝗦𝗨𝗦| 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲Ngayong Pangatlong Biyernes na Debosyon sa Mahal na Puso ni ...
19/05/2026

𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗜 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗡𝗜 𝗝𝗘𝗦𝗨𝗦
| 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Ngayong Pangatlong Biyernes na Debosyon sa Mahal na Puso ni Hesus sa buwan ng Mayo, nagtipon ang mga Apostolado ng Panalangin at ang buong sambayanan upang magnilay, makinig at manampalataya. Ang araw na ito ay nilalaman ng Banal na Oras ng pakikinig at pagdedebosyon sa walang hanggang pag-ibig ng Puso ni Hesus.

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

17/05/2026
14/05/2026

𝕸𝖆𝖑𝖎𝖌𝖆𝖞𝖆𝖓𝖌 𝕶𝖆𝖕𝖎𝖘𝖙𝖆𝖍𝖆𝖓, 𝕾𝖆𝖓 𝕴𝖘𝖎𝖉𝖗𝖔 𝕷𝖆𝖇𝖗𝖆𝖉𝖔𝖗! 🌾🙏

Sa buhay ng ating patron, nasasalamin ang kasipagan, kababaang-loob, at matibay na pananampalataya sa Diyos. Nawa’y maging inspirasyon siya sa atin na patuloy na maglingkod nang may pagmamahal at pagtitiwala sa Panginoon sa bawat araw ng ating buhay. ✨


𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 |Ipinaaalam sa lahat na magsisimula na ang pagpapatala para sa Banal na Sakramento ng Kumpil.📆 Petsa ng Registra...
13/05/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 |

Ipinaaalam sa lahat na magsisimula na ang pagpapatala para sa Banal na Sakramento ng Kumpil.

📆 Petsa ng Registrasyon: Mayo 14, 2026 – Hunyo 5, 2026
⏱️ Araw: Tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado lamang
📍 Lugar: Opisina ng Parokya

Mga Kinakailangan:
Baptismal Certificate / Sertipiko ng Binyag
1st Communion Certificate / Sertipiko ng Unang Pakikinabang
12 taong gulang pataas o papasok sa Grade 7

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐠𝐞𝐬:
@𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐬𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐎𝐋𝐋𝐏
@𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

#𝐎𝐋𝐋𝐏𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞

12/05/2026

𝐍𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐤𝐚𝐫𝐲𝐚𝐭𝐨 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐝𝐞 𝐀𝐬𝐢𝐬. 𝐈𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐝𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐕𝐢𝐜𝐚𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐅𝐞𝐬𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔!

Subukin ang iba't-ibang laro at ipakita ang sigla at tikas ng isang kabataan ni Tata Kiko sa tema ng, "𝑺𝒊𝒈𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒏𝒐𝒚: 𝑳𝒂𝒓𝒐 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑻𝒂𝒕𝒂 𝑲𝒊𝒌𝒐."

Abangan ang susunod pang mga detalye sa opisyal na pahina ng Vicariate of St. Francis of Assisi Youth Ministry - Diocese of Imus

Kita-kits tayo, Kabataan ni Tata Kiko!


11/05/2026

🎶 PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS UMAWIT PARA SA DIYOS! 🎶

Inaanyayahan ng Our Lady of Lourdes Parish Choir ang lahat ng may pusong handang maglingkod at umawit para sa Panginoon na maging bahagi ng aming choir ministry.

Hindi kailangan ng perpektong boses — ang mahalaga ay ang pusong handang magpuri at maglingkod. Sama-sama nating pagandahin ang banal na pagdiriwang sa pamamagitan ng musika at awit.

✨ Bukas ang recruitment para sa 18 taong gulang pataas may mga karanasan at baguhan man.

Halina at gamitin ang iyong talento para sa Diyos!
Maging bahagi ng aming magandang samahan sa choir.

Makipag ugnayan lamang sa inyong kakilalang miyembro ng ministry o mag PM sa ating page sa karagdagang impormasyon.

“Ang umaawit ay dalawang beses na nananalangin.” – St. Augustine

🎵 Sama-sama tayong umawit para sa kaluwalhatian ng Diyos! 🎵

Address

Our Lady Of Lourdes Parish Church Golden Horizon, Hugo Perez
Trece Martires
4109

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
Sunday 9am - 12pm

Telephone

+639619453954

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Lourdes Parish - Hugo Perez, Trece Martires City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share