05/02/2023
Pagkaing Espirituwal Ngayong Lunes
Pebrero 6, 2023
Pamagat: Ano Ang Reputasyon Mo?
Ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na. –Efeso 5:8
Basahin: Efeso 5:8–14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, pero ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na. Kaya ipakita sa pamumuhay nĘĽyo na naliwanagan na kayo.
9 (Sapagkat kung ang isang tao ay naliwanagan na, makikita sa kanya ang kabutihan, katuwiran, at katotohanan.)
10 Alamin ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon.
11 Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ipamukha nĘĽyo sa kanila ang kasamaan nila.
12 (Nakakahiyang banggitin man lang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.)
13 Pero kung pagsasabihan nĘĽyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa.
14 Sapagkat maliliwanagan ang lahat ng naabot ng liwanag ng katotohanan. Kaya nga sinasabi,
“Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa mga patay
at liliwanagan ka ni Cristo.”

Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Si Ted ang pinakamatangkad na cheerleader sa kanilang paaralan. Halos anim na talampakan ang taas niya at nasa 118 kilo ang bigat niya. “Big Blue” ang tawag sa kanya dahil sa malakas na pagsigaw niya ng “Blue” na kulay ng kanilang paaralan.
Minsan na ring nalulong sa pag-inom ng alak si Ted. Pero hindi ang pagiging cheerleader at pagkalulong niya kaya siya naaalala ng mga tao. Sa halip, maaalala siya dahil sa kanyang pagmamahal sa Dios at sa kanyang pamilya. Maaalala rin siya sa kanyang kabaitan at pagiging mapagbigay. Nagkasakit si Ted at pumanaw. Kaya naman, nang alalahanin ang kanyang buhay, maraming tao ang nagpatunay kung paano binago ni Cristo ang kanyang buhay.
Mababasa naman natin sa Efeso 5:8 ang paalala ni Apostol Pablo sa mga sumasampalataya kay Jesus na sila ay dating namumuhay sa kadiliman “pero ngayon ay naliwanagan na [sila] dahil [sila] ay nasa Panginoon na.” Kaya, dapat nilang ipakita sa kanilang buhay na naliwanagan na sila.
Ganito rin naman ang nais iparating ni Jesus sa bawat taong nananampalataya sa Kanya. Dapat ay hindi tayo makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman (Tingnan ang tal. 3-4, 11). Makita nawa ng mga tao sa ating paligid ang kaningningan ng ating bagong buhay dahil kay Cristo (Tal. 14).
Anu-ano ang mga dahilan para hindi mo maipahayag ang liwanag na dala ni Jesu-Cristo sa mundo?
Saan sa lugar ninyo kailangan ang liwanag Niya?
- Arthur Jackson
Panginoon, tulungan N’yo po akong maging liwanag ang aking buhay sa mga taong hindi pa sumasampalataya sa Inyo.
React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org
to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2023 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.