04/08/2026
"Ang P**n Hesus Nazareno ay replica ng ating Panginoon. Mapalad ang mga tahanan at lugar na dinadalaw ng ating Mahal na P**ng Hesus Nazareno, sapagkat ang Kanyang presensya ay nagdadala ng pag-asa, kaligtasan, at ang biyaya ng Panginoon ay mapapasakanila."
β Rev. Fr. Jung Deang, Parish Priest
Sa diwa ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na P**ng Hesus Nazareno, taos-pusong binabati ng All Christian Society Philippines, Inc. (ACSPI) ang SAGISAG NI HESUS NAZARENO - Pinagkaisang Samahan ng mga Mamasan ng Mandaluyong, Rodriguez, Rizal, Tondo, at Quezon City sa pagdiriwang ng kanilang ika-14 na Anibersaryo.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagdaraos ng Banal na Misa sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, Montalban, Rizal. Pagkatapos ng misa ay isinagawa ang isang maikling programa sa Bahay Tipanan, Brgy. San Jose, Montalban, Rizal, kung saan nagsama-sama ang mga deboto sa isang makabuluhang pagtitipon na puno ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating Mahal na P**ng Hesus Nazareno. ππ
Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng matatag na pananampalataya, matibay na pagkakaisa, at pusong laging handang maglingkod. Nawa'y magpatuloy ang inyong samahan bilang huwaran ng debosyon at maging inspirasyon sa mas marami pang mananampalataya.
Lubos din ang aming pasasalamat sa inyong mainit at taos-pusong pagtanggap sa aming Assistant Director, Joseph Duran. Ang inyong kabutihan at pagmamahal sa kapwa deboto ay tunay na sumasalamin sa diwa ng pagkakapatiran sa ilalim ng gabay ng ating Mahal na P**ng Hesus Nazareno.
Mula sa buong pamilya ng ACSPI, maligayang ika-14 na anibersaryo! Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng ating Mahal na P**ng Hesus Nazareno sa marami pang taon ng tapat na paglilingkod at debosyon.
Viva Nuestro Padre JesΓΊs Nazareno! ππ