Don Bosco Youth Center Tondo - Children's Ministry

Don Bosco Youth Center Tondo - Children's Ministry The official page of Children's Ministry managed by the Volunteer Catechists of Don Bosco - Tondo.

17/08/2026

๐ŸŽฅ PANUORIN AT ATING BALIKAN ang masasayang kaganapan sa pagdiriwang ng ika-211 kaarawan ni San Juan Bosco sa ating Oratory! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™

Muling napuno ng saya, tawanan, at pamilyang diwa ang ating Oratory sa pamamagitan ng mga laro, salu-salo, at masasayang sandali kasama ang ating mga kabataan. Higit sa isang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, patuloy nating ginugunita ang buhay at misyong iniwan sa atin ni Don Boscoโ€”ang maging tahanan, paaralan, simbahan, at playground para sa bawat kabataan. ๐Ÿ โ›ชโšฝ

Happy 211th Birthday, Don Bosco! ๐Ÿฅณ
Patuloy nawa naming isabuhay ang iyong pagmamahal at malasakit sa mga kabataan. Viva Don Bosco! ๐Ÿ’™โœจ

Maligayang kaarawan sa aming Youth Director at Childrenโ€™s Ministry In-Charge, Bro. Dandrew Matias, SDB! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’™Maraming salam...
16/08/2026

Maligayang kaarawan sa aming Youth Director at Childrenโ€™s Ministry In-Charge, Bro. Dandrew Matias, SDB! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’™

Maraming salamat, Bro. Dandrew, sa patuloy na paggabay, pakikisama, at paglilingkod sa mga kabataan at mga bata ng ating komunidad. Bilang isang Salesian Lay Brother, nawaโ€™y patuloy mong maipakita ang puso ni Don Boscoโ€”isang pusong laging handang makinig, gumabay, at samahan ang mga kabataan sa kanilang paglalakbay. ๐ŸŒฑโœจ

Dalangin namin na patuloy kang pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, at masayang puso sa iyong bokasyon at misyon. Nawaโ€™y marami ka pang kabataang maakay palapit kay Kristo sa paraan ni Don Bosco.

Happy Birthday, Bro. Dandrew! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰
Patuloy na maging kaibigan, kuya, at gabay ng mga kabataan. ๐Ÿ’™๐Ÿ™๐Ÿป

Maligayang ika-211 na Kaarawan, San Juan Bosco! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™Ngayong araw, ginugunita natin ang kapanganakan ng ating ama at g**o n...
15/08/2026

Maligayang ika-211 na Kaarawan, San Juan Bosco! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™

Ngayong araw, ginugunita natin ang kapanganakan ng ating ama at g**o ng kabataanโ€”isang buhay na buong pusong inialay para sa Diyos at sa mga kabataan.

Patuloy nawa nating isabuhay ang kanyang paalala: โ€œRun, jump, shout, but do not sin.โ€ Sa saya, paglilingkod, at kabanalan, ipagpatuloy natin ang kanyang misyonโ€”ang maging tahanan, kaibigan, at pag-asa para sa bawat kabataan. โœจ

San Juan Bosco, Ama at G**o ng Kabataan, ipanalangin mo kami! ๐Ÿ™

Arat na! Ating gunitain ang kaarawan ng ating Patron na si San Juan Bosco! ๐Ÿ™โœจMay ibaโ€™t ibang palaro, saya, at matatamis ...
15/08/2026

Arat na! Ating gunitain ang kaarawan ng ating Patron na si San Juan Bosco! ๐Ÿ™โœจ

May ibaโ€™t ibang palaro, saya, at matatamis na papremyo!๐Ÿคฉ๐Ÿญ๐ŸŽ



ALAM MOBA?

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฆ Si Don Bosco ay tinaguriang โ€œAma ng Kabataanโ€ dahil buong puso niyang inialay ang kanyang buhay para sa mga bata at kabataan, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Para kay Don Bosco, ang bawat kabataan ay may halaga, pangarap, at magandang kinabukasan. Kaya gusto niyang lumaki sila na may saya, edukasyon, mabuting asal, at pananampalataya sa Diyos. ๐Ÿ™โœจ

Kaya hanggang ngayon, patuloy nating isinasabuhay ang kanyang halimbawaโ€”magmahal, gumabay, at maging kaibigan ng kabataan. ๐Ÿซถ

San Juan Bosco, Ama ng Kabataan, ipanalangin mo kami! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Malugod na pagbati at pagsalubong sa ating bagong Kura Paroko ng St. John Bosco Parish โ€“ Tondo, Rev. Fr. Marc Will Lim, ...
15/08/2026

Malugod na pagbati at pagsalubong sa ating bagong Kura Paroko ng St. John Bosco Parish โ€“ Tondo, Rev. Fr. Marc Will Lim, SDB! ๐Ÿ’™๐Ÿ™

Kaisa ang buong kabataan ng parokya, dalangin namin ang isang masaya at mabungang paglilingkod ninyo sa ating pamayanan. Makakaasa po kayo sa aming panalangin, suporta, at pakikiisa sa inyong bagong misyon.

Welcome to St. John Bosco Parish โ€“ Tondo, Fr. Marc!

๐๐”๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐“๐€๐–๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐‹๐”๐‹๐”๐–๐€, ๐ˆ๐๐ˆ๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“. ๐Ÿ’™โ˜๏ธNgayong Agosto 15, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pag...
14/08/2026

๐๐”๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐“๐€๐–๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐‹๐”๐‹๐”๐–๐€, ๐ˆ๐๐ˆ๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“. ๐Ÿ’™โ˜๏ธ

Ngayong Agosto 15, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria (Assumption of the Blessed Virgin Mary)โ€”isang paalala ng dakilang pag-asa na naghihintay sa ating lahat: ang buhay na walang hanggan kasama ang Diyos.

Tulad ni Maria na buong pusong nagsabi ng โ€œOoโ€ sa kalooban ng Diyos, nawa'y matuto rin tayong magtiwala, sumunod, at manatiling tapat sa Kanya sa araw-araw. ๐Ÿ™๐Ÿป

Ngayong kapistahan, kilalanin pa natin ang kahulugan ng Assumption at kung ano ang itinuturo nito sa ating pananampalataya. I-swipe ang carousel para sa munting katekesis! ๐Ÿ“–โœจ

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria!

Our Lady of the Assumption, pray for us! ๐Ÿ’™

12/08/2026

LIVE NOW | Eucharistic Celebration and Installation of Rev. Fr. Marc Will Lim, SDB

๐ŸŒŸNEW CHAPTER UNLOCKED!๐ŸŒŸTINGNAN:Masayang sinalubong ang ating mga New Disciples na pormal nang naging Neophytes noong Ago...
10/08/2026

๐ŸŒŸNEW CHAPTER UNLOCKED!๐ŸŒŸ

TINGNAN:

Masayang sinalubong ang ating mga New Disciples na pormal nang naging Neophytes noong Agosto 9, 2026๐Ÿ’™๐Ÿ™Œ

Pagbati kina๐Ÿคฉ
Kuya Marcelo
Kuya Thirdy
Kuya Marjune
Ate Jessica
Ate Alia
Ate Ellery
Ate Jessa
Ate Gab

Isang panibagong hakbang sa paglalakbay ng pananampalataya, pagkakaibigan, at paglilingkod. ๐Ÿ™โœจ

Patuloy kayong maging inspirasyon at liwanag sa iba! ๐ŸŒŸ

๐ŸŽ’โœจ Batang Busko, Love si Kristo! Arat na sa Don Bosco! โœจ๐ŸŽ’๐ŸŽŠ Opening of School Year Oratory 2026 ๐ŸŽŠIsang bagong taon ng lar...
30/07/2026

๐ŸŽ’โœจ Batang Busko, Love si Kristo! Arat na sa Don Bosco! โœจ๐ŸŽ’

๐ŸŽŠ Opening of School Year Oratory 2026 ๐ŸŽŠ

Isang bagong taon ng laro, saya, pagkatuto, at pananampalataya ang naghihintay sa bawat Batang Bosko!

๐Ÿ“… August 9, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•– 7:00 AM
๐Ÿ“ Don Bosco Gymnasium, Tondo

๐ŸŽ‰ Magsisimula tayo sa isang makulay na parada sa mga kalsada ng Parokya ni San Juan Bosco!

๐Ÿ‘ง๐Ÿง’ Bukas para sa lahat ng batang Grade 1 hanggang Grade 6!

Abangan ang:
๐ŸŽฎ Masayang mga laro
๐ŸŽ Exciting na raffle prizes
๐Ÿค Bagong mga kaibigan
๐Ÿ™ Sama-samang panalangin at mga makabuluhang gawain

Halina't sama-sama nating simulan ang School Year Oratory 2026 na puno ng saya, pagkakaibigan, at pagmamahal ni Kristo.

๐Ÿ’™ Kita-kits sa Don Bosco! Huwag kalimutang yayain ang inyong mga kaibigan at kaklase. Mas masaya kapag sama-sama!

WELCOMING OF NEW DISCIPLES 2026May kuwento ka ba na gustong ibahagi? O baka panahon na para magsimula ng bagong kuwento ...
25/07/2026

WELCOMING OF NEW DISCIPLES 2026

May kuwento ka ba na gustong ibahagi? O baka panahon na para magsimula ng bagong kuwento kasama si Hesus. ๐Ÿค

Kung gusto mong mas makilala si Kristo, magkaroon ng bagong mga kaibigan na kapareho mo ng pananampalataya, at matutong ibahagi ang Kanyang pag-ibig sa iba, iniimbitahan ka naming maging bahagi ng Samahan ng mga Katekista โ€“ Don Bosco Youth Center, Tondo.

Hindi mo kailangang maging perpekto o maraming alam. Ang kailangan lang ay bukas na puso at ang kagustuhang tumugon sa Kanyang paanyaya.

โ€œSumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.โ€
โ€” Mateo 4:19

๐Ÿ“… June 25, 2026 (Saturday)
๐Ÿ•• 6:00 PM (Sisimulan ang programa ng Banal na Misa)
๐Ÿ“ Don Bosco Church

Tara, simulan natin ang misyon. Ang isang simpleng โ€œooโ€ ay maaaring maging simula ng pagbabagong hindi mo inaasahan.

Address

CP Garcia Street, Barrio Magsaysay
Tondo
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Don Bosco Youth Center Tondo - Children's Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share