02/01/2026
𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟-𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗦
𝘛𝘪𝘵𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘮𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰 𝘕𝘪ñ𝘰 𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘯𝘥𝘰
Simula pa noong panahon ng mga Apostol, ang Simbahan ay nagpapahayag na ng pagsamba sa Kabanal-banalang Ngalan ni 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒. Ayon sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos: “𝑺𝒂 𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏, 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑯𝒆𝒔𝒖𝒔 𝒂𝒚 𝒍𝒖𝒍𝒖𝒉𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕, 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒍𝒖𝒑𝒂, 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒊𝒍𝒂𝒍𝒊𝒎 𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒑𝒂.” (𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐨𝐬 𝟐:𝟏𝟎).
Ipinapakita ng Simbahan ang kadakilaan ng Salitang Nagkatawang-Tao sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanyang Pangalan. Ang ngalang HESUS ay nangangahulugang ang DIYOS AY NAGLILIGTAS. Ito ay naipahayag sa pamamagitan ng anghel sa Mahal na Birheng Maria at gayundin sa panaginip ni San Jose.
Ang pamimintuho sa Kabanal-banalang Ngalan ay nakaugat sa Banal na Kasulatan, lalo na sa mga Gawa ng mga Apostol. Ito ay ipinalaganap ng mga banal tulad nina San Bernardo ng Clairvaux, San Bernardino ng Siena (Sa kanyang pangunguna ang pamimintuho sa Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus ay ipinalaganap sa pamamagitan ng inskripsyon na “𝐈𝐇𝐒”, at ang pagkakasama ng Banal na Ngalan ni Hesus sa dasal na '𝐀𝐛𝐚, 𝐆𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚'), at ipinagpatuloy ni San Juan ng Capistrano, ng mga Pransiskano at ng mga Heswita. Ang buwan ng Enero ay nakalatalaga sa pamimintuho sa Kabanal-banalang Ngalan.
Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katolika (CCC 2666-2668): "𝑨𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒖𝒖𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈-𝒕𝒂𝒐: 𝑯𝑬𝑺𝑼𝑺. 𝑫𝒊 𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒃𝒊𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔, 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈-𝒕𝒂𝒐, 𝒎𝒂𝒊𝒔𝒂𝒔𝒂𝒎𝒃𝒊𝒕 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒊𝒑𝒂𝒏𝒈𝒔𝒖𝒔𝒖𝒎𝒂𝒎𝒐 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒂: "𝑯𝑬𝑺𝑼𝑺 - 𝒏𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒔𝒊 𝒀𝑯𝑾𝑯." 𝑳𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑯𝒆𝒔𝒖𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕: 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒌𝒉𝒂 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒔𝒂 𝒕𝒂𝒐. 𝑨𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒔𝒂𝒍𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 "𝑯𝒆𝒔𝒖𝒔" 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒖𝒎𝒂𝒎𝒐 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒘𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒐𝒐𝒃𝒂𝒏. 𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝑵𝒊𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒔𝒊𝒚𝒂 𝑵𝒊𝒚𝒂. 𝑺𝒊 𝑯𝒆𝒔𝒖𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑵𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚, 𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒖𝒎𝒂𝒏 𝒕𝒖𝒎𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝑵𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝑵𝒊𝒚𝒂 𝒂𝒚 𝒕𝒖𝒎𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒏𝒂 𝒖𝒎𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂."
Noong taong 1597, si Papa Sixto V ang unang nagkaloob ng indulhensya, at madalas din banggitin ni Papa San Juan Pablo II na nakasama sa mga panalanging nakapaloob sa kasalukuyang 𝘌𝘯𝘤𝘩𝘪𝘳𝘪𝘥𝘪𝘰𝘯 𝘐𝘯𝘥𝘶𝘭𝘨𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘳𝘶𝘮: 𝐋𝐚𝐮𝐝𝐞𝐭𝐮𝐫 𝐈𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐮𝐬 (𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐢 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐤𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 / 𝐏𝐫𝐚𝐢𝐬𝐞𝐝 𝐛𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭).
𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎
Ama naming makapangyarihan,
pakundangan sa aming pagpaparangal
sa ngalan ni Hesus
kaming mga nagkakamit
ng kanyang matamis na pagmamahal
sa sanlibutan
ay bigyan mo ng puspos na kaligayahan
sa kalangitan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
𝐏𝐔𝐑𝐈𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒!
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋-𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒, 𝐈𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈.