Sto. Niño Youth Choir Official

Sto. Niño  Youth Choir Official The Sto. Niño Youth Choir or also known as SNYC is a choir organization of Sto. Niño de Tondo Parish located at 600 L. Chacon St. Tondo, Manila.

Santo Niño Youth Choir is a choir organization serving the Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo, inspiring faith through music, unity, and joyful praise in every mass and liturgical gathering. It is composed of young male and female whose main function is to serve God through singing especially during the mass. They are active participants of different activities of

the parish, specifically those activities under of Music Ministry and Parish Youth Ministry. Besides of being busy in doing the responsibilities as a choir and other tasks given by the parish, they are also busy in doing their own activities.

Happy birthday to our soprano girlie, 𝑴𝒊𝒌𝒂𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒃𝒃𝒐𝒓𝒂𝒏𝒈! 🥳🎉A warm birthday greeting to our Secretary, Ella! Thank you f...
27/08/2026

Happy birthday to our soprano girlie, 𝑴𝒊𝒌𝒂𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒃𝒃𝒐𝒓𝒂𝒏𝒈! 🥳🎉

A warm birthday greeting to our Secretary, Ella! Thank you for the time, effort and dedication you share with 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐡𝐨𝐢𝐫, especially in guiding and looking after our soprano girlies.

As you celebrate another year, we wish you happiness, good health and success in everything you pursue. Good luck with your studies, and may God give you the wisdom and strength you need as you take on new challenges and responsibilities.

May this special day remind you of the people who appreciate you and the memories you've made along the way. Keep doing what you love, keep serving with joy, and of course, keep that soprano energy alive!

Happy birthday, Ella! Enjoy your day and God bless you always. 💐🤍




“𝘔𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘕𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰.” — 𝘈𝘸𝘪𝘵 37:4Buong kagalakan at pasasalamat nam...
27/08/2026

“𝘔𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘕𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰.” — 𝘈𝘸𝘪𝘵 37:4

Buong kagalakan at pasasalamat naming binabati ang ating mga minamahal na kachoirmates, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐬 𝐈𝐬𝐚𝐢𝐚𝐡 𝐍𝐚𝐜𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞𝐧𝐨, sa matagumpay na pagtatapos bilang 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, at 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐉𝐨𝐞𝐛𝐲 𝐀𝐫𝐚𝐛𝐢𝐬, sa pagtatapos bilang 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆, 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗮 𝗖𝘂𝗺 𝗟𝗮𝘂𝗱𝗲.

Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay bunga ng mga taon ng pagsisikap, sakripisyo, at patuloy na pagharap sa bawat hamon. Ang inyong mga tagumpay ay hindi lamang patunay ng inyong kakayahan, kundi paalala rin na sa bawat pangarap na ipinagkakatiwala natin sa Diyos, may bunga ang pagtitiyaga at pananalig.

Nawa'y magsilbing simula ang pagtatapos na ito sa mas marami pang oportunidad, pangarap, at biyayang naghihintay sa inyong paglalakbay. Dalangin namin na patuloy kayong gabayan ng Panginoon ng karunungan, lakas, at tapang upang harapin ang bawat bagong hamon at pagkakataon.

Sa pagharap ninyo sa panibagong yugto ng buhay, dalhin ninyo ang mga aral, karanasan, at pananampalatayang naging bahagi ng inyong paglalakbay. Gamitin ninyo ang inyong mga talento at kakayahan upang maging inspirasyon at instrumento ng kabutihan sa iba, habang patuloy na nagtitiwala sa paggabay ng Mahal na Poong Sto. Niño.

Muli, taos-pusong pagbati sa inyong dalawa! Congratulations, Graduates! We are truly proud of you! 🎓✨




𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Saint of the Day𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒊𝒄𝒂 (𝙄𝙣𝙖 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙜𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣)Si Santa Monica (c. 331–387) ay isinilang sa Hilagang...
27/08/2026

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Saint of the Day

𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒊𝒄𝒂 (𝙄𝙣𝙖 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙜𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣)

Si Santa Monica (c. 331–387) ay isinilang sa Hilagang Aprika at nakilala sa kanyang malalim na pananampalataya, pagtitiyaga, at walang sawang pananalangin para sa kanyang pamilya. Bagama’t hindi naging madali ang kanyang buhay bilang asawa at ina, nanatili siyang tapat sa Diyos. Higit sa lahat, buong tiyaga niyang ipinanalangin ang pagbabalik-loob ng kanyang anak na si San Agustin, na noong kanyang kabataan ay namuhay nang malayo sa pananampalatayang Kristiyano. Sa loob ng maraming taon, hindi siya tumigil sa pananalangin at paggabay sa kanyang anak.

Kalaunan, sa tulong ng biyaya ng Diyos at ng paggabay ni San Ambrosio ng Milan, nagbalik-loob si Agustin at naging Kristiyano. Ang kanyang pagbibinyag noong 387 ay naging isa sa pinakadakilang kagalakan ni Santa Monica. Hindi nagtagal, namatay siya sa Ostia habang naghahanda silang bumalik sa Hilagang Aprika. Ang kanyang buhay ay nananatiling halimbawa ng matiyagang pananalangin, pagmamahal ng isang ina, at matatag na pagtitiwala sa Diyos, lalo na sa panahon ng mga pagsubok.

𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘰𝘯𝘪𝘤𝘢, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.





25/08/2026

Sa ating buhay, maraming bagay ang maaaring maging sandigan at gabay. Ngunit sa huli, inaanyayahan tayo ni Hesus na kilalanin Siya hindi lamang sa ating mga salita, kundi sa paraan ng ating pamumuhay, pagtitiwala, at pagsunod sa Kanya.

Sa awiting “Hesus ng Aking Buhay,” ipinapahayag natin ang pagnanais na si Kristo ang manatiling sentro ng ating puso at buhay. Tulad ng pagpapahayag ng pananampalataya ni Pedro, nawa'y buong puso rin nating makilala at masundan si Hesus, lalo na sa mga panahong kailangan nating pumili kung kanino tayo tunay na kakapit.

Sa bawat hakbang, sa bawat pagsubok, at sa bawat panalangin, nawa'y lagi nating maipahayag na Hesus, Ikaw ang aking buhay.

𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒 𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘
𝘊𝘰𝘮𝘱𝘰𝘴𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘍𝘳. 𝘈𝘳𝘯𝘦𝘭 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰, 𝘚𝘑
𝘏𝘪𝘮𝘪𝘨 𝘏𝘦𝘴𝘸𝘪𝘵𝘢 / 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘪𝘵 𝘔𝘶𝘴𝘪𝘤 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘺




𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔Maraming salamat po sa “𝑭𝑨𝑴𝑰𝑳𝑰𝑨 𝑩𝑨𝒀𝑺𝑨𝑪” sa mainit, masaya, at buong-pusong pagtang...
23/08/2026

𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Maraming salamat po sa “𝑭𝑨𝑴𝑰𝑳𝑰𝑨 𝑩𝑨𝒀𝑺𝑨𝑪” sa mainit, masaya, at buong-pusong pagtanggap sa mahal na Poong Sto. Niño sa inyong tahanan.

‎Nawa’y patuloy kayong gabayan, pagpalain, at patnubayan ng Batang Hesus sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay. Nawa’y pagkalooban Niya ang inyong pamilya ng mabuting kalusugan, pagkakaisa, kapayapaan, kasaganaan, at maraming biyaya.

‎Nawa’y manatili sa inyong tahanan ang pagmamahalan, pananampalataya, at pag-asa, at nawa’y maging gabay ninyo ang Poong Sto. Niño sa bawat desisyon at pagsubok na inyong haharapin.




𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 | August 23, 2026𝟐𝟏𝐬𝐭 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐢𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐓𝐢𝐦𝐞As Christians, who is Jesus to us? Perhaps we know Him as ou...
23/08/2026

𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 | August 23, 2026
𝟐𝟏𝐬𝐭 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐢𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐓𝐢𝐦𝐞

As Christians, who is Jesus to us? Perhaps we know Him as our Savior, the One who answers our prayers and grants our wishes. Or maybe He is the One we seek whenever we feel lost. We all have our own understanding of who Jesus is in our lives.

As Catholics, the way we see Jesus is often a reflection of our relationship with Him. No one can truly define who Jesus is for us, because each of us encounters Him in a different way. But one thing is certain: He loves us, and that is why we come to know Him.

In every version of Jesus we carry in our lives, He entrusts to us the key to His love and the promises He has made. He does not call only those who are qualified, perfect, or worthy. Instead, He calls those who recognize their need for Him.

He calls the sinners.

He calls those who are lost, those who are broken, those who have failed, and those who feel unworthy. Jesus does not wait for us to become perfect before He loves us. His love is what calls us to become better, to return to Him, and to follow Him.

Perhaps the Jesus we know today is shaped by our own experiences, our struggles, our prayers, and the moments when we felt His presence. And perhaps, through all of these, He is reminding us of one simple truth: we may feel unworthy, but we are never unworthy of His love.




𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐀 | Agosto 21, 2026𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎… 𝐅𝐈𝐃𝐔𝐂𝐈𝐀… 𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎…“𝙉𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙮𝙤, 𝙖𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤? 𝙎𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙠𝙤?” — 𝙈𝙖𝙩𝙚𝙤 16:15Sa a...
22/08/2026

𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐀 | Agosto 21, 2026

𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎… 𝐅𝐈𝐃𝐔𝐂𝐈𝐀… 𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎…
“𝙉𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙮𝙤, 𝙖𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤? 𝙎𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙠𝙤?” — 𝙈𝙖𝙩𝙚𝙤 16:15

Sa ating Lectio Divina, sama-sama nating binasa, pinagnilayan, at isinapuso ang Mabuting Balita ngayong Linggo (Mateo 16:13–20). Sa gitna ng katahimikan at pananalangin, muli nating hinarap ang tanong ni Hesus kay Pedro: “Sino ako para sa iyo?” Hindi lamang ito tanong tungkol sa pagkakakilala natin kay Kristo, kundi isang paanyaya na tingnan kung paano Siya tunay na namumuhay sa ating puso at kung paano nakikita sa ating mga salita, desisyon, at paglilingkod ang ating pananampalataya sa Kanya.

Sa pagninilay na ito, pinaalalahanan tayo na ang pagkakilala kay Hesus ay hindi nagtatapos sa pagsagot kung sino Siya. Tayo rin ay tinatawag na maging matatag sa pananampalataya at maging mga saksi Niya sa ating kapwa. Bilang kabataan at mga miyembro ng 𝑺𝒕𝒐. 𝑵𝒊ñ𝒐 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑪𝒉𝒐𝒊𝒓, nawa'y ang bawat awit, panalangin, at paglilingkod natin ay maging tunay na pagpapahayag ng ating sagot kay Kristo: Siya ang Panginoon, ang Anak ng Diyos na buhay.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming higit Kang makilala, mahalin, at paglingkuran sa aming pang-araw-araw na buhay.





𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Feast of the Day𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚(𝙌𝙪𝙚𝙚𝙣𝙨𝙝𝙞𝙥 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝘽𝙡𝙚𝙨𝙨𝙚𝙙 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙞𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙮)Ang Kapista...
22/08/2026

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Feast of the Day

𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚(𝙌𝙪𝙚𝙚𝙣𝙨𝙝𝙞𝙥 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝘽𝙡𝙚𝙨𝙨𝙚𝙙 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙞𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙮)

Ang Kapistahan ng Pagiging Reyna ng Mahal na Birheng Maria ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 22, pitong araw matapos ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen. Itinatag ito ni Papa Pio XII noong 1954bilang pagkilala kay Maria bilang Ina at Reyna ng buong sangnilikha. Ang kanyang pagiging Reyna ay hindi nakabatay sa kapangyarihang tulad ng sa mga pinuno ng mundo, kundi sa kanyang natatanging pakikiisa kay Kristo, ang Hari ng sanlibutan, at sa kanyang mapagpakumbabang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Bilang Ina ni Hesus at ating Ina sa pananampalataya, patuloy na inaakay tayo ni Maria patungo sa kanyang Anak. Ang kanyang buhay ay larawan ng kababaang-loob, katapatan, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Sa pagdiriwang na ito, nawa'y matutuhan nating tularan ang kanyang halimbawa at hayaan si Kristo na maghari sa ating puso, habang buong pagmamahal nating iniaalay ang ating buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘉𝘪𝘳𝘩𝘦𝘯 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘓𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘚𝘢𝘯𝘭𝘪𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.






21/08/2026

Sa bawat sugat, bigat, at panalanging tila walang kasagutan, patuloy tayong inaanyayahan na kumapit sa Panginoon. Sa kabila ng mga pagsubok at mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan, piliin nating magtiwala sa Kanyang plano at manatiling umaasa sa Kanyang pagmamahal.

Sa awiting “Paghilom,” iniaalay natin kay Hesus ang mga sakit, pangamba, at mga sugat na ating dinadala. Nawa'y turuan Niya tayong magpatawad, tanggapin ang mga bagay na hindi natin mababago, at magkaroon ng lakas na magpatuloy sa bawat hamon ng buhay.

Sapagkat sa Panginoon natin matatagpuan ang lakas na magpatawad, ang tapang na magpatuloy, at ang paghilom na ating hinihintay. Sa bawat pagkakataong tila hindi natin nakikita ang Kanyang ginagawa, nawa'y manatili ang ating pananalig na hindi Niya tayo kailanman iniiwan.

𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐈𝐋𝐎𝐌
Words & Music by Fr. Arnel Aquino, SJ
Originally recorded by Hangad




𝐒𝐍𝐘𝐂 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 | August 19, 2026Isang pagtitipon ang ginanap ng Sto. Niño Youth Choir (SNYC) para sa ating Genera...
19/08/2026

𝐒𝐍𝐘𝐂 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 | August 19, 2026

Isang pagtitipon ang ginanap ng Sto. Niño Youth Choir (SNYC) para sa ating General Assembly, na pinangunahan ng ating Choir Coordinator, Jaycee Sampang.

Ito ang unang General Assembly sa ilalim ng bagong termino, kung saan sama-sama nating tinalakay ang mga mahahalagang bagay para sa patuloy na paghubog at paglilingkod ng SNYC.

Kabilang sa mga tinalakay ang SNYC Primer at ang Calendar of Activities, na nagsilbing gabay sa atin sa mga mahahalagang impormasyon, gawain, at mga nakatakdang aktibidad ng grupo para sa mga susunod na buwan.

Naging pagkakataon din ito upang mapag-usapan ang ating mga tungkulin, mga paalala, at ang mga bagay na makatutulong upang maging mas maayos at organisado ang ating sama-samang paglilingkod.

Sa pagsisimula ng panibagong termino, nawa'y patuloy tayong magkaisa, magtulungan, at maging bukas sa mga bagong hamon at pagkakataong ipinagkakaloob sa atin ng Diyos.




Address

600 L Chacon Street
Tondo
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Youth Choir Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share