20/05/2026
NAYC 2026 Day 1
Reflection from Dr. Richard Rojas' Sermon
๐๐ฒ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฐ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐
Colossians 3:15โ17
Ang ating expression bilang mga mananampalataya ay dapat naka-align sa ating identity kay Cristo.
Maraming tao ngayon ang magaling magpakita ng image pero kulang sa authenticity. Madaling magmukhang mabuti sa harap ng tao pero ibang usapan ang tunay na buhay kapag walang nakakakita. Sa panahon ng social media, madalas mas pinapahalagahan ang projection kaysa realidad.
Pero bilang mga mananampalataya, iba ang tawag sa atin ng Panginoon.
Ang pagiging authentic Christian ay hindi simpleng โmaging totoo ka sa sarili mo.โ Dahil kung minsan, ang โsariliโ natin ay puno rin ng pride, fear, selfishness, at kasalanan. Ang tunay na authenticity ng believer ay ang pagiging totoo sa kung sino tayo kay Cristo.
Ang identity natin ay hindi na nakabase sa nakaraan natin, sa failures natin, o sa tingin ng tao tungkol sa atin. Ang identity natin ay nasa Panginoong Jesus.
Sa Colossians 3:15โ17, ipinapakita ni Pablo na ang authentic Christian life ay nangyayari kapag si Cristo ang tunay na Panginoon ng lahat ng bahagi ng ating buhay.
1. ๐ผ๐ก๐ก๐ค๐ฌ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ค๐ ๐พ๐๐ง๐๐จ๐ฉ ๐๐ช๐ก๐ ๐๐ฃ ๐๐ค๐ช๐ง ๐๐๐๐ง๐ฉ๐จ
"At pagharian nawa ng kapayapaang mula kay Cristo ang inyong mga puso..." (Col. 3:15)
Ang salitang โruleโ ay may ideya ng isang referee o umpireโisang may authority na magdesisyon kung ano ang tama at mali.
Maraming bagay ang gustong mag-control ng puso natin.
Minsan emotions. Minsan takot. Minsan galit. Minsan insecurity. Minsan pressure ng mundo.
Pero sabi ni Pablo, hindi dapat yan ang maghari kundi
ang kapayapaan ni Cristo ang dapat naghahari.
Hindi ibig sabihin nito wala nang problema. Ang peace ni Jesus ay hindi kawalan ng bagyo; ito ay presensya ng Diyos sa gitna ng bagyo.
Kapag authentic believer tayo, makikita ito hindi kapag maayos lang ang buhay. Makikita ito kapag may conflict. Kapag may misunderstanding. Kapag may pressure. Kapag may uncertainty.
Kapag ang puso natin ay pinamumunuan ni Cristo, may peace kahit hindi malinaw ang future. Dahil alam nating hawak tayo ng Panginoon.
2. ๐๐๐ฉ ๐๐๐จ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐๐จ๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ช
"Hayaan ninyong manatili nang sagana sa inyo ang salita ni Cristo..." (Col. 3:16)
Hindi magiging authentic ang Christian life kung kulang tayo sa Salita ng Diyos.
Maraming believer ang gusto ng blessing pero ayaw ng Bible. Gusto ng guidance pero ayaw magbasa ng Scripture.
Pero sabi ni Pablo, โLet His Word dwell in you richly.โ Hindi bisita ang Salita ng Diyos. Dapat nananahan sa puso natin.
Hindi Sunday visitor. Permanenteng naninirahan.
Kapag ang Salita ng Diyos ang pumupuno sa isip natin, naaapektuhan ang paraan ng pag-iisip natin. Kapag puno tayo ng Word, iba ang response natin sa problema. Kapag puno tayo ng Word, may wisdom sa decisions.
Maraming boses ang mundo. Social media, Influencers, Culture, Opinions.
Pero ang tanong: Ano ang pinakamalakas na boses na naririnig natin araw-araw? Dahil kung ano ang pinakamalakas na boses sa buhay natin, iyon ang huhubog sa identity natin.
Ang authentic believer ay hindi hinuhubog ng kultura. Hinuhubog siya ng Salita ng Diyos.
3. ๐๐๐ฉ ๐๐๐จ ๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ช
"At anumang inyong ginagawa, sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus..." (Col. 3:17)
Hindi compartmentalized ang Christianity.
Hindi pwedeng si Jesus ay Lord tuwing Sunday pero hindi Lord pagdating sa trabaho.
Hindi pwedeng si Jesus ay Lord sa church pero hindi Lord sa social media.
Hindi pwedeng si Jesus ay Lord sa ministry pero hindi Lord sa attitude.
Kapag sinabing gawin ang lahat sa pangalan ni Cristo, ibig sabihin ginagawa natin ang lahat sa ilalim ng Kanyang authority.
Ang salita natin, mga desisyon natin, Paano tayo magtrabaho, paano tayo mag-aral, paano tayo magmahal, paano tayo maglingkod, paano tayo mamuhay.
Lahat nasa ilalim ng Panginoon ni Cristo.
Ang authentic Christian ay hindi lang may Christian label. May Christlike life.
Hindi perfect pero surrendered. Hindi flawless pero faithful. Hindi nagpapanggap kundi unti-unting nagiging katulad ni Cristo.
Ang authentic Christian life ay hindi bunga ng sariling efforts natin. Ito ay bunga ng pagiging Panginoon ni Cristo sa bawat bahagi ng ating buhay.
Kapag ang peace ni Christ ang naghahari sa puso natinโฆ
Kapag ang Word ni Christ ang nananahan sa atinโฆ
Kapag ang pangalan ni Christ ang naghahari sa buong buhay natinโฆ
Doon nagiging tunay ang Christian witness natin.
Hindi lang tayo mukhang Kristiyano, namumuhay tayong kay Cristo talaga tayo.
This is the challenge sa atin. Kapag tiningnan ng tao ang buhay natin, nakikita ba nila si Cristoโo version lang natin ng Christianity?
Mamuhay kang tunay na kay Kristo kabataan.