Confraternity Of Our Lady Of Sorrow

Confraternity Of Our Lady Of Sorrow Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Confraternity Of Our Lady Of Sorrow, Religious Center, San Pablo Apostol Parish, Tondo.

21/11/2015

maraming salamat sa mga new likers ng ating page

30/10/2015


https://www.youtube.com/watch?v=D-o1fwi-8x4
29/07/2015

https://www.youtube.com/watch?v=D-o1fwi-8x4

"Lahat Ng Akin Ay Iyo" OFFICIAL Theme Song 75th Diamond Jubilee of the Legion of Mary to be held at the Mall of Asia Arena on July 19, 2015, Sunday. Composer...

23/07/2015
22/10/2014
Lubao, Pampanga
10/06/2014

Lubao, Pampanga

10/04/2013

White Vote Updates:

We invite everyone to join the WHITE VOTE MOVEMENT for the PROCLAMATION PRAYER RALLY on Saturday April 13, 2013, 5:00pm at El Shaddai Compund Amvel City, Parañaque.

Calling all Families! Calling all Catholics! Let us all together mark the history of our nation now! Its about time to solidify ourselves to protect the sacredness of Life and Family!

Catholic Vote NOW!

05/03/2013

Martes, Ikatlong Linggo ng Cuaresma
Marso 05, 2013

‘Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kayang tao.’

Marahil ang kasabihang ito ay gasgas na gasgas na dahil paulit ulit na natin itong naririnig. Subalit ito’y isang hamon sa atin. Isang hamong inaanyayahan tayong isabuhay sa pang araw araw nating buhay. Isang hamon na napakadaling sabihin ngunit napakahirap gawin.

Mga kapatid, gaano kadaling sabihing ‘Pinapatawad na kita’? Gaano naman kadaling magpatawad? Marahil ang isasagot nati’y ‘mahirap’. Nakapakihirap. Talaga naman pong napakahirap magpatawad lalong higit kung ang kasalanan sa ati’y malaki at mabigat.

Sa pagtunghay natin sa ebanghelyo, nakikita nating tinanong ni Pedro si Hesus: Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na nagkasala sa akin, makapito po ba? Para sa mga hudyo sapat na ang makapitong beses mong patatawarin ang iyong kapwa ngunit para kay Hesus ang pagpapatawad ay hindi nalilimitahan ng bilang o ng numero. Ang pagpapatawad ay dapat ‘unlimited’. Hindi nauubos at hindi nageexpire, buo at bukal sa ating kalooban. Napakaganda ang ibinigay na talinghaga ni Hesus. Dito ay nakikita natin ang Hari, ang ating Diyos, na handing magpatawad at kalimutan ang ating mga pagkakautang sa kanya gaanuman ito kalaki. Syempre, nandyan din ang unang lingkod na bagama’t pinatawad na sa kanyang mga pagkakautang ay hindi naman marunong magpatawad sa mga nagkakautang sa kanya.

‘At patawarin mo kami sa aming mga pagkakasala, para nang pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin.’ Siguradong ang bahaging ito ng panalanging ‘Ama Namin’ ay alam nating lahat. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa pagpapatawad. Humihingi tayo ng kapatawaran para sa mga kasalanan natin gayundin nagbibigay tayo ng kapatawaran sa mga taong nagkakasala sa atin.

Mga kapatid, balikan natin ang ating mga karanasan. May mga pagkakataon sa ating buhay na nagiging katulad tayo ng unang lingkod. Husto lamang sa paghingi ng kapatawaran ngunit sa loob loob nati’y hindi natin kayang magpatawad. Normal lang yan tao kasi tayo. Subalit ipinapaalala sa atin na dapat tayong magpatawad, inaanyayahan tayong isabuhay ang salitang ito. Ang patawarin ang ating kapwa lalong lalo na yaong nagkakasala sa atin ng mabigat.

Hindi ba’t isa sa mga misyon ni Hesus noong siya ay naparito ay ang patawarin ang ating mga kasalanan? Sa tuwing siya ay nagpapagaling ng mga maysakit lagi niyang sinasabi: Anak, pinapatawad na ang iyong mga kasalanan. Maging ang kanyang pagkamatay sa krus ay pagpapatawad ang siyang dahilan. Ganyan tayo kamahal ng Diyos. Labis niya tayong ginigiliw.

Ang Diyos natin ay handang magpatawad at tanggapin tayo ng may mga nakabukang kamay. Sa panahon ng kwaresma, napakagandang humingi tayo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at gayundin naman ang magpatawad sa mga nagkakasala sa atin. Dahil sa pagmamahal tayo ay nagpapatawad at sa pagpapatawad tayo ay nagmamahal. Amen.

Address

San Pablo Apostol Parish
Tondo

Telephone

09177631980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confraternity Of Our Lady Of Sorrow posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share