25/05/2026
Maraming tao ang gustong makuha agad ang “bunga” — peace, joy, purpose, pagbabago, at pagpapala. Pero sinabi ni Jesus na Siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga.
Ibig sabihin, hindi natin kayang magbunga nang totoo kung hiwalay tayo sa Kanya. Kapag si Jesus ang hinabol mo at hindi lang ang mga biyaya Niya, natural na susunod ang bunga sa tamang panahon. Ang tunay na transformation ay hindi nagsisimula sa sariling sikap, kundi sa pananatili kay Cristo.
“Whoever abides in Me and I in him, he it is that bears much fruit.” — John 15:5