18/09/2025
📕Sabi ng Diyos: “Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nahahawakan; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang pananalig. Kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, kinakailangan ang pananalig. Kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro, kinakailangan ang pananalig. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan sa iyo ay magkaroon ng pananalig at magpakatatag nang husto at manindigan sa iyong patotoo. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, kapag may pananalig ka ay saka mo lamang makikita ang Diyos. Kapag mayroon kang pananalig, gagawin kang perpekto ng Diyos, at kung wala kang pananalig, hindi Niya ito magagawa.”
🙋Anuman ang pagsubok o sakit na iyong kinakaharap, basta't lubos kang nagtitiwala sa Diyos tulad ni Job, masasaksihan mo ang pagpapakita ng Diyos! Kung naniniwala ka, mag-alay ng ""Amen"" nang malakas!