05/06/2026
𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗔 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗
Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ganda ng iyong nilikha, kaisa na rin kami, sa iyong kabutihan, sa pagkakaloob ng aming mga pangangailangan, at sa iyong karunungan na gumagabay sa landas ng buhay. Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa iyo at buong sangnilikha. Hindi kami naging mabuting tagapangasiwa ng Kalikasan. Hindi kami tumupad sa iyong atas na pangalagaan ang mundo. Ang kalikasan ay dumaranas ng hirap dahil sa aming kapabayaan, at ngayon ay nagbunga ang aming pang-aabuso at kawalan ng malasakit. Umiinit na ang mundo. May mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ang patuloy naming nararanasan. Nagsusumamo kami sa iyo, Amang Mapagmahal, at pagkalooban kami ng kapatawaran sa aming mga sala. Hinihiling namin na kami, sampu ng aming mga mahal sa buhay, at ng aming mga pinaghirapan ay malayo sa anumang banta ng kalamidad, maging likas man o kagagawan ng tao.
Nawa'y gisingin mo ang lahat na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng iyong nilikha, at maging mapagbigay sa mga nangangailangan. Amen.
Nuestra Señora de Salvacion de Joroan, Ipanalangin mo po Kami!
Panginoong Jesus, Kaawaan mo po kami!