Church of Almighty God

Church of Almighty God Seek more thruths mga kapatid.🧡

24/08/2023
24/08/2023
Must read and ponder ponder po kita mga tugang.🥰Good morning po sa ating lahat at mapagpalang araw po sa muli sapagkat n...
24/08/2023

Must read and ponder ponder po kita mga tugang.🥰

Good morning po sa ating lahat at mapagpalang araw po sa muli sapagkat nabigyan po ulit tayo ng pagkakataon ng Makapangyarihang Diyos upang po makabawi at maakipagtulungan po sa Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw po!

Gusto ko lang po magbahagi na maikling passage po galing sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos,

Almighty God says,

Ang Diyos Mismo ay Buhay,at ang KATOTOHANAN,sabay na umiiral ang kanyang buhay at KATOTOHANAN .Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang Buhay.Kung wala ang patnubay ,pag-alalay,at paglaan ng katotohanan,ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina,at,higit sa lahat KAMATAYAN.

Laging naririyan ang Buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang kanyang KATOTOHANAN at Buhay.Kung hindi mo matatagpuan ang Pinagmulan ng KATOTOHANAN,kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng KATOTOHANAN , at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuro-kuro,magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo_ang umaalingasaw mong laman.

Alamin mong hindi ituturing na Buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin ng KATOTOHANAN ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon.

Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ang, ang buhay,ang kalooban ng Diyos at ang kanyang Kasalukuyang paraan ng paggawa.

Kapag ginagamit mo ang mga talaan ng mga salitang sinasabi ng Diyos noong mga nagdaang panahon hanggang ngayon, sa gayon isa kang arkeologo ,at isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan ang pinakamainam na paraan ng paglalarawan sa iyo.

Iyon ay sapagkat palagi kang naniniwala sa mga bakas ng gawaing ginagawa ng Diyos noong mga nagdaang panahon, tanging naniniwala lamang sa anino ng Diyos na naiwan mula noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at tanging naniniwala lamang sa daang ibinigay ng Diyos sa kanyang mga tagasunod noong mga dating panahon. Hindi ka naniniwala sa direksyon ng gawain ng Diyos ngayon,at hindi naniniwala sa daan ng KATOTOHANAN na Kasalukuyang inihahayag ng Diyos.

Sa gayon hindi mapagkakailang isa kang nangangarap nang gising na ganap na walang ugnayan sa realidad. Kung ngayon nanatili ka pa ring nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay ng buhay sa mga tao, kung gayon isa kang walang pag-asang piraso ng tuyong kahoy, dahil masyado kang makaluma,masyadong suwail, masyadong naapektuhan ng katuwiran!

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sharing....

Ayan konti lang po na sharing about po sa passage na ini.🥰

Sa pagkakataon pong ito tunay nga kaya po na mapapalugod natin ang Diyos sa paraang ganito po?kung patuloy po tayong nagpapagapos sa mga kasaysayan? May pag- asa po ba kaya tayong masalubong ang Cristo na nagkatawang tao sa mga huling araw kung hindi po tayo na susuplayan na mga bagong salita ng Diyos? Di ba po hindi.

Tunay po na gaano man nating pagsikapang pag lingkuran ang Diyos kung hindi po natin hahanapin ang Buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, malinaw na sinabi rin po ng Diyos na "kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus,at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo sa kasaysayan."

Sa madaling salita mawawala ang pag-asang inaasam ng karamihang maligtas sa mga huling araw.

Hope na magkaroon po kita man na realization base po sa passage na ini.Amen po.🌱

Almighty God Says,📖✨"God gives you this opportunity to live in this way and to expend yourselves for Him_this is somethi...
14/02/2023

Almighty God Says,📖✨

"God gives you this opportunity to live in this way and to expend yourselves for Him_this is something meaningful. You should treasure this opportunity, and feel proud and honored. To be able to perform this duty at this age, in this environment, and under these conditions is a very rare opportunity! God carefully selects from among humanity, and He has chosen you. This is your opportunity. This is your greatest blessing. This blessing is even greater than the blessings of the saints down through the ages and generations!"

Almighty God Says,📖✨"If you only focus on the theoretical knowledge and only live among religious ceremonies without goi...
07/02/2023

Almighty God Says,📖✨

"If you only focus on the theoretical knowledge and only live among religious ceremonies without going deep into reality, without entering into real life, then you will never enter into reality, you will never know yourself, the truth, or God, and you will forever be blind and ignorant."

from The Appearance and Work of God

🕊️📖 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS,” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga isyung ito; mas mabuti pang humin...
07/02/2023

🕊️📖 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS,

” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga isyung ito; mas mabuti pang huminahon ka at makibahagi tungkol sa sumusunod na mga tanong:

Una, alam mo ba kung ano ang realidad, at kung ano ang teorya?

Pangalawa, alam mo ba kung ano ang mga kuru-kuro, at kung ano ang katotohanan?

Pangatlo, alam mo ba kung ano ang inakala, at kung ano ang totoo?

Ikinakaila ng ilang tao ang katunayan na hindi nila nauunawaan si Jesus. Subalit sinasabi Ko na hindi ninyo Siya nauunawaan kahit katiting, at hindi ninyo naiintindihan ni isang salita ni Jesus.

Iyan ay dahil bawat isa sa inyo ay sumusunod sa Kanya dahil sa mga salaysay sa Bibliya, dahil sa sinabi ng iba.

Hindi pa ninyo nakita si Jesus kailanman, ni nakapiling Siya, at hindi pa nga ninyo Siya nasamahan kahit sandali.

Sa gayon, hindi ba teorya lamang ang pagkaunawa ninyo tungkol kay Jesus?

Hindi ba wala itong katotohanan? Marahil ay nakita na ng ilang tao ang larawan ni Jesus, o personal nang nabisita ng ilan ang tahanan ni Jesus.

Nahawakan na siguro ng ilan ang damit ni Jesus. Subalit ang pagkaunawa mo sa Kanya ay teoretikal pa rin at hindi praktikal, kahit personal mo nang natikman ang pagkaing kinain ni Jesus.

Anuman ang sitwasyon, hindi mo pa nakita si Jesus kailanman, hindi mo pa Siya nakasama kailanman sa anyo ng katawang-tao, kaya nga ang pagkaunawa mo kay Jesus ay laging hungkag na teorya na walang katotohanan.

Marahil ay hindi ka gaanong interesado sa Aking mga salita, ngunit ito ang tanong Ko sa iyo: Bagama’t maaaring marami ka nang nabasang akda ng manunulat na pinakahinahangaan mo, lubos mo ba siyang mauunawaan kahit hindi mo pa siya nakasama kailanman?

Alam mo ba ang kanyang personalidad? Alam mo ba ang uri ng kanyang pamumuhay? May alam ka ba tungkol sa kanyang nadarama?

Ni hindi mo nga lubos na maunawaan ang isang taong hinahangaan mo, paano mo pa kaya posibleng mauunawaan si Jesucristo?

Lahat ng nauunawaan mo tungkol kay Jesus ay puno ng mga imahinasyon at kuru-kuro at walang katotohanan o realidad.

Nangangamoy ito at puno ng laman. Paano ka magiging karapat-dapat na salubungin si Jesus kung ganyan ang pagkaunawa mo?

Hindi tatanggapin ni Jesus ang mga taong puno ng mga pantasya at kuru-kuro ng laman. Paano nagiging akmang mananampalataya kay Jesus ang mga taong hindi nakakaunawa sa Kanya?

mula sa Mga Pagpipiliang mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

🕊️📖Sabi ng Makapangyarihang Diyos,“Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking binabago ang mundo—ibig s...
07/02/2023

🕊️📖Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

“Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking binabago ang mundo—ibig sabihin, ang lupa—at pagkatapos darating ang mga salot at mga taggutom.

Ito ang Aking plano, at ang mga ito ang Aking mga hakbang, at pagagalawin Ko ang lahat upang maglingkod sa Akin upang tapusin ang Aking plano ng pamamahala.

Sa gayon, ang buong mundo ng sansinukob ay mawawasak, kahit wala ang Aking tuwirang pakikialam.

Nang una Akong naging katawang-tao at ipinako sa krus, yumanig nang napakalakas ang lupa, at magiging ganoon din pagdating ng katapusan.

Magsisimula ang mga lindol sa mismong sandali na pumasok Ako sa espirituwal na dako mula sa katawang-tao.

Sa gayon, ang mga panganay na anak ay walang-pasubaling hindi magdurusa mula sa sakuna, samantalang ang mga taong hindi mga panganay na anak ay maiiwan upang magdusa sa gitna ng mga sakuna.

📍Latest update po ito sa nangyaring pag lindol sa Turkey, sobrang dami ng bilang ng mga namatay at mahigit 3,830 na na tao ang nasawi.

Address

Tiwi
4513

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Church of Almighty God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share