21/09/2025
Kamtin ang Katarungan. Labanan ang Kasamaan.
โ Expose the Works of Darknessโ- Ephesians 5:11
Sa gitna ng kaliwaโt kanang isyung kinakaharap ng bansa, ordinaryong pilipino ang laging kawawaโt biktima.
Habang ang mahihirap ay araw-araw kinakaharap ang mga lumalalang krisis, ang mga nasa taas ay may labis at marangyang pamumuhay mula sa kanilang nakaw yaman sa kaban ng bayan.
Ang mga pasakit na dinaraans ng mga pilipino ay taliwas sa buhay na hangad ng diyos para sa lahatโbuhay na ganap at kasiya-siya. Walang buhay na ganap hanggaโt may korapsyon! Walang kapayapaan kung walang hustisya para sa magsasaka, mangingisda, manggagawa, bataโt kababaihan, LGBTQ+, Indigenous Peoples, at sa lahat ng sektor na biktima ng pang-aapi at pananamantala ng estado.
Kung kayaโt ang CYF NEC, bilang pambansang kinatawan ng Christian Youth Fellowship, ay patuloy na naninindigan na ang pagsunod kay kristo ay may kaakibat na obligasyon. Sinasabi nga sa Luke 4:18-19, na ang misyon ng Diyos ay magdala ng magandang balita sa mahihirap, paglaya sa mga bihag at inaapi. Samaktuwid, ano mang porma ng pangaabuso at pananamantala ay hindi kalugod-lugod sa diyos kaya nararapat labanan ito.
Bukas, sa ika-53 taon ng paggunita sa Martial Law at tinaguriang National Day of Action Against Corruption, inaanyayahan ang bawat isa na makilahok at makiisa sa sama-samang pagkilos upang ipakita ang galit ng mamayan sa katiwalian. Bukas ay araw ng sama-samang panalangin, paniningil, at paghingi ng hustisya para sa mga Pilipinong biktima ng korap na sistema.
Kasabay ng ating mga panalangin, bahain natin ng protesta ang mga lansangan dahil ang protesta ay makatwiran sa gitna ng mga katiwalian. Sabi nga sa Amos 5:24, โLet Justice Roll Down like a Mighty River.โ
Justice hindi pagtitiis. Serbisyo hindi korapsyon. Lahat ng kurakot dapat managot.
CYF, wag kukurap sa mga korap!

CYF, wag kukurap sa mga korap! Kitakits bukas!
Layout: Vincent Joel Salvador, NLJ-CYF