22/02/2026
Hinihiling po ng ating Mahal na Obispo Mel Rey M. Uy na bigyang kabatiran ang lahat ng mananampalataya ng ating Diocesis ukol sa 'Liham Pastoral' ng Arsobispo ng Lipa, Arsobispo Gilbert Garcera, Pangulo ng CBCP hinggil sa paggunita sa ika-40 taon ng EDSA People Power. Narito ang buong liham na isinalin sa tagalog mula sa 'original english text'.
Note: Credit to the rightful owner of the tagalog translation from St. Catherine of Alexandria Parish
Minamahal kong mga Kapatid,
Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa ating Panginoong Hesukristo!
โAlalahanin ninyo ang mga kababalaghan na ginawa ng Panginoon,โ paalala ng Salmo sa mga Israelita habang silaโy humaharap sa sunod-sunod na pagsubok sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang ipinangako ng Diyos.
Apatnapung taon matapos nating patalsikin ang isang diktadurya na nagtangkang magpatuloy sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pandaraya sa halalan, muli nating naririnig ang Salmong ito ngayon bilang paalala ng mga kababalaghan na ginawa ng Panginoon habang hinaharap natin ang mga hamon ng kasalukuyan.
Noong 1986, matapos ang mga taon ng pagdurusa, sabay-sabay tayong sumigaw: โTama na! Sobra na! Palitan na!โ Mula Pebrero 22 hanggang 25, 1986, nasaksihan natin kung paanong ang mga Pilipino ay matapang ngunit mapayapang nagtipon sa lansangan upang ipahayag ang kanilang pagtutol at pagkadismaya. Ang mahabang kahabaan ng EDSA ay naging isang malawak na bukรกs na katedral ng pananampalataya at mapayapang pagtutol. Milyun-milyong Pilipino mula sa ibaโt ibang panig ng bansa ang nagtipon sa ilalim ng mapagkalingang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria at ng kanyang Anak na si Hesus. Hawak ang rosaryo at taimtim na nananalangin, nag-aalay ng Misa at umaawit ng mga himnoโtayong lahat, bilang isang bayan, ay nagkatabi-tabi, hinarap ang mga tangke at sundalo na walang sandata kundi ang di-matitinag na pananampalataya sa ating mga puso.
Bumagsak ang diktadurya hindi sa pamamagitan ng karahasan kundi sa tahimik na pagtitiis at kapangyarihan ng panalangin at sama-samang pananampalatayang nanawagan ng katarungan at tunay na pagbabago.
Ang pambihirang pangyayaring ito ay hindi aksidente o simpleng bunga lamang ng pagsisikap ng tao. Ito ay patunay ng paglingap ng Diyos sa Kanyang bayan na sa Kanya dumulog sa pinakamadilim na sandali. Pinagbuklod tayo ng pananampalataya at pagmamahal sa bayan. Sinagot ang ating mga panalangin. Naganap ang โHimala ng EDSA: People Power.โ
Ngayon, kasama ang lahat ng mga Pilipinong nagmamahal sa kapayapaan, ginugunita natin ang ika-40 anibersaryo ng People Power. Nagpapasalamat tayo sa biyayang naging daan upang itoโy mangyari. Sa paggunita nating ito, hinihiling namin, ang CBCP, na isagawa ninyo ang tatlong banal na tungkulin: ang mag-alala, magsisi, at tumugonโupang muli nating tanggapin ang diwa ng himalang iyon at magbukas ng mas mabuting kinabukasan.
Mag-alala (To Remember)
Una nating tungkulin ang mag-alala. Alalahanin natin ang mga bayaning hindi nakilala sa pangalan ngunit siyang tunay na puso ng People Power: ang inang iniharang ang sariling katawan upang sanggahan ang isang sundalo, ang mga matatandang nasa wheelchair na nagrorosaryo sa gitna ng ugong ng mga makina, at ang mga kabataang magkakapit-bisig na humarang sa daan. Ipinakita nila ang tunay na kapangyarihan ng pananampalatayang kayang baguhin ang lipunan nang walang pagdanak ng dugo. Tumagos ang kanilang saksi sa baluti ng pang-aapi. Napatunayang mas makapangyarihan ang panalangin kaysa mga tangke. Nanaig ang pananampalataya laban sa takot.
Ang apoy ng EDSA na sinindihan apatnapung taon na ang nakalipas ay tungkulin nating panatilihin. Nawaโy manahan muli ang tapang sa ating mga puso at muling magningas ang ating pananampalataya upang itaguyod ang kabutihang panlahatโhindi lamang para sa ating sarili kundi para sa susunod na mga salinlahi. Ikuwento nating muli ang kasaysayan ng EDSA.
Magsisi (To Repent)
Inaamin nating nasayang natin ang handog ng EDSAโang bukang-liwayway ng bagong kalayaan. Naging manhid tayo rito. Nakalimutan nating ang kalayaan ay tungkulin at pananagutan. Ipinagwalang-bahala natin ang pagkakataong magsimulang muli.
Tulad ng mga Israelita matapos makalaya mula sa Ehipto, nakalimutan natin ang katapatan at kabutihan ng Diyos. Bumalik tayo sa mga dating gawiโmga nakasanayang nagbibigay-ginhawa ngunit nagwawalang-bahala sa ating mga kapatid na naghihirap. Hindi natin lubos na ginampanan ang pananagutan sa pagbubuo ng bansa. Nanatiling wasak ang ating bayan. Sa ating pagiging kampante at pakikisangkot sa talamak na katiwalian at kultura ng impunidad, ipinagkanulo natin hindi lamang ang ating sarili kundi pati ang ating Diyos.
Nakaharap sa atin ang kataksilang ito: patuloy na kahirapan, malalim na katiwalian, pagkasira ng tiwala, at kakulangan sa pag-unlad. โLahat ay nagkasala at nagkulang,โ paalala ng Kasulatan, at ang pagiging matuwid ay nagmumula sa mapagkumbabang pananampalataya, hindi sa pagmamatuwid sa sarili.
Ang pagsisisi ay nangangailangan ng pagharap sa ating mga kasalananโang ating pakikiisa sa mga sistemang kumukutya sa pangako ng EDSA. Ipagkumpisal natin ito nang may pusong nagsisisi, talikuran ang mga gintong guya ng materyalismo, at manumbalik sa Diyos na minsan nang nagpalaya sa atin.
Tumugon nang may Tapang at Pagmamahal (To Respond with Courage and Love)
Ang EDSA ay isang paggising na patuloy na tumatawag sa atin. Tulad ng Exodo, ipinakita nitong ang kalayaan ay nangangailangan ng tapang. Tulad ng Pentekostes, ibinunyag nitong ang pagkakaisa ay nagbibigay-buhay sa bagong misyon. Ngayon, tinatawag tayong hindi lamang mag-alala at magsisi kundi tumugon nang may tapang at pag-ibig sa pamamagitan ng pagbabago.
Ang pagbabago ay nangangailangan ng katapatan. Huwag tayong magsawang hanapin at panindigan ang katotohanan at itakwil ang kasinungalingan. Ang pandaraya at kasinungalingan ay nagtatakip lamang sa ating mga sugat at kahirapan.
Ang pagbabago ay nagmumula sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay pagkilos. Kung walang pag-ibig, magpapatuloy ang ating pagdurusa. Ang mga hungkag na slogan at pangako ay pansamantalang pampamanhid lamang, ngunit hindi lunas.
Ang pagbabago ay nangangailangan ng personal na pagbabalik-loob. Ang araw-araw na integridad ay ang sakripisyong paggawa ng tama kahit walang nakakakita. Ito ang pagtalikod sa kasinungalingan at maling gawain.
Ang pagbabago ay nangangailangan din ng sama-samang pagbabalik-loob. Ang ating mga institusyon at pamayanan ay dapat iwan ang mga nakasanayang nagpapatuloy ng katiwalian. Kapag tayoโy nagtulungan, mas marami tayong magagawa.
Ang EDSA People Power ang ating mapayapang paraan ng pagbabago. Nangailangan ito ng tapang, sakripisyo, at pag-ibigโat tayoโy kumilos nang magkakasama.
Mga Konkretong Hakbang sa Paggunita ng EDSA @ 40
โข Sama-sama nating labanan ang impunityโang kawalan ng pananagutan kung saan ang mali ay nagiging normal at ang makapangyarihan ay hindi napapanagot. Upang mapanatiling nasa taumbayan ang kapangyarihan, sama-sama nating itaguyod ang pagpasa ng isang tunay na Anti-Dynasty Bill.
โข Maging mapagmatyag tayo. Magtatag ng mga lokal, diyosesis o parokyal na boluntaryong grupo para sa pagsubaybay at pananagutan sa paggamit ng pampublikong pondo at mga proyekto.
โข Makilahok tayo. Magpasimula at makibahagi sa mga dayalogo at konsultasyon kung saan naririnig ang boses ng lahat upang itaguyod ang transparency at pananagutan.
โข Suportahan natin ang mga tapat at may kakayahang lider na tunay na naglilingkod sa kabutihang panlahat. Ipagpatuloy ang edukasyon sa mabuting pagkamamamayan at pamamahala lalo na patungo sa Halalan 2028.
Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng isang rebolusyonโisang rebolusyon ng puso. Matapos ang 40 taon mula EDSA, milyon pa rin ang naghihirap dahil bumalik tayo sa dati nating masasamang gawi. Kailangan natin ang pagbabagong nagsisimula sa pusoโsa ating mga tahanan, kumbento, parokya, lupon, institusyon, samahan, kongregasyon at diyosesis.
Higit sa lahat, huwag nating kalimutan: ang pagbabago ay nagaganap sa biyaya ng Diyos. Ang EDSA ay tanda ng Kanyang pag-ibig at awa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, sapagkat inihahayag ng Espiritu Santo ang โhindi nakita ng mata, ni narinig ng tainga, ni naisip ng puso ng tao, ang inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa Kanya.โ (1 Cor 2:9) Manalangin tayo nang taimtim habang masigasig na kumikilos.
Mga Kapatid, โAlalahanin ninyo ang mga kababalaghan na ginawa ng Panginoon.โ Muli tayong puspusin ng diwang nagbunga ng People Power noong 1986. Sa pagbabalik-tanaw, iyon ay isang halimbawa ng synodality in actionโmagkakahawak-kamay, magkakatabi, sabay na naglakbay sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. โSulong-Padayonโ ang ating panawagan upang makatawid mula sa pagkaalipin tungo sa kalayaan.
Apatnapung taon naglakbay ang mga Israelita sa ilang. Pagkaraan ng apatnapung taon, at sa apatnapung araw ng Kuwaresma, tinatawag tayo sa isang bagong rebolusyon ng pusoโpusong bumabalik sa Diyos at umaalala sa Kanyang mga kababalaghan. Ang 1986 People Power ay isang kairosโisang sandali ng biyaya. Alalahanin natin nang may pasasalamat, magsisi nang may pagpapakumbaba, at tumugon nang may tapang at pag-ibig. Paalala ng Panginoon: โInibig ko kayo.โ (Rev. 3:9)
Maria, Ina ng ating bayan, ipanalangin mo ang Pilipinas. At nawaโy maghari ang kapayapaan sa ating lupain.
Para sa Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines,
GILBERT A. GARCERA, D.D.
Arsobispo ng Lipa
Pangulo, CBCP