15/08/2026
PARA SA LINGGO NG UCWO AT PAGKILALA SA MANGGAGAWA
mga minamahal na Iglesya Lokal, Worshiping Congregation at Mission Outreaches ng STC :
Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.- 1 Tesalonika 5:12-13
Maraming salamat sa inyong mga paghahanda sa araw na ito. Tunay na nakakapagbigay ito ng saya sa puso ng bawat manggagawa.
Batid natin na ang pagkilala sa mga manggagawa ay Hindi lamang limitado sa araw na ito.
Kagalakan Ng bawat manggagawa ang pag-unlad ng kapatiran hindi lamang sa loob ng Iglesya kundi bilang Iglesya na nakikilakbay sa Anawim lalo na sa mga panahong nangangailangan ng pagtugon ang ating pamayanang ginagalawan. Maipagpatuloy din natin ang kampanya para sa mga nais pumasok sa seminaryo at pagsuporta kagaya ng Project .PSALMS.
Patuloy na pagmamahal at katapatan ang ipaglilingkod Ng mga manggagawa sa Diyos at sa Kanyang Bayan.
Umaasa kami na patuloy tayong lalago sa paglilingkod ay misyon ni Kristo para sa Anawim.
Mabuhay ang mga manggagawa ng Iglesya at ang buong kapatiran Ng UCCP STC!
Lingkod Kay Kristo,
Rev. Reece Ven Bico
Conference Minister
Photo by Bro. Edwin Escobido, UCCP Candelaria